4

74 5 0
                                    

"So I guess this is goodbye to HB?" tanong nito. Ibinigay na rin nito ang sulat sa kanya, at akmang lalayasan na siya.

Biglang nagpanic siya sa ginawa nito. And on impulse she held his arm. "Oo. Oo na. D-date na kung date. B-basta kailangan ko makilala at makita si HB."

Halos mapunit ang bibig nito nang ngumiti sa kanya. "Sa wakas, honeybunch. Magde-date na tayo!" Kinuha nito ang kamay niyang nakahawak sa braso nito at pinagsalikop ang mga kamay nila.

Kaagad niyang binawi ang kamay niya. "Next week pa!" sigaw niya rito.

"Ms. Legarda at Mr. Li, pangatlong saway na 'to. Ang mabuti pa ay sa labas niyo na pag-usapan ang date niyo na 'yan," muling puna ng librarian nila.

Her cheeks heat up again. Mukhang nakikinig ang magaling na librarian nila. This time, siya naman ang tuluyan nang lumayas sa harap ng walang puknat na nakangiting si Warren Li.

"Takte, ano ba 'tong napasok ko?!" mahinang tanong niya sa sarili nang makalabas ng library.

END of the whole week, napatunayan ni Bell na talagang seryoso si Warren sa mga pinagsasabi nito noong huli silang mag-usap. Yes, the last time they talked. When he said he won't bother her: hindi siya nito pinansin at kinausap maski isang salita, o kahit tuksuhin at tawagin na honeybunch ay hindi nito ginawa. Tuwing makakasalubong niya ito parati nitong kasama ang kaibigan na si Henry, hindi man lang siya nito nililingon o kahit sulyap. She's impressed, and at the same time ay tila hinahanap-hanap niya ang panunukso nito.

Kagulat-gulat naman kasi para sa kanya ang ginawa ni Warren ngayong linggo. He is Warren Li, kilala na niya ito simula noong first year sila. Isa ito sa heartthrob ng campus nila, guwapo daw kasi ito sabi ng mga babae at ang lakas ng appeal ng dugong Chinese nito. Pero para sa kanya ang binata ang pinaka-magulo sa lahat ng heartthrob ng campus nila. Mula kasi nang makilala at makasama niya ito sa pagiging officer ay walang araw na hindi siya nito tinutukso, grabe rin ito magbuhat ng bangko sa harap-harapan niya. Okay, other than being a heartthrob, being noisy as ever and boastful she could say that he's smart. Isa siyang dean's lister at gano'n din ang binata, kaya nga ito ang pinili ng lahat na maging vice president ng department nila. Kung tutuusin ay talagang may karapatan itong magmalaki dahil may maipagmamalaki naman talaga.

"President, nandito na si Vice. Kasama si Henry," pukaw sa kanya ni Mel nila na tila kinikilig pa. Iyon ang nagpabalik sa kasalukuyan ng isip niyang naglalakbay. Her mind was supposed to be thinking about planning their acquaintance, not with something else. But she can't help her mind to stop. Kaya sigurado siyang kaya kinikilig ang secretary nila ay dahil kay Henry Bautista, maliban sa kaibigan nito si Warren ay isa rin kasi ang lalaki sa mga heartthrob ng campus nila.

Bahagya siyang umiling nang tumama naman ang takbo ng isip niya. "You're late, Mr. Li. Kalahating oras na," puna niya kay Warren.

"It's my fault, Bell. I'm sorry," hinging paumanhin ni Henry habang matamang nakatingin sa kanya.

"A-ah, okay. Maupo na kayo." She can't help but be intimidated with Henry with undefinite reason. Tumikhim siya para mawala ang pakiramdam na 'yon.

"Is something wrong, Bell? Nakakailang ba na nandito ako? Hindi kasi ako officer," ani Henry.

"Ah, wala. Wala," aniya.

"HB..."

Napalingon siya kay Warren dahil sa mahinang sabi nito na iyon. Did she heard him right, sinabi nito ang "HB." "HB?"

"Ah, that would be me. Henry Bautista at your service, Bell."

Nagtatanong na tiningnan niya si Warren, si Henry ba si HB? She heard Warren "tsk"-ed. "Pwede bang i-discuss mo na lang ang dapat i-discuss para matapos na ang linggo na 'to, honeybunch? Sa 'kin ka lang, 'wag mong pansinin ang iba dito. Masamang hangin pala ang naisama ko rito sa meeting natin. Baka ma-pollute ang puso mo at masuffocate ako sa loob kapag namansin ka pa ng iba. Mawawala ang guwapo mong future honeybunch."

Love Letter For BellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon