Its my day! Debut ko ngayon kakaiba nga lang ang debut ko kasi may 18 scammers ako. Alam nyo yun katuwaan lang, friends ko naman lahat ng manliligaw at ex ko kaya okay lang. Kaya sa mga nagsasabi na walang mag ex ang nagiging friends mali kayong lahat haha.
Naka ayos na ako ngayon, suot ang kulay sky blue kong long gown, nakatayo na ako sa stage. Tinitignan ko ang aking mga bisita. Isang bisita lang naman hinahanap ng aking mata, isang pinakamamahal kong lalaki.
Naging maayos naman ang daloy ng programa. Nag simula na ang 18 roses, huling nagsayaw saakin ay ang aking boyfriend. Nagpatuloy na kami sa gifts, candles, cupcakes, bluebills at kung ano ano pa.
Naging matagal ang pagbibigay ng mensahe hanggang sa tinawag na ang mga 18 scamers. Ang ilan sa mga bisita ko ay napapangiti dahil narin siguro kakaiba ito. Ngunit ako kalabog ng dibdib ang bumagabag saakin.
Nagsilapitan na yung mga ex at manliligaw ko. Yung nga nangakong maghihintay hanggang makatapos ako.Mga nangakong ako lang ang mamahalin habang buhay. Mga nangakong mamatay sila pag nawala ako pero hanggang ngayon buhay na buhay pa. Natatawa ako habang naaalala ang mga iyon ngunit lahat ng saya sa aking mga mata napalitan ng pighati ng makita ang lalaking nakatayo sa harapan ko.
Tumulo ang aking mga luha. Nakatayo ang isang lalaki minahal ko ng todo ngunit binigo ako. Lalaking nangakong hindi ako iiwan, nangakong sasamahan ako sa hirap at ginhawa, susuportahan ako sa kahit na ano. Nangakong matatakbuhan ko pag may problema ako. Pero lahat ng ito napako. Lahat ng ito scam lang pala.
Nakatayo sa harap ko ang aking ama. Ang aking ama na ngayon ay hindi na namin kapiling, may iba na siyang kasama. Baging pamilya, bagong anak. Kung saan lahat ng pinangako nya saakin sa ibang tao nya na ginagawa.
Ang sakit isipin na yung taong minahal ko simula pagkabata, pinagkatiwalaan mo, pinaghawakan mo ang mga pangako nya,ngunit siya din ang unang mananakit sa puso mo.
YOU ARE READING
One shot stories
De TodoThis is a one shot one kill stories. It's just a very short stories.Worth it to read<3.