Chapter 8

533 28 0
                                    


"BABE?" tawag ni Emmanuelle sa endearment nila ni Lawrence. Saglit niyang sinulyapan ito sa kanyang tabi habang ang ulo ay nakasandal sa balikat niya. Nakasalampak silang dalawa sa carpetedfloor at nakasandal silang dalawa sa sofa. Kasalukuyan silang nasa condo niya ng araw na iyon. Kapag hindi sila busy pareho sa trabaho ay lagi silang magkasamang dalawa. Tulad na lang ngayon, dahil hindi sila busy pareho ay magkasama sila.

"Hmm?" ani Lawrence habang ang tingin ay nanatiling nasa pinapanuod.

"We're having a fashion show again." Sabi niya sa binata.

"Don't worry, I'll be there. I will support you." Ani Lawrence. Naramdaman niya ang isang kamay ng binata na pumulupot sa baywang niya at hinapit siya nito palapit sa katawan niya. Hindi naman napigilan ni Fame ang mapangiti ng maalala niya iyong pag-amin ni Lawrence sa kanya noon. Ang buong akala ni Emmanuelle ay binalewala ng binata iyong paanyaya niya noong inimbitahan niya itong dumalo sa fashion show nila. Ang akala ni Emmanuelle ay hindi ito dumalo ng araw na iyon. Hindi kasi niya nakita ang presensiya nito sa loob ng bulwagan kung saan ginanap ang fashion show nila. Pero noong sabihin ni Lawrence sa kanya na dumalo pala ito ay walang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya. Hindi nga niya napigilan yakapin ito ng mahigpit sa sobrang sayang nararamdaman. At sa sobrang saya sa sandaling iyon ay hindi niya napigilan ang sariling mapaiyak. Hindi lang iyon ang ipinagtapat ni Lawrence sa kanya. Ipinagtapat din nitong sinundan siya nito noong pumunta sila ng Singapore noong nagkaroon sila ng fashion show roon. Naroon din pala ang binata para suportahan siya kahit na hindi pa sila nagkakayaos na dalawa.

"Babe?" tawag niya muli.

"Yes, babe?"

Huminga ng malalim si Emmanuelle. Hindi kasi niya alam kung paano sasabihin kay Lawrence na ang susunod na fashion show nila ay may pagka-daring. Isang lingerie company kasi ang kumuha sa kanila upang i-modelo ang new collection ng nasabing kompanya. Ayaw kasi ni Lawrence na ibinabalandra niya ang katawan sa ibang tao. Noong nagpose nga sila sa isang sexy magazine noon na ang tanging suot ay isang two piece ay nagtampo ito sa kanya. Kulang na nga lang ay bilhin nito lahat ng magazine na may mukha niya. Mabuti na lang at napaliwanagan niya ito noon kaya nabawasan ang pagtatampo nito sa kanya.

"Rarampa kami na naka-bikini o hindi kaya ay naka-neglegee." Mahinang wika ni Emmanuelle. Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng maramdaman niyang inalis ni Lawrence ang isang kamay nitong nakapulupot sa baywang niya. Inalis din nito ang pagkakasandal nito sa balikat niya at walang kakibo-kibong tumayo.

Tumayo din si Emmanuelle mula sa pagkakaupo niya. "Hey," tawag niya kay Lawrence pero hindi siya nito pinansin.

Napalabi si Emmanuelle. Mukhang nagtampo na naman si Lawrence. Pero mayamaya ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng may maisip siya.

Patakbong lumapit siya kay Lawrence at nang nasa likod na siya nito ay lumundag siya at yumapos siya sa leeg nito patalikod.

"Shit!" mura ni Lawrence ng muntik na itong mawalan ng balance. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ng binata at nakabalanse na agad ito. Kung hindi ay baka pareho silang nahulog sa sahig. Naramdaman ni Emmanuelle ang kamay ni Lawrence na humawak sa kamay niyang nakayapos sa leeg nito upang suportahan siya.

"Bumaba ka." Utos ni Lawrence. Mababakas sa boses ng binata ang kalamigan niyon.

"Ayoko." Tanggi niya. Umiiling-iling din siya.

"Isa." Bilang ni Lawrence. Pilit ding binabaklas ang kamay niyang nakayapos sa leeg nito. Pero hindi nagpatinag si Emmanuelle. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos niya sa leeg nito at ibinaon niya ang mukha sa mabangong leeg nito.

Runway Girls Series 1: Emmanuelle Fortes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon