17

170 3 0
                                    

Dahil hindi naman overnight na nakabukas ang clinic ng school namin ay napaisip na lang ako na umuwi na rin. Sabi naman ni Chaste na magpahinga lang daw ako at siya na ang bahala kung abutin man kami rito hanggang madaling araw. Baka kasi may koneksyon siya sa mga guards kaya naisipan niyang sabihin 'yon.



Hindi na rin naman ako pumayag sa sinabi niya pero siguro dapat magpahinga muna ako... ngunit sa trabaho nga lang. Napaisip na lang din ako na huwag muna pumunta sa Café. 



Habang naglalakad kami pauwi sa malamig at mahamog na daan, napapaisip ako sa sinabi niya kanina.



'Hayaan mo sanang protektahan kita kahit sa anong paraan, binibini.'



Siguro nga na hindi ko dapat bigyan 'yon nang malalim na meaning kasi mabait naman siya sa lahat ng makakasalamuha niya. Wala namang bago roon, eh.



Tama... tama ngang hindi ko na lang bigyan ng meaning ang mga salitang mga sasabihin niya baka kasi sa huli, ako lang ang mag-expect. Ako lang ang masaktan.



Napatingin naman ako sa kaniya... sa buhok na tinatangay ng hangin.



Akala niya ata na sa polo ko siya nakatingin pero hindi talaga.



"Binibini, pasensya na," nag-aalala niyang sabi na nagpataka sa akin. Anong meron? Ha?



Nagulat akong tinanggal niya sa pagka-butones ang kaniyang polo at dahang-dahang isinuot sa akin. Napakagaan ng kaniyang pagkakasuot dahil hindi ko naramdaman ang kaniyang kamay.



Kaya pala dama ko ang lamig dahil nakapang-cheer dance uniform pa rin ako.



"S-Salamat," Utal kong sabi sa kaniya.



Naamoy ko rin naman ang kaniyang pabango. Amoy halaman ito kaya ang sarap sa ilong. Ngayon, para bang may yumayakap sa akin. Ang init sa pakiramdam.



Nakaka-miss tuloy 'yung yakap ni nanay sa akin. Kailan ko kaya mararanasan 'yung kay tatay?



Sa kabilang banda, inalok niya rin ako na mag-tricycle na lang daw kami at baka mahirapan pa maglakad- dahil na rin daw sa suot ko. Baka raw kasi mabastos ako. Idinahilan ko na lang na kaya ko naman, pero sa totoo ay kailangan ko ring mag-ipon.



9 pesos din kaya 'yung tricycle pa-Bayan!

Cheers, T.S. Cruz (S.T.E. Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon