Nagising lang si Bell dahil sa narinig niyang paggalaw ng upuan sa tabi niya. Nang dahan-dahan na magmulat siya ay ang mukha ni Warren ang nabungaran niya. Nakasubsob din ang binata sa lamesa paharap sa kanya. Muli niyang naramdaman ang mabagal na pagtibok ng puso niya habang nakatingin ang binata sa mga mata niya. Hanggang sa bumilis ang tibok niyon nang haplusin ng binata ang pisngi niya.
"W-warren?"
"Honeybunch, binasa mo ang letter," sabi nito nang sandaling sulyapan ang sulat na nasa pagitan nilang dalawa. There was his endearment again, ngunit kababahidan ang boses nito ng tono ng pagpapasalamat at relief. Wala din ang mapaglarong itsura nito, masuyo itong nakatingin sa kanya. She wondered why...
Nailang na siya nang patuloy pang haplusin ng binata ang pisngi niya. Paano kung tumulo pala ang laway niya? Kung may muta siya? Nakakahiya! Mabilis niyang inalis ang kamay nito at umupo ng ayos. Nahihiyang inipit niya ang ilang hibla ng mahaba niyang buhok sa likod ng mga tainga niya, pasimple pa niyang sinalat kung may panis na laway at muta siya. Thank God at wala naman!
Narinig niya ang mahinang pagtawa ng binata, maayos na itong nakaupo. Marahil ay napansin nito ang mga pasimpleng ginawa niya. Umahon na naman tuloy ang inis sa dibdib niya.
"Warren!"
"Honeybunch!" Magkapanabay na sigaw nila.
"Ms. Legarda at Mr. Li, alam kong kayo na lang ang tao rito. But this is the library, so please lower your voices. Magkatabi lang kayo," puna ni Ms. Camacho sa kanila na librarian nila. "At, Mr. Li... Sabi ko sa 'yo na magsasara na ang library."
"Sorry, Miss," hingi niya ng tawad. Matapos siyang tanguan ng librarian ay bumalik ito sa pag-aayos ng libro 'di kalayuan sa kanilang dalawa.
Naiinis na binalingan ni Bell si Warren. "I-ikaw kasi!"kandautal na sisi niya rito nang malamang nakatingin pala ito sa kanya. At nakangiti pa!
Inirapan na lang niya ito bago inayos ang gamit para umalis na. Kukunin na sana niya ang love letter ni HB nang kunin iyon ni Warren. Inilahad niya ang isang palad sa harap nito para ilagay ang sulat doon. Ngunit tiningnan lang nito ang kamay niya.
"Warren..." pagbabata niya rito.
Hindi ito natinag.
"Ayoko magka-World War-ren dito, kaya ibigay mo na ang sulat."
Kumunot ang noo ng binata. "Did you just cracked a joke or not, honeybunch?"
"Did you have to asked that?" nanggigigil naman na tanong niya. She even groan in frustration after realizing that she really almost crack a joke. Ginamit lang naman niya ang pangalan ng binata sa sentence niya!
Nag-umpisang tumawa ang binata nang mahina. Hanggang sa unti-unting lumakas iyon. He was laughing his heart out. She rolled her eyes heavenward, but she can feel her cheeks burning up.
"Mr. Li..." muling saway ni Ms. Camacho.
Saka lang tumigil si Warren sa kakatawa. "Parang kanina lang ay itinapon mo 'to. Ngayon, kinukuha mo sa 'kin."
"Wala ka nang pakialam do'n," pairap niyang sabi rito.
"Kanino ba galing 'to? Kay HB ba?"
Marahas siyang napalingon rito dahil sa tanong nito. "Kilala mo si HB?"
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Let's just say that he's a close friend of mine. Really close..."
"Sino?"
Umiling ito. He even gestured sipping his mouth.
"Please?"
"Alright, alright. I'll tell you," anito. "Sa isang kondisyon."
Kumuyom ang nakalahad niyang kamay rito. "Ano naman 'yon?"
"We'll date for a whole week, starting next week." He silenced her when she was about to speak. "Sasabihin ko sa 'yo kung sino si HB sa araw ng acquaintance natin, kung gusto mo pa siyang makita... Then you'll meet him, I could set a romantic candelight dinner for you two, or whatever you want. Just tell me. Plus I won't bother you for this week."
Napatanga siya sa binata, hindi niya alam kung dahil kay HB o sa sinabi nitong kondisyon sa kanya. Ang alien nga ng pakiramdam niya dahil parang naexcite siya sa kondisyon nito. A one week date with Warren Li, matutuwa ba siya o maiinis? Tutuksuhin ba siya nito buong linggo o magta-transform ito into a prince? "P-pero review week next week! Marami pang kailangan ayusin sa acquaintance," apila niya nang makabawi siya sa pagkakatanga.
