11

33 9 0
                                    

Ais's POV

Napapikit na lamang ako at hinintay na tumama sa aking balat ang malaking kidlat na iyon ngunit ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin akong nararamdamang sakit.

Nagmulat ako nang mata at agad gumuhit ang gulat sa aking mukha. Namuo rin ang luha at agad tumulo galing sa mata.
Nakangiti siya habang hirap na hirap, sinalo ko ang kaniyang katawan ngunit sa kaniyang bigat ay parehas kaming natumba sa lupa.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Nakangiti siya habang hinahaplos ang aking pisngi. Ako naman ay hindi alam kung anong magiging reaksyon, nabuhay siya! Nabuhay si Calix pero agad ding babawiin.

Anong klase iyon? Sinalo niya ang kidlat na sa akin dapat tatama.

"Ais, nagkita ulit tayo." Tumango tango ako habang umiiyak. Nagkita ulit tayo, baby.

"Huwag mo ng akong iwan." Umubo siya nang dugo at tumalsik ito sa ilang parte ng aking mukha.

"Hindi pwede! Hindi pwede ito! Jusko, huwag niyo na po siyang kunin sa akin." Nakangiti lang siya. Hinawakan niya ang aking batok at inilapat ang labi sa aking labi.

"In my another life, you will be my girl." Huli niyang salita ng mawalan nang buhay.

"N-No! No, it c-can't be! B-Bakit ganito?!" sigaw ko habang inaalog-alog ang kaniyang katawan.

"Baby, w-wake up! O-Open your d-damn eyes!"

Ilang minuto pa ay wala na talaga, nabuhay nga siya pero napakabilis naman! Nabuhay siya para iligtas ako.

Iyak lang ako nang iyak. Tuluyan na siyang nawala sa akin.

Ito ba ang dapat mangyari?! Damn! Ito ba ang dapat na tamang mangyari sa amin ni Calix?! It's hurt! Mas masakit pa ito sa sugat na natamo ko. Sapagkat ang sugat ng kaniyang pagkawala ay habambuhay kong dadalhin.

Hiniga ko siya sa aking hita. Pinunasan ko ang dugo sa kaniyang labi at mukha.

In another life, I would be your girl
We keep all our promises, be us against the world
In another life, I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away
The one that got away~

"Iloveyou," bulong ko at pinikit ang mata.

"Ate, wake up!" Minulat ko ang aking mata at bumungad sa aking harapan ang mukha ni Cazel.

"Why?" tanong ko habang nag-iinat. Nakaka-antok pa.

"Nakalimutan mo na ba? Kasal na ngayon ni ate Liane." Napatakip ako sa aking mukha at patakbong pumunta sa banyo.

"Mauna ka na, susunod ako!" sigaw ko habang nag-aalis ng mga suot. Hindi naman ito sumagot pero narinig ko ang pagbukas at pagsara nang pinto.

Isang buwan na ang nakalilipas nang tuluyang mawala sa akin si Calix. Nang una ay hindi ko talaga matanggap, halos umiiyak na rin sa aking harapan si Cazel mapakain lang ako. Akala ko porket wala na siya ay wala na ring silbe ang aking buhay.

But, I realized na kapag sumuko ako ay para ko lang sinayang ang pagliligtas sa akin nang taong mahal ko.

Nagpapasalamat talaga ako sa aking kapatid na hindi sumukong damayan ako at si Liane na handang batukan ako magising lang ako tuwing umaga.

Sa susunod na linggo ay bibisitahan ko sina mimi at papa. Namimiss ko na sila, namimiss ko na rin ang mga kupal kong kaibigan. Namiss kaya nila ako? Kapag hindi, papaliparin ko sila papuntang mars.

"I pronounced you husband and wife." Nakangiti akong nakatingin sa dalawang taong nasa aking harapan. Tinuloy ko ang aking ginagawang pagpapalipad ng mga bulaklak, mga petal ng roses na nagiging dahilan para gumanda ang view ng kasal nila.

"Congrats," bati ko sa dalawa.

"Salamat, Ais." Tumango ako at hininto na ang ginagawa. Naglakad na muna ako palabas nang lugar at tumungo sa garden, ito talaga ang paborito ko sa lahat.

Umupo ako sa bench at nilasap ang sariwang hangin.

"Can I join you?" Nilingon ko ang nagsalitang iyon. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso, nangilid din ang luha sa aking dalawang mata. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito?

"Calix?" ani ko. Nasa harapan ko siya, nakangiti at humihinga.

"Ahm, I'm sorry miss. I'm name is Jayson." Pero? Ano bang nangyayari? Kamukhang-kamukha niya si Calix.

"Calix, ikaw ba iyan?" tanong ko saka tumayo at hinawakan ang kaniyang pisnge. Tinitigan ko ang kaniyang mata, sigurado akong si Calix siya. Kabisado ko ang mukha ng lalaking mahal ko kaya siguradl akong siya si Calix, pero bakit sinabi niyang ang ngalan niya'y Jayson?

"Jayson ang pangalan ko, miss." Bumilis ang tibok ng aking puso at inalala ang huling sinabi ni Calix.

"In my another life, you will be my girl."

Calix...

Tinupad niya. Tinupad niya ang kaniyang sinabi.

"Sorry, may kamukha ka kasi. Anyway, sige tabi tayo." Umupo ako sa bench at gano'n din naman siya.

"Pwedeng malaman ang pangalan mo?" tanong niya.

"Ais," simple kong sagot.

"Nice to meet you, Ais." Ngumiti ako at nakipag-kamay. He's still my man.

THE END

*****

THANK YOU DAHIL UMABOT KAYO RITO! MAHAL NA MAHAL KO KAYO! AYIEE HAHAHA❤

In another life, I would be your girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon