Chapter 6

563 25 1
                                    


NARINIG ni Lawrence ang pagtunog ng message alert tone ng cellphone niya pagkalabas niya banyo. Kakatapos lang niyang maligo sa sandaling iyon. Lumapit siya sa kama upang kunin ang kanyang cellphone upang tingnan kung sino ang nagpadala ng mensahe sa kanya. Napakunot siya ng noo ng makitang ang daming missed call ang kapatid niyang si Lexine. May mga message din galing rito. Binasa niya ang unang mensaheng ipinadala ng kapatid.

From: Lexine

Kuya Lawrence, tawagan mo ako kung hindi ka busy. This is urgent.

At tulad ng sinabi ng kapatid ay agad niyang i-di-nial ang numero ng kapatid upang tawagan. At habang nagri-ring cellphone nito ay hindi niya napigilan ang sariling makaramdam ng kaba. Hindi niya alam kung ano iyong urgent na sinasabi nito. Naidalangin niyang sana walang nagyari masama rito at sa pamilya niya.

Nakatatlong ring bago sinagot ng kapatid ang tawag niya. "What's the problem, Lexine?" bungad na tanong niya sa kapatid.

"Kuya Lawrence..." banggit ng kapatid sa pangalan niya. Lalo siyang nakaramdam ng kaba ng mahimigan niya ang lungkot sa boses ng kapatid.

"Tell me what's the problem, Lexine. You making me worried." He said.

"Kuya Lawrence...si Emmanuelle." Umpisa ni Lexine.

Biglang kumabog ang puso niya dahil sa sobrang kaba ng marinig ang pangalan ni Emmanuelle. "What happened to her?"

"Lexine, what happened to Emmanuelle?" Tanong niyang muli ng hindi agad ito nakasagot. Lalong nadadagdagan iyong kabang nararamdaman habang hindi nagsasalita si Lexine. Lalo na noong marinig niya ang mahinang paghikbi nito.

"Lexine answer me, dammit!" hindi niya napigilan ang sariling magmura sa sandaling iyon.

"Isinugod si Emmanuelle sa ospital."

Napahawak si Lawrence sa kaliwang dibdib na maramdamang tila may pumiga roon ng marinig niya ang sinabi ni Lexine. "Saang ospital isinugod si Emmanuelle?" tanong niya. Nang sabihin ng kapatid kung saan ospital ay agad siyang nagpaalam rito. Hindi na nag-abalang nagbihis pa si Lawrence. Hinablot lang niya ang kanyang Jacket at susi ng kotse at nagmamadaling umalis sa condo niya upang puntahan si Emmanuelle.

Idinalangin ni Lawrence na sana okay lang ang dalaga, na sana ay walang masamang nangyari rito dahil kapag nagkataon ay hindi niya mapapatawad ang sarili. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may masamang nangyari sa babaeng...pinakamamahal.

Aaminin ni Lawrence sa sarili na lahat ng ipinakita niya kay Emmanuelle simula noong nagkita silang dalawa pagbalik niya sa Pilipinas galing sa New York ay isang pagkukunwari lang, isang palabas lang. Iyong kalamigan na ipinapakita niya sa dalaga, iyong mga sinasabi niya ritong mga nakaraang araw ay isang pagkukunwari lang lahat. Talagang sinadya niyang gawin ang mga iyon. Bakit? Dahil gusto ni Lawrence na malaman kung gaano siya kamahal ni Emmanuelle. Gusto niyang malaman kung kaya ba siya nitong ipaglaban. Kung kaya nitong ipaglaban ang pagmamahal na nararamdaman nito para sa kanya.

One year ago, he was hurt. Nasaktan siya ng sobra ng hindi tanggapin ni Emmanuelle ang kasal na in-offer niya rito ng nag-propose siya. He loves her so much at masakit para sa kanya na mas piliin nito ang career nito kaysa makasama siya habang buhay, kaysa maikasal ito sa kanya. Buo ang loob niyang alukin ito ng kasal noon dahil alam naman ni Lawrence na mahal siya ni Emmanuelle at inalok na niya ang dalaga noon ng kasal at sinabi naman nito sa kanyang bigyan niya ito ng isang taon dahil nag-uumpisa lang makilaka ang pangalan nito sa larangan ng pagmomodelo. Mahal niya si Emmanuelle, sino ba naman siya para pigilan o hadlangan ang pangarap nito. At pinanghawakan ni Lawrence ang sinabing iyon ni Emmanuelle. Kaya pagkalipas ng isang taon, sinakto pa talaga niya sa anniversarry nilang dalawa ang pagpo-propose niya sa dalawa. At umasa din siya na matamis nitong 'oo' ang isasagot nito sa proposal niya. Pero sa halip na 'oo' ang sagot nito ay salitang 'I'm sorry' ang isinagot ni Emmanuelle sa kanya. Iyong sakit na naramdaman ni Lawrence sa sandaling iyon ay walang kapantay ng hindi tanggapin ni Emmauelle ang inaalok niyang kasal.

Runway Girls Series 1: Emmanuelle Fortes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon