I hate my own child

0 0 0
                                    

Hindi nakakakita ang isa kong mata, ang isa naman ay malabo na. Noong bata ako nanlalabo ang ang kabila kong mata pero ngayon tuluyan nang hindi nakakita.

Malabo ang mata ko ngunit matalas ang mga ito pagdating sa mga cute na bata.Gustong gusto ko ng bata noon, pero siguro lahat ng bagay lumilipas. Dumating ang araw na inayawan ko ang bata.

"Ano ba?! Umalis kanga sa harapan ko! Wala kang kwentang bata!!" sigaw ko sa anak kong nanghihingi ng pera.

" Limang piso lang ma, bibili lang ako ng candy"

"Diba sabi ko wala! Muntik na akong mamatay ng ipanganak ka tapos magiging pabigat kapa!!"

Naging masama ang trato ko sa anak ko. Lagi ko siyang pinapalo at sinisigawan. Minsan panga nasasabihan ko siya ng nasasakit na salita.

"Mas magandang namatay ka nalang! Hindi kana sana dumating sa buhay ko! Malas ka sa buhay ko!"

Nang araw na iyon hindi umuwi ng bahay si Pj. Hindi ko siya hinanap kasi wala naman akong pakealam sakanya. Kung mamatay siya edi mamatay siya. Mag iisang linggo na siyang nawawala, wala na akong balita sakanya. Naubos na ang pera sa alkansya ni Pj kaya napilitan na akong maghanap ng makakain.

Habang naglalakad ako patawid ng kalsada biglang nanlabo ang paningin ko hanggang sa unti unting naging black ang lahat. Naramdaman ko na may tumulak sa aking likuran, kasabay noon ay ang isang mahabang busina.

Piiiiiiiiiippp!!!

Nagising akong nanlalabo ang paningin ko. Malabo man ang mga mata ko alam kong si Pj ang nakatayo sa harapan ko. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang kausapin. Namiss ko malambing niyang boses. Lalapitan kona sana siya ng marinig kong may nagsalita sa tabi ko.

"Miss? gising kana ba? nakikita mona ba ako?"

Nagulat ako ng makitang malinaw ang mga mata ko. Maliwanag ang tungin ko sa mga bagay. Pati ang isa kong mata ay nakakakita na.

"Si Pj?" unang tanong ko sa nurse

"Sino pong Pj? yung nagligtas sainyo?"

"Asan siya gusto ko siyang makita"

Nagtungo kami sa isang silid kung saan may mga taong nakatakip na ng puting tela.Nanginginig akong nilapitan ang isang kama.Umiiyak ako habang tinititigan ang payapang mukha ni Pj.

"Alam nyo po ang bait ng batang iyan, Siya po yung nagligtas sainyo, tapos bago siya mamatay sinabi niya na. Doc kung hindi nyo na po kayang iligtas ang buhay ko, gusto kong idonate ang mga mata ko sa mama ko, para kahit hindi niya nakita ang halaga ko, atleast makikita niya ng malinaw ang ganda ng mundo. Pag katapos niyang sabihin ang mga iyon tuluyan na siyang namahinga."

Hindi ko napigilan ang paghagulhol ko ng oras na iyon.

"Psensiya kana anak, dapat minahal kita bago nahuli ang lahat. Dapat hindi ko sinisisi sayo ang kasalanan ng ama mo. Patawad anak, bunga ka ng pang aabuso kaya hindi kita namahal at pinagsisisihan ko iyon. Pangako anak, iingatan ko ang mga mata mo"

One shot storiesWhere stories live. Discover now