Sabi ng iba pag may boy bestfriend ka hindi magtatagal mauuwi din kayo bilang mag jowa. Well hindi sa lahat ng pagkakataon ganon ang ending. May mga pagkakataon na hindi kayo talo ng boy bestfriend mo kaya hindi kayo pwede. May pagkakataon din na may iba siyang gusto na hindi tulad mo.
Meron akong boy bestfriend.Gwapo sya oo hindi mo maipagkakaila. Maalalahanin din sya sweet din sya pag may topak pero hindi sobrang sweet kasi daw nakakabakla. Siya yung lagi kong nasasabihan ng problema kaya naman hindi ko naiwasang mahulog sakanya.
Pinigilan ko ang nararamdaman ko sakanya. Kasi alam kong mali. Hindi kami bagay. Baka layuan nya pa ako kapag nalaman nya ang bagay na ito.Ngunit may mga bagay talagang hindi maitatago.
"Buddy"tawag ko sakanya
"Oh baakit?"
"May aaminin ako sayo"usal ko
"Ano yun?mukhang seryoso ka ah"
"Gusto kita"
"ha?"
" gusto kita, gustong gusto kita buddy matagal na" mahinang sambit ko
"ha?nakakagago kana ba?hindi tayo talo tanga ka HAHHAHA"biro nya pa
"Sorry buddy hindi ko sinasadya"maiyak iyak na sabi ko
"Sorry din buddy kung hindi ko masusuklian yung pagmamahal mo, babae ang gusto ko at hindi lalaki"
"Naiintindihan ko buddy, sino nga bang magkakagusto sa isang baklang katulad ko."
"Sorry, pero hanggang best friend lang ang turing ko sayo. Hindi tayo talo kasi parehas tayong lalaki at babae ang gusto ko".
YOU ARE READING
One shot stories
РазноеThis is a one shot one kill stories. It's just a very short stories.Worth it to read<3.