1

81 11 23
                                    

Ais's POV

"Sa iyong nawalang buhay, katawan mong nakahimlay. Ito'y magbabalik ng dahil sa halik."

Isang larawan ng babaeng matanda ang nasa painting, at sa ibaba ay may nakasulat at iyon ang aking binasa. Dito namin naisipang mag-gala ng aking barkada lalo na't bakasyon naman at ang boring sa bahay.

"Sobra naman ata ang pagkakunot ng noo mo, Ais?" Nilingon ko ang nagsalitang iyon at nginitian siya. Si Zeinn, ang bestfriend ko.

Nginuso ko ang aking binasa kaya nilingon niya rin ito.

"Hmm, anong problema riyan?" Umiling lang ako. Pero ewan ko ba, may iba akong pakiramdam. Para bang may ipinapahiwatig ang pangungusap na iyon.

"Tara na nga. Ang weird mo," natatawang sabi nito saka ako hinila papunta sa iba pa naming barkada. Hindi na ako umangal dahil na rin gusto ko ng lumabas dito.

"Tara, kain na tayo," ani Syden na hinihimas-himas pa ang tiyan.

Patay gutom talaga ang lalaking ito. Mas gusto niya ang pagkain keysa sa kumain ng babae ops este ayaw niya sa babae, may allergy raw siya. Isa siya tunay na adik.

"Kakakain lang natin kanina ahh," ani Alianec. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. May mga street foods kaming nadaanan kanina habang patungo rito, mga wala nga silang ginawa kun'di kumain nang kumain. Akala mo'y pinababayaan ng magulang

"My treat," ani Syden.

"Ay oo nga gutom na ako, tara kain na tayo."
"Oo nga, nakakagutom tara na."
"Wala pa tayong kinakain kaya let's go na!"

Napailing na lang ako dahil sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko. Basta libre go na go eh.

"Tara na nga. Mga patay gutom na nilalang." Akma sana akong babatukan ni Zeinn pero nauna na ako. Napanguso na lang ito at lumapit kina Syden.

Sumunod na rin ako sa kanila na palabas ng museum, pero bago iyon ay muli kong nilingon ang painting.

"Bumalik ka rito," bulong ng kung sino. Biglang nanindig ang mga balahibo ko kaya dali-dali na 'kong lumabas ng museum. Naabutan ko ang tatlo na nagtatawanan.

"Tara na," yaya ko sa kanila.

"Ais, are you okay? You look pale?" tanong sa akin ni Alianec.

"Wala ito. Gutom lang." Sabay tawa ko. Tumango na lang ito at naglakad na.

"Sa'n ba tayo kakain?" tanong ni Zeinn, may nginuso naman si Syden kaya tinignan namin ang lugar na iyon. Isang restaurant.

"Owrayt, tara na!" sigaw ni Alianec, kaya lahat ng taong malapit sa amin ay lumingon sa kaniya.

"Oh! Tinitingin-tingin niyo? Ngayon lang kayo nakakita ng maganda?" Sabay irap nito. Napailing na lang kaming tatlo habang nakatingin kay Alianec.

"Sorry po, may saltik lang po talaga ang kaibigan namin."

"Sinong may saltik?! Ako? Tignan mo nga, sa ganda kong ito?!" Tumawa kami nang tumawa at lumapit ka Alianec.

"Gutom lang 'yan," sabi ko saka siya inakbayan.

"Whatever. Inggit lang kayo!" Sabay irap nito at tinanggal ang aking pagkaka-akbay. Nauna na itong maglakad.

"Alianec, Alianec. Mahangin na nga rito dumagdag ka pa," sabi ni Syden dahilan para kami'y magtawanang magkakaibigan.

*****

Sana ay basahin niyo ang story na ito. Maikli lang po ito, mga 10 chapters lang kasi nga short story. :>

Nasa isa ko itong wattpad account. Publish ko rin siya rito para mabasa niyo😆

In another life, I would be your girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon