Chapter 3

526 23 0
                                    

"MISS EMMANUELLE, are you ready?" tanong ni Gina—ang baklang fashion show coordinator kay Emannuelle ng sumungaw ang ulo nito sa backstage.

"I'm ready." nakangiting sagot niya rito ng sulyapan niya ito. Excited na rin siyang rumampa. Excited siya dahil alam niyang naroon si Lawrence para suportahan siya.

"Okay. Pagkatapos rumampa ni Yvonne ay ikaw na ang susunod na rarampa." imporma ni Gina.

Nang makabalik na si Yvonne sa backstage ay senenyasan na siya ni Gina na lumabas na ng catwalk. Awtomatiko tuloy niyang napahawak sa daliring may suot na singsing. Hinaplos-haplos din niya iyon. Iyon kasi ang nagsisilbing lakas at lucky charm ni Emmanuelle.

"Goodluck, Emman." ani Yvonne sa kanya ng masalubong niya ito. Tinapik pa nito ang balikat niya.

"Thanks." pasasalamat naman niya rito.

Huminga muna ng malalim si Emmanuelle bago siya lumabas sa catwalk. Nang pumainlanglang ang kantang 'Diamond' ni Rihanna ay lumabas na siya sa catwalk.

Nakatutok ang mata sa kanya paglabas niya. Nasisilaw din siya sa flashed ng camera pero sanay na siya roon. Mahigit dalawang taon na rin kasi niyang ginagawa iyon. Mahigit dalawang taon na rin siyamg rumarampa sa catwalk kaya sanay na sanay na siya sa silaw ng flashed ng camera. Nakapaskil ang magandang ngiti sa kanyang labi habang naglalakad siya catwalk. Feel na feel niya ang paglalakad.

Ngayon gabi ay imino-modelo nila ang new collection ng anak ng may ari ng Ballesca Modelling Firm na si Chassy Ballesca. Isang young fashion designer sa bansa.

Siya ang pang finale sa fashion show na iyon. Dahil siya ang nakabunot ng numerong lima ay siya ang huling rarampa. Siya ang magsusuot ng latest collection ni Chassy. Dahil ang theme ng latest collection ni Chassy ay 'Red Carpet' ay nakasuot siya ng red silk chiffon gown with pleated details na may slit sa gitna, revealing her long and shapely legs. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot na gown. Mas lalong lumutang din ang kaputian niya dahil sa kulay niyon.

Huminto si Emmanuelle sa paglalakad ng nasa gitna na siya ng stage para mabistahan ng manunuod ang kanyang suot. Inilibot din ni Emmanuelle ang tingin. Maraming celebrity, kilalang personalidad ang naroon sa bulwagan para manuod ng fashion show na iyon. Pero wala doon sa bulwagan ang nag-iisang taong nais niyang makita kapag may fashion show siya. Wala doon si Lawrence Loresco. Unti-unting nawawala iyong ngiting kanina pa nakapaskil sa labi niya. Nakaramdaman din si Emmanuelle ng pinong kirot sa kanyang puso sa isiping binalewala na naman ni Lawrence ang imbitasyon niya rito. Talaga yatang hindi na siya importante sa binata. Dahil kung magbalewala ito ay wagas.

Dati-rati kasi kapag may fashion show siya na tulad noon ay laging present ang binata para suportahan siya. Ito nga ang unang pumapalakpak kapag lumabas na siya ng catwalk para rumampa. Nakatayo pa nga ito habang pumapalakpak. Tila proud na proud ito sa sarili dahil nobya siya nito. Siya man ay ganoon din. Hindi nga maiwasan ni Emmanuelle ang bugso ng damdamin sa tuwing nakikita niya ang nobyo na nanunuod sa pagrampa niya. Kahit nasa gitna siya ng catwalk, rumarampa ay hindi niya mapigilan ang sariling kawayan ito and she even blow a kissed towards him. Nakikita pa nga niya minsan ang pagsalo nito roon.

Humugot ng malalim na hininga si Emmanuelle ng maalala niya iyon. Kinagat din niya ng mariin ang dila para pigilan ang luhang nagbabadyang tumakas sa mata niya sa nararamdaman disappointment sa sandaling iyon. Ipinilig na lang ni Emmanuelle ang ulo. Hindi iyon oras para alalahanin ang mga bagay na iyon. Hindi iyon ang tamang oras para maging emosyonal. Napahawak na lang siya sa singsing na nakasuot sa kanyang daliri. Ang singsing kasi na iyon ang nagsisilbing lakas ni Emmanuelle sa tuwing nakakaramdam siya ng lungkot. Tulad na lang ng nararamdaman niya ngayon. Humugot na lang ng malalim na hininga si Emmanuelle at saka niya ipinagpatuloy ang kanyang pagrampa na may ngiti sa labi kahit sa kaloob-looban niya ay nadudurog siya.

Runway Girls Series 1: Emmanuelle Fortes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon