Ayaw kona! Pagod na ako! Pagod na pagod na.
Ang hirap din palang maghabol ng isang tao. Yung taong walang balak magpahuli sayo. Nakakapagod din palang tumakbo, lalo na pag ikaw nalang lagi ang talo.
Oo gusto ko siya, gusto kong lagi ko siyang kasama. Gusto kong mahawakan kahit yung dulo lang ng daliri niya. Gusto kong nang sumigaw ng "Ayaw kona, pagod na ako. Pagod na akong maghabol sayo". Pero ang mga paa ko patuloy parin sa pagtakbo. Kahit ang katawan ko ay gusto nang sumuko. Kahit yung paa ko gusto namang magpahinga.
Hanggang ngayon umaasa ako na balang araw ikaw din ang maghahabol saakin, kasi sa sitwasyon natin ngayon, ako nalang lagi ang napapagod. Ngayon hindi kona kaya, pagod na ako at gusto konang itigil ang lahat ng ito
"Piyo!" sigaw ko sa lalaking nasa harap ko
"Bakit?" sigaw niya pabalik saakin
"Ayaw kona, pagod na akong kakahabol sayo"
"Ang daya mo naman Jam! Kala koba walang ayawan?kala koba hindi moko susukuan? bakit ngayon sumusuko kana?Ayaw mona ba akong makasama?" kita ko ang nagbabadyang luha sa mata niya.
"Pagod na nga ako, kung gusto mong sumaya humanap ka ng iba. Yung hindi mapapagod sayo!"
"Kung pagod kana, magpahinga ka, at sa susunod ako naman ang hahabol sayo" nakangiti nang sabi ni Piyo.
"Talaga?" exited na tanong ko
"Oo naman, Taya!"
"Ang daya! ako nanaman ang taya, hmmp ayaw kona talaga, maghanap kana ng iba mong kalaro balakajan"
Ako nga pala si Jam tapos playmate ko si Piyo. Seven years old palang kaming dalawa. Naglalaro kami ng habulan, sali ka gusto mo?ikaw ang taya.
YOU ARE READING
One shot stories
RandomThis is a one shot one kill stories. It's just a very short stories.Worth it to read<3.