Prologue

6 0 0
                                    

Bakit kakaiba ang pinasukan kong school? Bakit tuwing hapon at gabi may nagsusuntukan? Bakit may nawawalang studyante at hindi na magawang hanapin ng mga police?

Bakit halos lahat ng mga estudyante gustong pumasok sa Special students ano ba meron don? At bakit mas mahalaga ang mga Special students keysa sa mga nasa mababang section?

Ano ba talaga meron? Bakit ganito ang patakbo ng school na 'to? Bakit mga nagsasakitan sila kahit na kakagaling lang nila sa mga hospital? Mga tao ba sila?

"Aray!"angil ko ng may nangbangga sa akin, masama na tinignan ko ang kaharap ko na lalaki na sa tingin ko ay mukhang funny.

"Sorry, hindi ko sinasadya."paumanhin nya sa akin, ngumiti na lang ako sa kanya. Napatingin ako sa ID nya at nakita ko na section one sya.

"Okay lang."nakangiti na sabi ko, napatingin kami sa stage ng gym ng marinig na may nagsasalita.

"Magandang umaga students, ngayon ang exam natin para makapasok sa Special Students, kung gusto nyong makapasok galingan nyo sa exam dahil alam ko karamihan sa inyo ay nais na makapasok sa Special Students. Goodluck Students, I hope makapasa kayo."sabi ng lalaki na sa tingin ko ay principal.

"Anong meron sa Special Students?"tanong ko sa nabangga ako. Nakangiti na lumingon sya sa akin.

"Sa pagkakaalam ko ay maganda ang trato nila pagdating sa mga Special Students na 'yon, may sarili kayong dorm at hindi na kayo magbabayad non, gusto kong makapasok don."nakangiti na sabi nya. Napabuntong hininga na lang ako. "Ako nga pala si Tommy ikaw?"

"Ako si Seth Mariano bagong students."

"Welcome to our School, Seth."binuka pa nya ang dalawang kamay parang winewelcome ako. "Magkita na lang tayo sa ngayon mag-exam na tayo para makapasok sa Special Students."sabi nya sabay talikod sa akin.

Inayos ko ang bag ko bago ako pumasok sa room ko, pangalawang section ako don ako sa dulo umupo. Maya maya lang nagsimula na ang exam na 'yon medyo mahirap ang exam na nakaya ko naman sagutan.

Matapos ang exam na 'yon ay lunch na. Mag-isa lang akong kumain at nakatulala sa mga estudyante na masayang kumakain.

Bago lang ako dito at wala ako sa mood makipag-usap at makipagkaibigan sa kanila. Nasanay kase ako na sila ang lumalapit para kausapin ako ganon na talaga ako simula pagkabata.

"Good afternoon Students."bati ng lalaki, napatingin ako sa taas at don ko nakita na may speaker. "Ang babanggitin kong pangalan ay pumunta na sa room ng Special Students."bigla ay kinabahan ako sa sinabi nya at hindi ko na magawang maubos ang kinain ko. "Tommy Trinidad, Claire Mendoza, Louie Dizon, Noreen Villarama, Hunter Madrid, Jay Romero, Andrew Lazaro, Monica Bernardo, Patrick Florano, Reign Arrozal, Kenny Vargas, and lastly Seth Mariano."nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko. "That's all maaari na kayong pumunta sa room nyo."

Tumayo na ako tsaka ko hinanap ang room na 'yon, napabuntong hininga na lang ako bago ko hawakan ang door knob at pumasok.

Halos lahat sila ay masayang nag-uusap at natuon sa akin ang atensyon nilang lahat nakita ko 'yong lalaking bumangga sa akin kanina.

"Welcome sa Special Students."banggit nilang lahat bigla ay kinabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Next update on October 20.

The Special Students (COMPLETED)Where stories live. Discover now