Chapter 9

613 18 0
                                    

PASULYAP-sulyap si Lawrence sa suot niyang relong pambisig at sa entrance ng Mugs Coffee shop. Magta-tatlumpong minuto nang late si Emmanuelle sa usapan nilang dalawa.
Ngayong araw kasi nila i-mi-meet ni Emmanuelle ang wedding coordinator na mag-aasikaso sa kanilang kasal. May mahalaga siyang appointment sa araw na iyon pero dahil ngayong araw lang may free time si Emmanuelle ay kinansela niya ang appointment niya sa araw na iyon. Full load kasi ang schedule ng dalaga. May commercial kasi itong shino-shoot. Idagdag pa ang pagpa-practice ng mga ito sa nalalapit na fashion show.

Bumuntong-hininga si Lawrence. Umorder muli siya ng panibagong kape dahil ubos na ang laman ng baso niya dahil sa paghihintay sa dalaga. Nang muli siyang sumulyap sa bukana ng nasabing coffee shop ay napangiti siya ng makita si Emmanuelle na papasok sa nasabing establishemento.

Tumayo si Lawrence sa pagkakaupo at sinalubong si Emmanuelle.

"Babe, I'm sorry." Ani Emmanuelle pagkatapos siya nitong halikan sa pisngi. "Nagkaroon lang ng problema sa shooting no'ng commercial." Pagpapaliwanag nito.

Ngumiti si Lawrence. Umangat ang isang kamay niya upang hawiin ang ilang hiblang kumakawala sa pagkakatali sa buhok nito. "It's okay. Naiintindihan ko." Sabi niya sa dalaga. "By the way, kumain ka na ba?" Tanong niya.

Lumabi ito saka umiling. "Hindi pa nga eh." Sagot nito na ikinanuot ng noo niya.

Sinulyapan niya ang suot na relong pambisig. "It's already past one? Hanggang ngayon hindi ka pa rin kumakain?" Seryosong wika niya rito.

"Medyo busy lang kanina. Saka pagkatapos no'ng shooting ay nagyayaya sina Yvonne na kumain pero hindi na ako sumabay kasi mas lalo akong matatagalan." Paliwanag ni Emmanuelle sa kanya.

Nagpakawala na lang siya ng buntong hininga. "Come on. Kumain ka muna bago natin puntahan iyong wedding planner." Sabi ni Lawrence. Hinawakan niya sa baywang si Emmanulle at iginiya ito papunta sa mesang binakante niya kanina. Pinaghila niya ito ng silya at ng makaupo ito ay agad niyang tinawag ang crew sa Mugs Coffee shop.

"What do you want to eat?" Tanong niya sa dalaga.

"The usual, babe." Sagot ni Emmanuelle sabay kindat sa kanya. Iiling napangiti lang si Lawrence sa ginawi ni Emmanuelle. Binalingan niya ang crew na nasa tabi harap nila upang sabihin rito ang order nila. Mayamaya ay napakunot ang noo si Lawrence ng makita ang lalaking crew na nakatitig kay Emmanuelle.

Tumikhim siya ng malakas upang kuhanin ang atensiyon ng crew.
Hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha niya ng balingan siya ng nasabing crew. Sa sandaling iyon ay gusto niyang tusukin ang mata dahil sa lagkit ng tinging ipinupukol nito kay Emmanuelle. Alam naman ni Lawrence na kilalang personalilad si Emmanuelle—kilalang modelo. Naglalakihan ang mga billboard nito sa Metro Manila, nakikita din ang mukha nito sa mga Magazine at kahit na sa Television dahil sa mga commercial nito kaya hindi niya masisisi kung ganoon ito kung makatitig ito sa dalaga. Pero hindi niya napigilan ang mainis rito dahil kitang-kita niya kung paano nito titigan ang dalaga. He always had been jealous, very possessive when it comes to Emmanuelle. Ganoon naman talaga kung mahal mo ang isamg babae. Hindi mo talaga mapigilan ang magselos lalo na ang maging possessive rito.

"Yes, sir?" Anang crew sa kanya.

"Blueberry cheesecake and one frappe." Banggit niya sa gusto ni Emmanuelle. Iyon kasi ang usual na ino-order ng dalaga kapag nasa Mugs Coffee shop sila.
Nang umalis sa harap nila ang crew ay naramdaman niya ang mainit na kamay ni Emmanuelle na humawak sa kamay niya. Sumulyap siya rito at ng magtama ang mata nilang dalawa ay ngumiti ito. Biglang nawala iyong inis at selos na naramdaman niya sa sandaling iyon sa ngiting iyon ni Emmanuelle. Parang ipinapahiwatig ng ngiti nitong iyon ay wala dapat siyang ipagselos dahil siya ang pinili ni Emmanuelle—siya ang lalaking mahal nito at ang lalaking papakasalan nito. Kaya ng bumalik ang crew para ibigay ay in-order nila ay nawala na iyong inis at ngitngit na naramdaman niya rito kanina.

Runway Girls Series 1: Emmanuelle Fortes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon