tw: harm, abuse
"What now, Leigh? You'll not gonna notice me? I'm not an invisible youth who's spending my walk with you! I have feelings as well! I think you can see me! Come on, Notice me!" Pagdadramang sabi ni Jan sa akin habang naglalakad kami... ako... pauwi sa mataong madilim na lugar. "I-if I'd done something that against your moral and principle, kindly tell me! I am willing to repent my sins to you."
Wala na palang nangyari during my job hours. At buti na lang mabait si Alita. Hindi lang sa maaga niya akong pinaalis dahil sa mukha raw akong pagod, pinahiram niya rin ako ng extrang white t-shirt pampalit. Ang bobo ko kasi! Tinanong pa sa akin ni Kuya Leandro kung may pampalit na ba ako, sabi ko na lang na hindi ko 'yon kailangan!
Nag-usap din naman kami ng nag-iisang 'Gang Leader' ng Novaliches High. Hiningi niya rin ang aking cellphone number. Just in case raw na tawagan niya ako! At paano ko ba hindi mamumukhaan si Nate, except na siya 'yung lalaking natingnan ko noong first flag ceremony, lagi ko siyang nakikita sa labas ng President's Office. Hindi ko na nga mabilang kung ilang Expulsion Affidavit ang nabigay sa lalaking iyon! Tapos may balak pa siyang kausapin ako kanina tungkol kay Cameron... pero alam kong may iba siyang pakay. Ewan! Hindi na rin ako makapag-isip dahil inaantok na ako. Pero ang kaba sa puso ko ay parang bumibigat habang naglalakad ako palapit sa aming tahanan.
Sa kabilang panig ng tenga, halos mabingi na ako sa boses ni Jan habang naglalakad kami. Alam kong bago ito sa kaniya sa kadahilanang hindi niya ata ako titigilang suyuin hanggang hindi ko siya pansinin.
Nakarating na kami sa eskinita at nakatawid na rin ng tulay pero nasa likod ko pa rin siya. Hindi ba manlang niya naisipan na magtigil at umuwi na lang?
"Mga putangina ninyo! Hindi niyo alam kung nasaan ang malanding ate ninyo?!" Naririnig kong biglang sigaw. Hindi pa ako malapit sa aming bahay pero alam ko... alam kong si tatay iyon! Natataranta akong napatakbo sa loob ng bahay. Paano mga kapatid ko? Baka napaano na naman sila sa isang mabagsik na kamay ng aking tatay.
"Ate!" Hagulgol ang narinig kong pagkapasok sa bahay. Hindi ko alam ang gagawin ko! Kakagaling ko palang sa trabaho...
Noong nagkita ang mga mata namin ng aking tatay na lasing ay bigla niyang hinawakan ang aking mga buhok. "Tangina kang malandi ka! Saan ka nagsususuot-suot! Anong oras na. Punyeta ka, Che!"
"T-tay!" umiiyak na boses ng kapatid kong si Luke na namumula ang pisngi. Katabi niya rin sina Lukas at Lea na halos kaawa-awa ang itsura.
"Manahimik ka!" sigaw ng tatay kong pabalik sa kaniya habang hawak-hawak pa rin niya ang buhok ko nang mahigpit.
"N-nasasaktan po a-ako." paluha kong sabi sa kaniya. Sakit at inis sa sarili ang mga nararamdaman ko ngayon. Nadamay na naman mga kapatid ko dahil sa kagagawan ko!
"Wala akong pake sa nararamdaman mong malandi ka! Alam mo ng gabi na, saan ka pa nagpupupunta!" Sigaw niya sa aking tenga sabay binato ako sa sahig na sanhi ng pagtapon ng isang plastik kung nasaan nakalagay ang mga gamit ko... at ang costume. Hindi alam ni tatay na kabilang ako sa isang Cheerdance Club. Siya lang ang hindi ko sinabihan na kasama ako dahil alam kong magagalit siya sa akin. Ayaw niya akong pasalihin sa mga ganito dahil ano raw ba ang aking mapapala.
Napa-aray ako sapagkat tumama ang aking braso sa lupa. Kukunin ko na sana ang plastik pero bigla niyang kinuha iyon.
Medyo lumalabo ang aking paningin dahil sa luhang papa-agos. Nakita ko na lamang na kinuha niya ang aking maroon costume... ang Cheerdance costume!
BINABASA MO ANG
Cheers, T.S. Cruz (S.T.E. Series #2)
Teen FictionS.T.E. SERIES #2. Leigh Xienne Sta. Maria, a high school S.T.E. cheerleader student who managed a part-time job just to survive her living. She experienced a lot of relationships and challenges at her young age that taught her love, patience, and pa...