MATAPOS ang date nila no'ng Lunes ay hindi nakapag-date sina Bell at Warren nang sumunod na araw. Nag-focus kasi sila sa pagrereview, Wednesday kasi ang exam ng mga major subjects nila. Pero hindi pa rin pinalagpas ng binata ang araw na 'yon para pakiligin siya. Umagang-umaga ay hinintay siya nito sa gate ng campus, binigyan siya ng bungkos ng pink carnations at ihinatid sa classroom ng first subject niya nang araw na 'yon. Pauwi ay inihatid din siya nito sa kanila.
On their WednesDate, pagkatapos ng exam ay tulong-tulong ang lahat ng officer sa paggagawa ng mga ide-design sa party. Siya naman ay gumagawa ng flow ng program, pero hinigit na naman siya ng binata at dinala sa isang Chinese restaurant. Kung anu-ano ang pinatikim nitong pagkaing Chinese sa kanya. He said he wanted her to taste something new, discover something new. And she did discover something... Him.
While Thursday was just a day for her. Nang araw na iyon ay halos i-rush na nilang mga officer ang lahat ng dapat tapusin para sa party, sa isang araw na kasi iyon. Hindi man halata but she was expecting Warren to surprise her again. Nang mga nakaraang date kasi nila at lagi siya nitong hinihila kahit busy sila. Pero hindi niya nakita ang binata nang araw na 'yon, sabi ni Mel ay pinapasabi nito na ito na daw ang kakausap sa mga sponsor nila.
Fine, her mind said that time. But she was still hoping. But the day ended that nothing happened, and she just got frustrated.
And now, their FriDate...
"Saan ba tayo pupunta, Warren Li?" bahagyang naiinis at nangangambang tanong ni Bell sa binata.
Warren Li abducted her again. Busy ang lahat kanina dahil sa minamadali nang pagtapos ng mga kailangan sa kinabukasan na party, habang si Warren ay missing in action. Pagabi na ay hindi pa nga sila tapos, noon biglang dumating ang binata at hinila na naman siya. Pinabayaan lang sila ng mga kapwa officer nila, kaya na daw ng mga ito tapusin ang dapat tapusin.
Now she's with him. Madilim na at hindi niya alam kung saan ang punta nila, kanina pa kasi nagda-drive ang binata. Naka-ilan tanong na siya pero hindi siya nito sinasagot.
Naramdaman niya ang paghawak nito sa isang kamay niya, napatingin tuloy siya rito. Sandali nitong inalis ang tingin sa kalsada saka tumingin sa kanya. "Honeybunch, trust me. Okay? I'm sure you'll love the place. Malapit na naman tayo," nakangiting anito.
True to his words, minutes passed and they stopped at an elevated park. Tingin niya ay parang sila lang ang tao roon. Pumarada ang binata doon sa may magandang view, saka ibinaba ang bubong ng convertible car nito. From up there they could see the city lights shinning. Ang sarap sa mata tingnan ang mga ilaw sa ciudad. Looking at the view gives her serenity.
Bumaba siya ng kotse at tumayo sa gilid niyon, doon kita niya nang mabuti ang tanawin. Sumunod naman si Warren sa kanya. Naramdaman niya ang pagyakap nito sa baywang niya mula sa likod na kanyang ikinagulat. Nagulat man ay hindi na siya nakapalag, nakakulong na siya sa mga bisig nito. At nagustuhan niya iyon.
"Malamig, honeybunch," sabi nito na hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.
"Warren..."
He didn't speak. Silence ruled between them. Kapwa sila nagmamasid sa magandang view sa harap nila. Pero naputol din ang katahimikan na iyon gawa niya.
"Naiinis ako sa 'yo, Warren Li..." she said out of nowhere.
"Hmm?"
She sighed. "Simula noon hanggang ngayon wala kang ginawa kundi ang asarin at inisin ako. You even bruised my ego last week by doing everything I have to do, even if that's for me. Why are you like this to me?"
Ang binata naman ang narinig niyang bumuntong-hininga. "Gusto mo talagang malaman kung bakit?"
Tumango siya.
"Is 'I like you mula noon hanggang ngayon' is enough? I bet it's not. Simula nang makita kita ay nagustuhan na kita, honeybunch. From your beautiful face to your personality. Medyo tagilid lang sa huli, kaya tinutukso, iniinis at niyayabangan kita. You seems so high that I have to uplift myself, para mabagay sa 'yo. But on those ways that I'm doing until now, mas lalo lang akong nahulog sa 'yo."
