Chapter 2

537 27 0
                                    

LAGUTOK ng suot na high heels shoes ang tanging naririnig ni Emmanuelle habang naglalakad siya papasok ng Loresco Advertising Company. Naroon siya dahil sa dalawang bagay. Una, ang makausap at makita si Lawrence. Pangalawa, ang maibigay rito ng personal ang imbitasyon para sa gaganaping fashion show nila.

Nang mapag-alaman ni Emmanuelle na dumating na si Lawrence galing sa New York ay walang pagsidhan ang sayang nadarama niya. Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa sa kaalamang iyon. Hindi nga niya napigilan ang sariling luha na pumatak sa mata niya ng mabasa niya mensahe sa kanya ni Lexine—kapatid ni Lawrence. Dumating na daw ang Kuya nito galing sa New York. Nais nga niyang puntahan agad ito pero pinigilan niya ang sarili. Nais pa naman niyang pagpahingain ito. Alam naman niyang pagod ito sa biyahe. Alam niyang may jetlag ito. Kaya kahit gustong-gusto niyang makita na ito ay naghintay siya ng isang araw. Nakapaghintay pa nga siya ng isang taon, ano pa kaya ang maghintay siya ng isang araw?

Hanggang sa natapos na rin sa wakas ang paghihintay niya. Sa wakas ay magkikita na muli sila ni Lawrence, magkikita na rin sila ng lalaking minamahal.

"Good morning, Ma'am." bati sa kanya ng mga taong nakakasalubong niya. Aminado si Emmanuelle na maraming mata ang nakatutok sa kanya. Pagkapasok pa nga lang niya sa establisyementong iyon ay napapatingin na ang mga ito sa kanya. Simple lang ang suot niya sa araw na iyon. Nakasuot siya ng puting sleeveless at pinatungan niya ng itim na leather jacket. At tenernuhan niya iyon ng skinny Jeans. Nakalugay din ang mahabang buhok niya.

"Di ba si Emmanuelle iyon? One of the Runway Girls?" narinig ni Emmanuelle na sabi ng isang babae.

"Ang ganda pala niya in person." naulingan muli niya. Hindi na niya pinansin ang naririnig na bulungan. Agad na siyang dumiretso sa kinaroroonan ng elevator. Pagkarating ay agad na siyang sumakay. Pinindot niya ang button kung saang palapag matatagpuan ang opisina ni Lawrence. Pagbukas niyon ay lumabas na siya at dere-deretso siya sa paglalakad. Hanggang sa makarating na siya sa harap ng opisina ng binata.

"Good morning." nakangiting bati ni Emmanuelle sa babaeng nakaupo sa desk. Nahinuha niyang sekretarya iyon ni Lawrence. Mukhang bago ang babae dahil hindi niya iyon kilala. Hindi kasi ito ang dating sekretarya ni Lawrence noon.

"Good morning too, Ma'am. What can I do for you?" magalang na tanong ng babae kay Emmanuelle.

"Well, pwede ba akong pumasok sa loob ng opisina ni Lawrence?" nakangiting wika niya.

"Do you have any appointment with him, Ma'am?"

She shook her head. "Do I need to set an apointment with my...boyfriend?" she asked.

"O, I'm sorry, Ma'am." apologetic na sabi nito. "Inform ko lang po si Sir na narito kayo."

Akmang pipindutin ng babae ang intercom ng pigilan niya ito. "Huwag na. Papasok na lang ako sa loob. I want to surprise him." she said smiling.

Ngumiti naman ang babae sa kanya. "Sige po."

"Thanks!" pasasalamat niya.

"Hmm... Ma'am kung hindi po nakakaabala sa inyo. Pwede pong pa-authograph?" alanganing tanong nito sa kanya ng akmang pipihit na siya patalikod.

"Sure." pagpayag niya. Agad naman nitong inumang sa kanya ang isang papel at ballpen. Pagkatapos niyang pumirma roon ay ibinalik na niya rito ang papel na may pirma na niya at ang ballpen nito.

"Salamat, Ma'am." anito. Nakangiting tinanguhan lang naman niya ito.

Nagpakawala ng marahang buntong-hininga si Emmanuelle ng nasa harap na siya ng pinto ng opisina ni Lawrence. Kumatok siya ng tatlong beses bago niya pinihit pabukas ang seradura. Hindi mapigilan ni Emmanuelle ang pagkabog ng dibdib ng muli niyang masilayan ang mukha ni Lawrence. Kahit isang taon na ang nakalipas. Kahit isang taon na ang lumipas na hindi sila nagkita at nagkausap ay matindi pa rin ang epekto ng presensiya nito sa kanya. Tulad pa rin iyon ng dati. Wala pa rin iyong pinagbago.

Runway Girls Series 1: Emmanuelle Fortes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon