I have a boyfriend. He have a girl bestfriend. Hindi naman ako against sakanila kasi mas nauna nyang nakilala yung girl bestfriend nya.
Nung hindi pa kami mag on ni Gian napagkakamalan kong mag kasintahan yung dalawang yun. Ang sweet kasi nilang tignan, tapos isang araw biglang nanligaw saakin si Gian.
Ilang linggo lang siyang nanligaw saakin at ako itong si Tanga, sinagot ko agad siya ng matamis kong oo. Syempre sinong hindi mahuhulog sakanyang babae gwapo siya. Sorry isa ako sa mga babaeng nakadepende sa itsura ng isang lalaki.
Mag thithird monthsarry na kami ni Gian pero sa loob ng tatlong buwan hindi ko naramdaman yung sweetness nya saakin. Madalas kung magdadate kami kasama yung girl bestfriend nya kaya hindi romantic. Minsan panga mas may oras pa siya sa bestfriend nya kaya hindi ko naiiwasang mag selos.
Tumagal kami ng isang taon. Anniversary na namin ngayon. Tinext ko siya kung pupunta siya pero sabi nya may inaasikaso siyang mahalaga. Hindi kona napalampas ang bagay na iyon. Kinabukasan napagdesisyunan konang makipaghiwalay sakanya. Pagod na akong kumapit sa relasyong ako lang ang lumalaban.
"Gian may sasabihin ako sayo"
"Ano yun?"
"Let's break up"
"Okay"
"Fvck! Ganon lang kadali sayo?!"
"Bakit naman ako masasaktan Claudine?Una sa lahat hindi naman talaga kita minahal"
"Umabot tayo ng one year pero hindi mo ako minahal?!"
"Well, third wheel kalang naman talaga sa relasyon namin ni Rea. Jinowa lang kita para hindi kami maissue kasi bawal pa siyang mag boyfriend."
"Manloloko ka!!"
"Well ngayon buti nakipag break kana, kadedebut lang nya nung isang linggo. Legal na siyang mag boyfriend kaya hindi ka na namin kailangan. Salamat sa oras mo Claudine"
Pak!
"Walang hiya ka!" saka ako tumakbo paalis sa harapan niya.
Isang taon akong nagpakatanga sa taong ginamit lang ako sa sarili niyang kasiyahan. At ang masakit pa, sinuway ko ang mga magulang ko, masuklian lang ang pagmamahal na hindi naman pala totoo.
YOU ARE READING
One shot stories
РазноеThis is a one shot one kill stories. It's just a very short stories.Worth it to read<3.