My bestfriend is a liar

0 0 0
                                    

"Bes,yung crush ko dumaan, nakatingin pa sya sakin" sambit ko sa aking kaibigan habang kinikilig.

"Ayan ka nanaman bes, wag kang umasa dyan hindi ka naman gusto nyan. Pafall lang yang crush mo" sabi saakin ng bestfriend ko.
-
Tuwing may program lagi ko ding nakikita si crush na nakatingin sa gawi ng section namin parang may hinahanap. Kaya naman naisip ko na may gusto sya sa isa sa mga classmate ko. Kaya naman hindi na ako umasa sakanya.
-
Birthday ng bestfriend ko ngayon kaya mag oovernight ako sakanila. Exited na ako, matagal na din akong hindi nakakatulog sa bahay nila.

Andito na ako ngayon sa kwarto ng kaibigan ko. Aalis lang daw sya at magluluto ng pagkain.

May lahi akong pakialamera pero wala akong lahing magnanakaw duh kaya naglibot libot ako sa kwarto nya. Nakita ko yung basurahan na punong puno ng nalukot na scented paper.Nagtaka ako bakit meron mga lukot na ganong papel. Binuklat ko ang isa. Isang sulat ang tumambad saakin.

Dear Aubrey,
Matagal na kitang gusto sana mapansin mona ako.
Love,
Gian

Nagtaka ako bakit pangalan ko yung nakalagay at si Gian siya yung sinasabi kong crush ko. Binuklat kopa ang ibang sulat.

Dear Aubrey,
Sana natatanggap mo yung mga sulat ko. Kay Maria ko lang binibigay kasi nahihiya ako sayo.
Love,
Gian

Dear Aubrey,
Siguro hindi talaga ako ang tipo mo kasi hindi ka sumasagot sa mga sulat ko. Siguro may iba kang gusto.Kaya titigilan na kita. Sorry, pero mahal na mahal--.

Naputol ang pagbabasa ko ng biglang pumasok si Maria ang bestfriend ko. Nagulat sya ng makita nyang hawak ko ang mga papel.

"Bes"nanginginig na usal nya.
"Bakit hindi mo binigay?"tanong ko
"Kasi--"
"Kasi ano?"
"Ayaw ko kayong magkatuluyan!"
"Bakit?" naluluhang tanong ko
"Kasi gusto ko din siya!!"

"Gusto ko din yung crush mo!" tila nabingi ako sa sinabi ng bestfriend ko.

"Bakit hindi mo sinabi saakin?"naiiyak na tanong ko

"Kasi alam kong magagalit ka"

"Handa naman akong magparaya bes, pero bakit mo tinago saakin to? Anong mapapala mo sa pagtatago ng ganito?!"

Konting katahimikan ang bumalot saamin.Tumayo na ako kasi namamanhid na ang aking paa. Pag katayo ko isang teddy bear ang pumukaw sa aking paningin. Tinanong ko yung bestfriend ko. Kelan kapa nahilig sa mga teddy bear nagtatakang tanong ko ngunit hindi siya nakasagot, nakayuko lamang siya. Nilapitan ko ang teddy bear at nagulat ako ng may nakita sulat. Love Gian nakalagay sa ibabaw ng sulat.Dali dali kong kinuha at binasa ito.

Maria mahal! Happy mot mot saatin! Hindi ako nagkamali na ikaw yung pinili ko, sorry kung hindi kita napapansin dati. Salamat kasi cinomfort mo ako, kaya napalapit ako sayo. Salamat sa pagdamay saakin nung broken ako sa kaibigan mo. I love you baby! Stay strong saatin!

Tuluyan nang umagos ang mga luha ko.

"Ilang months na kayo? Ilang months nyo na akong niloloko?!" umiiyak na tanong ko

"bes--"

"Bes bakit mo naman ako niloko? pinagkatiwalaan kita pero sinira mo.Ikaw naba yung nginingitian nya pag dumadaan tayo? Ikaw ba yung hinahanap nya pag may program? Kaya ba minsan lagi kang wala kasi nagkikita kayo?!"

"Oo! Last month kapa namin niloloko. Sasabihin ko naman sayo pero hindi pa sa ngayon kasi alam kong masasaktan ka."

Nung araw na yun hindi kami nag FO pero lumayo ang loob namin sa isa't isa. Ang sakit lang palang isipin na yung taong pinagkatiwalaan mo siya din ang tratraydor sayo.

One shot storiesWhere stories live. Discover now