Tik-tak tik-tak
Alas tres na ng matapos akong manuod ng horor movie. Sa kasamaang palad bigla pa akong naiihi, kaya naman nagpunta ako sa cr kahit na madilim. Pag labas ko ng bahay bumungad saakin ang isang nakalutang na kulay puti na mahaba, sa sobrang takot ko hindi na ako umihi pa, parang umatras yung ihi ko.
Dali dali akong pumuta sa kwarto ko at sa kasamaang palad nahulog pa yung kumot ko sa baba, natatakot akong kunin baka biglang may humila sa paa ko huhu. Pero sadyang pinaglalaruan ata ako ng tadhana kasi sobrang lamig.Kukunin ko na sana yung kumot na nahulog ng bigla akong may makapa isang kamay na malamig at mas ikinagulat kopa ng may mag abot saakin nito.Sa sobrang takot ko nakamulat ako magdamag hanggang sa makatulog na din ako.
Kriiiiiingggg!!!!
Nagising ako sa lakas ng alarm clock ng kapatid ko. Nakita ko sya na nakasuot ng kulay puting toga. What the heck?!yun yung kulay puti na nakasabit sa sampayan kagabi?!tapos may naalala din ako, double deck pala yung higaan namin kaya obviously sya din yung nag abot saakin ng kumot ko, masyado lang talaga akong praning ng gabing iyon.
From now on.Pinapangako ko sa sarili ko hindi na ako manunuod ng horor movie pag gabi. Nakakatakot... pag nawala ka.
YOU ARE READING
One shot stories
RastgeleThis is a one shot one kill stories. It's just a very short stories.Worth it to read<3.