Chapter 7

558 22 0
                                    


"EMMANUELLE!" Masayang salubong sa kanya ng kaibigang si Lexine pagkapasok nila ni Lawrence sa bahay ng mga Loresco. Sinundo siya ni Lawrence sa Condo niya upang imbitahang pumunta sa bahay ng mga ito dahil may kunting salo-salong inihanda ang pamilya nito para sa kanilang dalawa ni Lawrence sa pagbabalikan nilang dalawa. Nagpapasalamat si Emmanuelle dahil sa kabila ng nangyari sa kanila ni Lawrence ay hindi nagtanim ng galit ang mga ito sa kanya. Ang totoo, kahit na naghiwalay sila ni Lawrence ng isang taon ay palagi pa ring bumibisita si Emmanuelle sa tahanang ng mga Loresco upang kamustahin ang pamilya ni Lawrence at para na ring makibalita sa binata noong panahon nasa New York pa ito.
Binitawan ni Emmanuelle ang magkasalikop nilang kamay ni Lawrence para makaganti siya ng yakap sa kaibigan ng yakapin siya nito ng mahigpit.

"I'm happy for both of you." Nakangiting wika ni Lexine ng pakawalan siya nito mula sa pagkakayap.

Nginitian naman niya ang kaibigan sa sinabi nito. Mayamaya ay napatingin siya sa katabi niyang si Lawrence na maramdaman niya ang isang kamay nitong pumaikot sa maliit niyang baywang. Nang magtama ang mata nilang dalawa ng binata ay awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi nila pareho. Mababakas din sa mga mata nilang dalawa ang pagmamahal habang magkakatitigan silang dalawa.

"Sa sobrang ka-sweet-an niyo ay nilalamgam na ako." Inalis ni Emmanuelle ang titig kay Lawrence ng marinig niya ang sinabing iyon ni Lexine. May naglalarong ngiti na nakasungaw sa labi ng dalaga.

Ngumiti naman si Emmanuelle. "Ganyan talaga kapag mahal niyo ang isa't-isa. Ang sweet niyo sa isa't-isa." Sabi niya kay Lexine. "Di ba, babe?" Aniya ng sulyapan niya ang binata.

Kung noong dati, noong panahong hindi pa sila nagkakaayos na dalawa ni Emmanuelle ay wala siyang nababanaag na emosyon sa mga mata nito pero ngayon ay samot-saring emosyon na ngayon ang nakikita ni Emmanuelle. Pero sa lahat ng emosyon na nakikita ni Emmanuelle sa mata ni Lawrence ay mas nangibabaw doon ang pagmamahal.

"Yes." Sagot ng binata na nakangiti.

"Tsk." Narinig nilang wika Lexine. "Hali na nga kayo sa komedor. Kanina pa kayo hinihintay nina Mama at Papa." Dagdag na wika nito saka ito nagpatiunang naglakad patungo sa komedor kung saan naghihintay ang mga magulang nina Lawrence.

"Halika na, babe." Yaya ni Emmanuelle sa binata. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila si Lawrence patungo sa komedor sa bahay ng mga Loresco.
Pero napatigil siya sa paglalakad ng huminto si Lawrence sa paglalakad.

"Bakit?" Takang tanong ni Emmanuelle ng nilingon niya ang binata. Nagulat at nanlaki ang mata ni Emmanuelle ng hilain siya ng binata palapit rito. Ang libreng isang kamay ni Lawrence ay awtomatikong pumaikot sa baywang niya. At ang isang kamay naman nito ay umangat papunta sa mukha niya. Hinawi ng binata ang ilang buhok na tumatabing sa mukha niya.

"Babe?" Sambit ni Emmanuelle sa endearment nilang dalawa ni Lawrence.

"Hmm?" Anas ng binata. Napalunok si Emmanuelle ng mapansing nakatitig si Lawrence sa mga labi niya.

"Why...why are you looking at my lips?" Hindi niya napigilan itanong iyon ni Emmanuelle.

"I was thingking...how does it feel if I claim your lips again." Wika ng binata. Sa pagkakataong iyon ay hinaplos ng binata ang labi niya. "It's been a long time since I kiss you. The last time we kissed is you the one who kiss me." He said. "And I missed kissing you, babe." Lawrence added.

Nakangiting ipinaikot ni Emmanuelle ang mga kamay sa leeg ni Lawrence. Saka niya pinagdikit ang dulo ng ilong nila ni Lawrence.

"I miss your lips too." Anas niya. Ang akala ni Lawrence ay hahalikan niya ito ng ibaba niya ang ulo. Pero pinagdikit muli lang niya ang ilong nilang dalawa.

Runway Girls Series 1: Emmanuelle Fortes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon