Prologue

1K 28 0
                                    


NATUTOP ni Emmanuelle ang bibig ng tumambad sa kanyang mata ang nagkalat na rose petals sa sahig ng condo unit niya pagkapasok niya roon. May nakasinding scented candles din na nakahilira sa sahig papunta sa sofa. May mga hugis pusong lobo rin siyang nakikita.

Hindi na kailangan manghula ni Emmanuelle kung sino ang gumawa niyon. Iisa lang naman kasi ang gagawa niyon para sa kanya. Walang iba kundi ang nobyo niyang si Lawrence Loresco. And speaking of which, bigla itong lumabas sa may kusina at may hawak-hawak itong isang gitara. As usual ang gwapo-gwapo na naman nito sa paningin niya. He was wearing a light blue long sleeved. Ayos na ayos din ang buhok nito. Tila nga ito dadalo sa isang prom sa ayos at sa suot nito sa sandaling iyon. Abot-abot hanggang tainga din ang ngiti ng binata habang nakatingin ito sa kanya.

Emmanuelle smiled back at him. Humalukipkip naman siyang nakatayo ng magsimula itong mag-strum sa gitarang hawak. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi ng simulan nitong kantahin ang kantang 'Buko' ni Jireh Lim.

"Naalala ko pa. No'ng nililigawan pa lamang kita. Dadalaw tuwing gabi. Masilayan lamang ang iyong ngiti...."

At habang patuloy si Lawrence sa pagkanta ay dahan-dahan naman itong humahakbang palapit sa kanya. Nanatili naman siyang nakatayo at hinintay ang paglapit nito. Huminto si Lawrence ilang dipa lang ang layo nila sa isa't isa. At habang kumakanta ito ay hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Nakatutok lang ang tingin nito sa kanyang mata na tila ba siya lang ang babaeng nakikita nito. Well, siya lang naman talaga ang babaeng nakikita nito...ngayon. Lalong lumawak ang ngiti ni Emmanuelle sa labi sa isiping iyon.

"I love you." she mouthed at him as he continued singing. Nakita niyang lalong kumislap ang mata ni Lawrence sa sinabi niya.

"Hindi ko man alam kung nasan ka. Wala man tayong komunikasyon. Maghintay sa'yo buong magdamag. Dahil ikaw ang buhay ko..."

Ngingiti-ngiti si Emmanuelle habang pinapakinggan niya ang pagkanta nito. Hindi naman gaanong kaganda ang boses ni Lawrence. Pero dahil mahal niya ito, ay wala ng panama sa kanya ang magaling na singer sa boses ng nobyo. Para sa kanya si Lawrence lang ang pinaka-best na boses sa buong universe.

"Happy fifth year anniversary, babe. I love you so much." wika ni Lawrence pagkatapos nitong kumanta. Ibinaba na din nito ang hawak na gitara. Nakangiti naman si Emmanuelle na lumapit kay Lawrence and then she wrapped her hands around his waist.

"Happy fifth year anniversary too, babe. And I love you so much, too." nakangiting wika din niya rito.

Lawrence and Emmanuelle was college sweetheart. First year college siya noon ng makilala ni Emmanuelle ang binata. Third year college naman si Lawrence noon. Eigtheen siya at twenty naman si Lawrence noon. Nagkakilala silang dalawa ng ipakilala siya ng kaklase at kaibigan na rin na si Lexine sa nakakatandang kapatid nito noong nasa bahay sila ng huli para gumawa ng isang group project. And at the moment she laid her eyes on him ay may naramdamang kakaiba si Emmanuelle para kay Lawrence. And it was love. Oo, mukhang na love at first sight si Emmanuelle sa binata. Noon hindi siya naniniwala sa katagang iyon. Pero noong masilayan niya si Lawrence ay doon lang siya naniwala. Posible pa lang ma-in love ang isang tao sa unang pagkikita pa lang ninyo. Well, wala namang pinipiling oras at panahon ang love. Wala ka ng magagawa kung napana ng kupido ang puso mo.

At mukhang hindi lang siya ang napana ni kupido, hindi lang pala siya ang na love at first sight. Pati pala si Lawrence. Dahil simula noong magkakilala sila ay inumpisahan na nitong ligawan siya. Araw-araw siya nitong binibigyan ng bulaklak. Hinahatid at sinusundo din siya nito. At siyempre nagda-date sila to know each other. Umabot din sa dalawang buwan ang panliligaw ng binata sa kanya hanggang sa nakamit nito ang matamis niyang 'oo.' They fell in love to each other fast and hard. Walang nararamdamang pagsisisi si Emmanuelle sa pagsagot niya kay Lawrence. Because with him she felt being love and to be loved. At sa loob ng limang taon bilang magkasintahan ay hindi pa rin nababawasan iyong pagmamahal na nararamdaman nila para sa isa't isa bagkus ay lalo pa iyong nadadagdagan sa paglipas ng araw.

Nang matapos si Lawrence sa pagkanta nito ay hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Emmanuelle at hinalikan siya sa noo. Mayamaya ay nanlaki ang mata niya ng biglang lumuhod sa harap niya si Lawrence. May dinukot ito sa bulsa ng suot nitong pantalon. At mula doon ay may inilabas itong isang maliit na kaheta. Binuksan nito iyon at tumambad sa kanyang mata ang isang napakagandang diamond ring. Inalis niya ang tingin roon at inilipat kay Lawrence na ngayon ay nababakasan ng saya ang mata habang nakatingin sa kanya.

"Ikaw lang ang tanging babaeng gusto kong makasama habang buhay, Emmanuelle. Ikaw lang ang tanging babaeng gusto kong maging ina ng mga anak ko. Ikaw lang ang babaeng gusto kong hintayin sa harap ng altar." madamdaming wika ni Lawrence na hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Emmanuelle, baby, will you marry me?"

Nag-unahang pumatak ang luha sa kanyang mata. "L-lawrence..." sambit niya sa pangalan nito.

"Hey, baby, why are you crying?" anang binata. "You're supposed to be happy. Don't tell me ayaw mo akong pakasalan." mahihimigan sa boses nito ang pagbibiro sa huling katagang binitawan nito.

"L-lawrence..." sambit muli ni Emmanuelle sa pangalan ng nobyo. Kahit nanlalabo ang tingin niya dahil sa luha ay hindi pa rin nakaligtas sa kanyang paningin ang bumakas na lungkot sa mga mata nito. Nahalinlinan ng lungkot ang kaninang masayang mukha nito.

"You don't want to marry me?" puno ng lungkot na tanong nito.

Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. "It's not that." she said.

"I hear a but." sabi nito bago ito tumayo sa pagkakaluhod. Hindi siya nagsalita. Tinitigan lang niya si Lawrence.

"Emmanulle..."

"It's just that..." God! Bakit ang hirap sabihin? "Hindi pa ako handang magpakasal." nakayuko siya habang sinabi niya ang salitang iyon. Ayaw kasi niyang salubungin ang mata nito. Ayaw niyang makita ang lungkot sa mata nito.

"What?!" tumaas ang boses nito. Kagat naman ang labing tumingin siya kay Lawrence. Nakita niya ang paghagod ng batok nito. "Hindi ka pa handang magpakasal sa'kin?" balik tanong ng binata sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay mahina na ang boses nito.

She couldn't speak. So, she just glared at him.

"Do you really love me, Emmanuelle?" mayamaya ay tanong ni Lawrence ng muli itong tumingin sa kanya.

"Ano bang klaseng tanong iyan, Lawrence. You know how much I love you."

"Eh, bakit hindi mo kayang tanggapin ang kasal na inaalok ko?"

"Please give me another yea—

"Another year again!" putol nito sa sinasabi niya. "Last year ganyan din ang sinabi mo sa akin ng alukin kitang magpakasal. Ang sabi mo bigyan kita ng isang taon dahil nagsisimula ka pa lang sa career na pinili mo. Sa modeling career mo. At dahil mahal na mahal kita, pinagbigyan kita, sinuportahan pa kita. And I give what you want, Emmanuelle. I give you time. Pero anong nangyari, ha, Emmanuelle? Mas lumalabas ngayon na mas mahal mo pa ang career mo kaysa sa'kin."

"That's not true!"

Muling hinagod ni Lawrence ang batok nito. "Ayaw kung gawin ito, Emmanuelle. Ayokong papiliin ka sa dalawa. Pero kailangan ko itong gawin." ani Lawrence. Nagpakawala ito ng marahang buntong-hininga bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. "Mamili ka. Ako o ang modeling career mo?" tanong nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Tears keep flowing in her eyes. "D-don't do this...L-lawrence, p-please..." she said between the sob.

"Ako o ang modelling carreer mo?" muli nitong tanong.

Isang impit na iyak lang ang isinagot niya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Naramdaman niyang kinuha nito ang kamay niya at inabot sa kanya ang kahetang hawak nito kanina.

"Mahal na mahal kita pero hindi pala sapat iyon para ako ang piliin mo." Malungkot na wika ni Lawrence. "Goodbye." Halos pabulong lang na wika nito bago ito tuluyang umalis sa condo niya.



Your comments and votes are well appreciated! Thank you!

PS, sinulat ko ito year 2015. Approved na ito pero hindi ko alam kung mare-release pa. haha

Runway Girls Series 1: Emmanuelle Fortes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon