Chapter 1

676 23 0
                                    


MULA sa pagtipa sa cellphone ay nag-angat ng tingin si Emmanuelle ng marinig ang boses ni Yvonne—isa din sa mga binansagang Runway Girls sa Catwalk. Siya at si Yvonne ay dalawa lamang sa limang modelong binansagan na Runway Girls sa Catwalk. At kukumpleto sa lima ay sina Valeen, Dominique at si Maggie na pawang naging malapit na kaibigan na din niya. Binansagan silang lima na Runway Girls ng Ballesca Modeling Firm o BMF dahil sa galing at husay nilang lima sa pagrampa. Silang lima ang Queen ng catwalk. Naglalakihan din ang mga billboards niya na nagkalat sa labas at loob ng Metro Manila. May mga print ads at commercial din siya. Hindi din magpapahuli ang ibang miyembro ng Runway Girls. Nagkalat din ang mga billboards ng mga ito sa labas at loob din ng Metro Manila. Sikat na sikat silang lima. Their faces were all over the Philippines. Pero ang talagang forte nilang lima ay ang pagrampa sa catwalk dahil doon sila nag-umpisa at nakilala bilang sikat na Runway Girls ng bansa. Marami din clothing line at fashion designer ang kumukuha sa serbisyo nilang lima para i-modelo nila ang mga designs na gawa ng mga ito.

"Girls, girls." pagkuha ni Yvonne sa atensiyon nilang apat. May hawak-hawak si Yvonne na maliit na kahon. Ibinaba nito ang hawak sa mesa pagkatapos nitong umupo tabi ni Dominique.

"What?" tanong ni Dominique rito.

Kinuha muli ni Yvonne ang kahon at inalog-alog nito iyon. "Walang mapili si Miss Chassy kung sino sa ating lima ang magsusuot ng latest collection nito sa nalalapit na fashion show." imporma ni Yvonne. Ang tinutukoy nitong Miss Chassy ay ang anak ng may-ari ng Ballesca Modeling Firm. Isang young fashion designer ng bansa si Miss Chassy. "Kaya naisipan niyang magbunutan na lang tayo. Kung sino ang nakabunot sa number five siya ang huling rarampa. Ibig sabihin siya ang magsusuot ng latest collection. Siya ang pang-finale" pagpapatuloy nito.

"Okay." narinig niyang wika ni Maggie.

"Sige. Mauna kang bumunot, Maggie." anito sa katabi.

Bumunot na si Maggie. "Number three." sabi nito sa numerong nabunot. Ipinakita pa nito iyon sa kanila. Sumunod na bumunot si Dominique—number one naman ang nabunot nito. Si Valeen ay number two.

"Ikaw naman, Emmanuelle." ani Yvonne sabay umang sa kanya ng kahon. Bumunot na siya. Nang akmang bubuksan niya ang nabunot ay agad niya iyong ibinaba ng makitang sinisilip ni Yvonne iyon.

"Cheaters, go away!" nakangising wika ni Emmanuelle kay Yvonne.

Tumaas ang perpektong kilay ni Yvonne. "You're so maarte." anito sa maarteng tinig. Hindi tuloy niya napigilan ang matawa sa tinuran nito. Narinig din niya ang tawanan nina Dominique, Maggie at Valeen. Nang maglakad si Yvonne pabalik sa pwesto nito ay tiningnan na niya ang nabunot.

"Five." imporma niya sa mga ito. Iniharap pa niya ang papel sa mga ito.

"Okay. Sabihin ko na lang kay Miss Chassy iyong mga nabunot natin mamaya." ani Yvonne ng makaupo muli ito sa sofa. Nagkibit-balikat si Emmanuelle bago niya ibinalik ang atensiyon sa kanyang cellphone. Naririnig ni Emmanuelle ang masayang pagku-kwentuhan ng apat. Pero hindi siya nakikisali dahil abala pa rin siya sa kanyang cellphone.

"Hey, lady in pink," nag-angat si Emmanuelle ng tingin ng marinig niya iyon. Siya lang kasi ang naka-pink sa kanilang lima.

"Bakit?"

"Saan na naman bang planeta naglalakbay ang isip mo? Kanina ka pa namin tinatawag? Cannot be reach ka." si Dominique ang nagsalita.

"Sa Mars. Bakit gusto mong sumama?" pagbibiro niya.

Nagtawanan tuloy ang mga ito sa biro niya. Napansin niyang napatingin si Dominique sa hawak-hawak niyang cellphone. "Hay! Kaya naman pala. Hinihintay mo na naman ang tawag ng boyfriend mo na missing in action ang peg." Ani Dominique.

Runway Girls Series 1: Emmanuelle Fortes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon