1

228 6 0
                                    

"PRESIDENT, may sulat ka na naman." Inabot ni Bell ang iniaabot ng secretary niyang si Mel na isang papel na nakatupi. Isang third year business management student si Bell at presidente ng department nila, nagpatawag siya ng meeting ng officers dahil sa ilang reklamo at request ng ilang mga kapwa business management student nila. Marami na siyang dapat intindihin hindi pa man siya nakakapasok sa kuwartong iyon, pero hayun at dumadagdag pa ang sulat na ibinigay ng sekretarya niya.

Matapos makuha ang sulat ay walang buklat-buklat na kinuyumos niya ang papel at itinapon sa basurahan. Saka siya tumayo sa likod ng table sa unahan ng lahat. Wala siyang oras para sa kung anu-anong kalokohan na pauso ng mga estudyante sa school nila. Maawtoridad na umayos siya ng tayo sa harap ng lahat bago nagsalita. "Okay, I called all of you-"

"Hindi mo man lang binasa ang sulat na ibinigay sa 'yo. Honeybunch naman, ang hard mo. Puwede bang soft ka na lang?" ang malambing na boses na iyon ang nagpatigil sa mga sasabihin ni Bell.

She can't help but purse her lips, close her eyes and take a deep breath before opening her eyes. She was greeted with thick brows, chinky dark brown eyes, proud nose and a mischevous smile was playing on his naturally red lips. His was Warren Li, also a third year student but he wasn't her classmate and he's her vice president.

"Do you know what are these papers, Mr. Li?" pigil ang inis na tanong niya rito habang iwinawagayway ang mga papel na nadatnan niyang nakapatong sa lamesa. Iyon ay sulat ng mga reklamo, tanong at request ng mga estudyante sa departamento nila. Araw-araw tumatanggap ang mga officers niyon at inaaksyunan paisa-isa.

"And honeybunch, do you know what was the paper you crumpled and threw?" balik-tanong nito.

Hindi niya ito sinagot.

Lumawak ang pagkakangiti nito. "Sulat din iyon ng isang estudyante."

"Alam ko. Ikaw, alam mo ba ang nakasulat do'n?" takang tanong niya.

"I know."

Pinaningkitan niya ito ng mata. "Really? So alam mo din kung sino ang baliw na nagbibigay no'n araw-araw?"

"No, but I'm sure that it was a love letter. I received a lot like that everyday, too," mayabang na sabi nito. Tumayo ito at naglakad papunta sa basurahan kung saan itinapon niya ang papel. Kinuha nito iyon.

Ngunit bago pa nito maayos at mabuklat ang papel ay lumapit siya rito, mabilis niyang hinablot iyon. Itinago pa sa kanyang likuran. "Puwede ba, Warren? I'm here to discuss some important things. At hindi itong pesteng love letter ng kung sinong damuho na nagbigay nito."

Nagulat siya nang maging seryoso ang itsura ng binata, pero hindi niya ipinahalata rito. "Will you take time to read that, Bell? Please? For me."

"D-did you just call me by my n-name?" hindi makapaniwalang tanong niya. He always call her "honeybunch" to tease her. Pero nang binigkas nito ang pangalan niya ay parang totoong naglalambing ito, tila nagmamakaawa pa. Tuloy ay napatitig siya rito, kasabay niyon ang makaramdam siya ng kakaibang tila pag-slow motion na pagtibok ng puso niya.

Mukhang masunuring bata na tumango ito.

"F-fine," sagot niya dala ng kakaibang pakiramdam at tibok ng puso niya.

Unti-unti ay bumalik ang pilyong itsura nito. At kinindatan pa siya ng impakto! Bumalik sa normal na pagtibok ang pagtibok ng puso niya dahil sa ginawa nito. Umahon na naman ang hindi matawarang inis niya rito. "Nang magka-love life ka naman, honeybunch, sagutin mo na 'yan!"

"Li!!!" kulang na lang ay literal na mag-usok ang taingang sigaw niya.

"Just read it, honeybunch. No harm," pahabol pa nito. Ngising-aso itong bumalik sa inuupuan nito kanina.

Napipilitang ibinulsa na lang niya ang sulat. Kinalma niya ang sarili bago bumalik sa harap ng lahat na tila walang nangyari.

Love Letter For BellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon