Chapter 4

515 23 0
                                    


NARAMDAMAN ni Emmanuelle ang paninigas ni Lawrence ng walang sabi-sabing hinalikan niya ito ng mariin sa labi. Para itong tuod sa kinatatayuan habang magkadikit ang mga labi nila. Emmanuelle started kissing him. Pero nanatili pa rin itong hindi gumagalaw. So, she bit his lip to tease him. Ilang segundo din ang lumipas ng maramdaman niya ang mga bisig ni Lawrence na pumaikot sa kanyang baywang. Hinapit din siya ng binata para mapalapit ang mga katawan nila at tinugon ang halik na ipinagkaloob niya sa binata. Nakangiti namang tumaas ang kamay ni Emmanuelle paikot sa batok nito. Lawrence kissed her like theres no tomorrow. Tila bumabawi ito ng isang taong hindi sila nagkita. Tila na wala din iyong tampo, lungkot na nararamdaman ni Emmanuelle sa pagbabalewala nito sa kanya nitong nakaraang araw. Naghiwalay lang ang labi nilang dalawa ng makapusan sila ng hininga.

Tinaasan siya ni Lawrence ng isang kilay ng makita nito ang ngiting nakapaskil sa labi niya ng magkatinginan silang dalawa. "What?" he asked.

"You still affected with my kiss, Lawrence. So, it means I'm still have an effect on you."

Hindi naman niya mapigilan ang mapangiti ng makita ang pamumula ng pisngi nito sa sinabi niya.

"Don't assume too much, Emmanuelle." Ani Lawrence sa kanya.

"Hey, you can call me babe for old time sake." she said and winked at her again. "Right, my babe?" she teased.

Hindi pinansin ni Lawrence ang sinabi niya. "I responded with your kiss but it doesn't mean anything. I'm just a man—

Hindi na nito muling natapos ang ibang sasabihin ng sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan na naman niya ito sa labi. Ginantihan naman nito ang halik na ipinagkaloob muli niya.

Ganoon lagi ang ginagawa ni Emmanuelle sa tuwing itinatanggi ni Lawrence na wala na siyang epekto rito. Sa tuwing itatanggi ng binata na wala na siyang epekto rito ay hinahalikan niya ito sa labi na agad naman tinutugon ni Lawrence.

"Why are you grinning?" kunot ang noo na tanong nito ng makita nito ang pag-ngisi niya ng maghiwalay ang labi nila.

"You keep denying that you are not affected with my kiss but in fact you do." she said while grinning.

"I'm not." tanggi ni Lawrence.

She smirked. "Liars go to hell."

"Why are—

"Because you're indenial." putol ni Emmanuelle sa sasabihin ni Lawrence. "Bakit hindi mo maamin sa'kin. O kahit sa sarili mo na may epekto pa rin ako sa'yo?" wika niya. "At huwag na huwag mong itatanggi ang bagay na iyon, Lawrence dahil may pruweba ako na tama ang lahat ng sinasabi ko."

Akmang magpo-protesta si Lawrence ng muli niya itong halikan sa labi. "See?" palatak niya ng maghiwalay na naman ang labi nila. "Lagi mong itinatanggi ang feelings mo para sa'kin pero ang totoo ay gusto mo lang na halikan kita." aniya na nakangiti. "You really cute kapag nakikita kung namumula ang pisngi mo. Lalong-lalo na iyang tainga mo. God! I really missed you, babe, my Lawrence. Payakap nga." hindi na niya ito hinintay na sumagot. Sa halip ay agad niya itong niyakap ng mahigpit. Hindi naman niya napigilan ang mapaluha ng gumanti ito ng yakap sa kanya. Hindi naman iyon sobrang higpit tulad ng pagkakayakap niya rito pero sapat na iyon para mawala iyong tampo, sakit na dinanas niya rito ng iparamdan nito sa kanya na balewala na siya rito. "I m-missed you so m-much, Lawrence." her voice cracked. Kinagat ni Emmanuelle ang kanyang labi para pigilan ang luhang gustong tumakas sa mata niya ng maramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Lawrence sa kanya. Lihim na pinunasan niya ang luhang nakatakas sa mata niya ng pakawalan niya ito mula sa pagkakayakap. Isang matamis din na ngiti ang ipinagkaloob niya sa binata ng magtama ang mata nila. Masaya na si Emmanuelle kahit wala siyang mabasang kahit anong emosyon sa mukha nito. Sapat na para kay Emmanuelle iyong pagganti ng binata sa kanyang yakap. Lumapit muli siya sa binata. Tumaas ang kamay niya para punasan ang gilid ng labi nito. May naiwan kasing bakas ng lipstick roon dahil sa paghalik niya. Pagkatapos niyon ay hinawakan niya ang isang kamay nito upang igiya paupo sa harap ng mesa. Nang makaupo ito ay umupo na rin siya sa tabi nito.

Runway Girls Series 1: Emmanuelle Fortes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon