Chapter 10 (Finale)

1K 42 4
                                    


"WHAT are you doing here?"

Hindi maipaliwanag ni Emmanuelle ang kabang naramdaman sa sandaling iyon ng marinig niya ang malamig na boses na tanong na iyon ni Lawrence ng makita siya nito ng pumasok ito sa loob ng condo nito. Hindi lang sa boses mababakas ang kalamigan nitong iyong pati sa ekspresiyon ng mukha nito. Hindi lang sa boses nito ang mababakasan ng kalamigan. Pati ang ekspresiyon ng mata nito ay mababakasan ng kalamigan habang nakatitig ito sa kanya. Sa sandaling iyon ay binundol si Emmanuelle ng matinding kaba. Ganito iyong tinging ipinupukol ni Lawrence sa kanya noong bumalik ito galing ng New york. Noong panahong nagpapanggap pa ang binata na balewala na siya rito. Iyong panahong akala niya ay wala na siyang puwang sa puso nito. Pero sa pagkakataon iyon ay alam ni Emmanuelle na walang pagpapanggap na nangyari.

Oh, please not this time, naiusal ni Emmanuelle.

Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at humakbang palapit rito. Huminto siya sa paghakbang ng nasa harap na siya nito.

"I'm sorry, babe. Masyado lang kaming abala kanina kaya nakalim—

"Let's stop this." Putol ni Lawrence sa anumang sasabihin niya.

"H-ha?" Iyong kaba na naramdaman ni Emmanuelle ay halos trumiple na.

"Huwag na lang natin ituloy ang kasal." Malamig na wika nito.

"Ha?" Iyon lang ang tanging nanulas sa mga labi ni Emmanuelle. Inulit muli ni Lawrence ang sinabi bago siya nito nilampasan upang talikuran. Kumurap-kurap naman si Emmanuelle upang pigilan ang luhang gustong umalpas sa mga mata niya sa sandaling iyon. At bago pa siya talikuran ni Lawrence ay mabilis niyang hinawahan ang kamay nito para pigilan.

"Wait." Aniya, napahinto naman si Lawrence sa paglalakad pero hindi siya nito nilingon. Nanatili itong nakatalikod sa kanya kaya ang ginawa ni Emmanuelle ay pumunta siya sa harap nito at tiningnan niya ito sa mga mata.

"Bakit?" Tanong niya. Pilit na kinokontrol ang boses upang huwag iyong manginig. Tumikhim siya. "Bakit nagbago ang isip mo? Ayaw mo na ba akong pakasalan? Hindi mo na ba ako m-mahal?" Sa pagkakataon iyon ay hindi na nakontrol ni Emmanuelle ang emosyon. Hindi na niya napigilan ang pagpiyok ng boses.

"Ikaw ang dapat kung tanungin ng mga iyan, Emmanuelle? May plano ka bang ipagpatuloy ang kasal?" Tanong nito. Sa pagkakataong iyon ay kitang-kita na ni Emmanuelle ang sakit na bumalatay sa mga mata ni Lawrence. Nais namang niya itong yakapin upang kahit papaano ay mabawasan iyong sakit na nakikita niya sa mga mata nito pero pinigilan niya ang sarili. Gusto no na niyang sagutin ang mga tanong nito.

Pinunasan mo na ni Emmanuelle ang luhang nakatakas sa mata niya bago niya sinagot ang tanong ni Emmanuelle. "Anong klaseng tanong iyan? Alam mo namang gustong-gusto kong magpakasal sa'yo? At alam mong mahal na mahal kita?"

Umiling-iling si Lawrence. Kitang-kita din ni Emmanuelle ang pamumula ng mata nito na halatang pinipigilan nitong umiyak.

"Hindi ko na maramdaman iyang mga sinasabi mo." Ani Lawrence. "Hindi ko maramdaman iyang sinasabi mo na gusto mong magpakasal sa'kin." Mabuti na lang at hindi sinabi ni Lawrence na hindi nito naramdaman na hindi niya ito mahal. Gayunman ay nakaramdaman pa rin ng puso niya ng sakit dahil inisip nitong ayaw niyang magpakasal rito.

"That's not true." Tanggi ni Emmanuelle na sinabayan pa niya ng pag-iling. "Hindi totoo iyang sinasabi mo. Alam mong gustong-gusto kong magpakasal sa'yo." Habang sinasabi niya iyon ay sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang luha. "A-alam ng diyos kung gaano ko kagusto na magpakasal sa'yo, Lawrence."

"Hindi ko alam. Hindi ko maramdaman, Emmanuelle." Ani Lawrence.

"Lawrence maniwala ka...." anas ni Emmanuelle.

Runway Girls Series 1: Emmanuelle Fortes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon