09

199 9 0
                                    

Pagkatapos kong yayain si Jan sa canteen ay naistorbo kami sa scene sa baba ng Quezon Building. Marami ring mga estyudante ang nakatingin doon na para bang ngayon lang sila nakakakita ng bugbugan! Noong medyo luminis na ang baba ay kaagad na kaming umakyat pabalik sa Afternoon Classroom namin.


"Did you all even saw that?" Tanong kaagad ni Natasha. Tinawag kasi nila ako roon sa pinakalikuran ng Biolaboratory! Tiningnan ko naman si Jan, ayon nagbabasa na naman ng Harry Potter.


"Nope. I went to my momma." Sagot naman ni Sophia. Sabagay, teacher kasi mama niya rito, malapit na rin atang maipromote base sa naririnig kong chika. Baka nga sa susunod na mga buwan ay maging Principal na ang mama niya ng Nova High or ng iba pang eskwelahang pablik sa Quezon City. 


"Alin ba mga bieH?" Singit ko sa kanila. Napakaseryoso ng mga mukha nila!


"'Yung nangyari biEh. Sa baba Bieh." Sagot ni Emma.


"Ah, oo ata." Sagot ko muli.


"What? Why ata?!" Naguguluhang tanong ni Natasha. "It's just so balandra! Thank goodness that I'm safe from bruises! And I kinda feel bad for the guy who received a punch from that stupid student."


"Bieh, kalma." Suhestiyon ni Emma kay Natasha. "Yeah, it's not fine, but let's just look at the brighter side. Sana may action na maganap doon."


Huling sinabi ni Emma bago dumating ang teacher namin na nagpaputol sa usapan.


Dahil nga Christmas Sembreak na, wala naman na silang ipinagawa. Puro deadlines lang ng mga outputs at performance tasks. Buti na nga lang at medyo naipagsabay ko pa ang Cheerdance at pagsagot ng mga quizzes. Hindi naman ako takot malamangan. Hayaan ko na lang sila na mag-away-away, pare-pareho lang din naman kaming gagraduate kung sakali.


Mabilis lang lumipas ang Pasko kung tutuusin. Nagpadala na lang ng pera si Nanay para sa makakain namin. May unting salo-salo ring naganap. Si Tatay? Nasa kabilang baryo lang noong Pasko at Bagong Taon. Doon niya ginaganap ang mga dapat sama-sama naming gaganapin. Hindi naman na iyon bago sa amin.


Nasa labas lang ako ng bahay, nakaupo. Kakaisip na nalalapit na naman ang pasukan. At Tinitingnan-tingnan ang mga batang naglalaro sa kalsada. Medyo masikip din naman dito pero mukhang komportable sila. 


"Ate Che, puwede ba kaming sumali ng patintero?" Bumungad sa akin ang bagong ligo na si Lukas.


"Ha? Ikaw? Seryoso ba?" Pagdududa ko naman.


"Nagbabagong buhay kasi siya Ate diba?" Nakita kong lumabas din si Leah ng bahay habang nagsusuklay siya ng basa niyang buhok.


"Si Kuya Leandro ba?" Tanong ko sa kanila. Bakit hindi sila roon magtanong?! Bakit hindi sila roon magpa-alam?! Kanina pa ako nakatambay rito sa labas kaya hindi ko alam kung anong ginagawa rin ni Kuya.


"Natutulog po, eh." Sagot ni Lukas sa akin.


Biglang binulungan ni Leah si Lukas sa harapan ko. May binabalak ba sila?!


"Okay." Huling sagot ni Lukas kay Leah saka tumakbong papasok siya sa loob ng bahay namin.


"Hoy, anong sinabi mo roon?" Pagtataka ko sa kaniya. Baka mamaya kung anong gawin nila't ako pa mapagalitan ni Kuya! Ayoko kasing maging pabayang Ate sa kanila.


Imbis na makatanggap ako ng sagot, binewangan niya lang ako sabay tuloy sa pagsusuklay ng buhok niya.


"Why do I even need to play?—" Nakita kong hinihila na lang ni Lukas si Luke papalabas. Ito ba binulong ni Leah kay Lukas kanina?


Cheers, T.S. Cruz (S.T.E. Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon