10

15 8 0
                                    

Ais's POV

Ang saya sa aking puso ay nawala, napalitan ng galit at puot. Ilang buwan din ang nakaraan simula ng marinig ko ang kaniyang boses. Pero hindi pa rin nagbabago. Napakamahinahon ng kaniyang boses, naalala ko pa ng inakala kong anghel siya.

Tumayo ako ng maayos ngunit hindi ko pa rin sinubukang harapin ang nagsalitang iyon. Tinitigan ko lang ang mukha ng lalaking mahal ko. Hindi ko kasi alam kung kaya ko siyang tignan at.

KALABANIN.

"Ba't hindi ka humaharap?" mahinahon niyang tanong, kung papakinggan ko ay parang anghel na nagsasalita pero hindi. Hindi siya anghel dahil isa siyang demonyo.

Kumuyom ang aking kamao, nanginginig ang mga ito dahil sa galit.

Huminga ako nang malalim at pumikit. Muling bumalik ang alaala no'ng magkakasama pa kaming tatlo. Masayang nagtatawanan at nagkwekwentuhan, kung magturingan kami ay magkakapatid. Tunay na magkakapatid pero bigla-bigla siyang nagbago ng dahil sa selos.

Umikot na ako at nakita ko na ang babaeng nakatayo sa pintuan. Nakangisi at tuwang-tuwa sa nangyari.

"Pa'no mo nagawa ito?" tanong ko. Nagkibit balikat lang ito at dahan-dahang naglakad palapit sa akin.

Napahawak ako sa aking leeg dahil sa nahihirapan akong huminga, bawat hakbang niya ay nagiging dahilan para humigpit nang humigpit ang hindi nakikitang tali.

"I-I-Itigil m-mo i-iy-yan." Halos lumuha na ako dahil hirap na hirap na akong huminga. Napatingin ako sa bawat hakbang niya, pahigpit nang pahigpit.

"Masakit ba? Mahirap ba?" tanong niya ng makalapit siya sa akin. Hawak hawak ko ang aking leeg, parang may sugat na ito dahil sa sobrang higpit. Nauubusan na ako ng hangin.

"M-Magkakaibigan n-na-aman ta-tayo 'd-di ba? Itigil mo na i-ito-o." Unti unti nang lumuluwag kaya nakahihinga na ako nang maayos.

"Oo, magkaibigan tayo noon! Pero nakalimutan niyo na ako simula ng maging kayo ni Calix! Kinalimutan niyong may Hope na pangalan kayong kaibigan!" Umiling lang ako nang umiling.

Kailan man ay hindi namin siya kinalimutan. Siya ang nakalimot sa amin. Nang dahil sa maling akala niya ay napahamak ako at nawala sa akin si Calix.

"Hindi ka namin kinalimutan," wika ko, pinipilit kong hawakan ang kaniyang kamay subalit lumalayo siya.

"Huwag mo akong hawakan at huwag mo rin akong subukang linlangin! Kinalimutan niyo ako!" sigaw niya. Bigla ay kumidlat nang malakas.

"Hope, itigil mo na ito."

"Hindi! Papatayin kita!" May bolang kidlat sa kaniyang kamay, palaki nang palaki. Itinapon niya ito sa akin kaya agad akong umiwas.

"Wala na akong magagawa kun'di ang patulan ka." Bumuo ako ng malakas na hangin dahilan para tumalsik siya palabas nang bahay. Tumama ang kaniyang likod sa puno kaya nahirapan itong tumayo.

Lumabas din ako pero bago iyon ay tinignan ko muna si Calix.

"Magkakasama rin tayo," bulong ko. Biglang kumirot ang aking braso kaya tinignan ko iyon. May sugat ako, sugat galing sa kidlat ni Hope.

Iniiwasan ko lang ang bawat tapon niya ng kidlat, mabilis ako dahil ang hawak kong kapangyarihan ay hangin. Kayang-kaya ko siyang ipatalsik sa planetang pluto kapag ginusto ko pero may pumipigil sa akin. Pinipigilan ako ng mga alaala namin. Kaibigan ko pa rin siya. Siya pa rin ang Hope na kaibigan namin ni Calix at hindi ko maaatim na saktan siya.

"Hope, nakikiusap ako sa 'yo. Tama na." Mas lalong bumilis ang pagtapon niya nang bolang kidlat.

Ayoko! Ayoko siyang saktan pero kinakailangan.

Ang mga lupa at tuyong dahon ay sumama sa nabubuong hangin. Palakas ito nang palakas kaya pati ang bubong ng bahay ay malapit ng matanggal. Nauubos na ang aking lakas lalo na't ako'y may sugat. Mabuti na lang ay nagawa ko na rin ang aking balak. Nabuo ang hanging tao na pinagbabawal sa aming gawin. Dahil mauubos ang aming lakas pero bahala na.

"Mamatay ako pero kasama ka!" sigaw niya at ang kidlat sa kaniyang kamay ay dumiretso sa aking kinatatayuan.

*****
💙

In another life, I would be your girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon