15

166 6 0
                                    

"Aray ko, gago!" Sigaw ko kay Nate pagkatapos niyang paluin 'yung likod ko nang ilang beses mula sa aking pagkamasid.



"Akala ko magpapasalamat ka. Aba! Gago pa natanggap ko?" Kinuha niya iyong iniinom kong plastic cup sabay uminom siya roon. "Ah!" rinig ng kaniyang refreshing voice noong naubos niya ang laman. Napatingin naman ako sa kaniyang leeg, napalunok na lang ako ng laway.



Sa kabilang banda, bakit nandito 'yung kahalikan ko no'n? Bakit hindi na lang siya nagtinda roon sa bakery nila? 



"Hakim's a great contender for the position of SSG President." Narinig ko 'yong dalawang teacher na naglalakad papuntang harapan ng A.V.R. Masiyado lang atang malakas pandinig ko kasi normal pa rin reaksyon ni Nate.



Hakim... ngayon ko na lang ulit siya nakita. Dapat ko ba siyang kumustahin? Kilala pa kaya niya ako? Hindi ko rin alam na interesado siya sa mga ganitong bagay. Sa pagtakbo bilang Presidente. Kahit ako, hindi ko rin alam kung kaya ba niyang magpatakbo at magpasunod. 



Bumalik na rin kami baka kailangan na rin si Nate. Buti na lang wala siyang masiyadong nakaligtaan.



"Sabi ni President Chaste na we should plan about sa nalalapit na Election Week. We should focus sa mga posters, introductions, short jingle, and even sa tarpaulin natin." Recap ng Secretary ng partido nila Nate. "I think that's all for now." Tumingin siya sa kaniyang wrist para makita ang oras. "Let's have a dismissal na. Meeting adjourned, Novalenos."



Bago pa ako makatayo sa upuan namin ay sumingit si Chaste.



"Pres, bakit? Any additional to say?" Tanong ng Secretary. "Guys, wait! May sasabihin pa ata si President."



Tumikhim muna siya bago magsalita. He even fixed his round glasses. Pagod na ata siya pero mukha pa rin siyang fresh. Ano ba sekreto nito? "Stay. Kumain muna kayo tapos bumalik kayo."



"Huh?"



"Kailan nga ba 'yung Election Week natin?" Tanong nito. Napa-estatwa naman 'yung iba sa takot na dala ni Chaste. "Malapit na diba? Bakit tayo magsasayang ng oras? Let's work hard, people."



Sumingit naman si Taya, "Pero sabi ni Cameron, huwag ka raw magpapagod."



"Walang pero pero. Magpahinga at kumain muna kayo tapos bumalik kayo rito." Pagtatapos ni Chaste.



"Sure. I'll be back." Mahinhin na responde ni Zophiya. Lumapit pa ito sa akin upang itanong kung gusto ko ba raw sumama sa kaniya pababa pero tumanggi ako.



"Mauna ka na. Rinig ko na gutom ng tiyan mo."



"Thank you, Leigh." Ngiti nito. Humarap pa ito sa mga natirang Novaleños, "See you later. Good bye!"



Grabe na talaga pinagbago ni Zophiya. Hindi ko aakalain na magiging ganito siya. Napakasungit kasi nito no'n kaya hindi na ako nagtaka kapag may nakakaaway siyang honor student.



Sa kabilang banda ay naririnig kong nakikipag-away pa rin si Taya kay Chaste. Huwag siyang magpapapagod? Ayun 'yung narinig ko kanina sa usapan.



Bakit? Kasi Señor ba 'to? Porket Presidente bawal na mapagod? Ito ba 'yung sekreto niya?



Kung tutuusin wala sa bokabularyo ko ang salitang bawal mapagod. Sa tingin ko kasi wala akong mararating kapag nagpahinga lang ako. Hanggang kaya ko ang pagod... titiisin kong hindi magpahinga.



Cheers, T.S. Cruz (S.T.E. Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon