5

24 13 12
                                    

Ais's POV

"Wow!" 'Yan na lang ang nasabi ko nang makita ko ang napakagandang garden.

Ang lambot nang damo, hindi makati. Ang mga bulaklak, ang raming bulaklak. Ang babango nito. Pumitas ako ng isa at inamoy. Muli akong namangha ng makita ang nagkukumpulang mga rosas. Napakaganda! Kanino kaya ito? Grabe napaka-maalaga niya sa hardin.

Hindi na ako magtataka kung ang pangalan ng nagmamay-ari ng garden ay ahmm? Rose? Umupo rin ako sa damuhan.

"Sa 'yo itong garden." Nilingon ko ang nagsalitang iyon, sabay turo sa sarili.

"Yes, sa 'yo ito. Sa tuwing may namamatay na bulaklak ay galit na galit ka. Ayaw na ayaw mong nababawasan ang garden mo. Sobra ka kung magalit." Binalik ko ang tingin sa mga bulaklak. Kung totoo man ang sinabi ng babaeng ito edi napaka-OA ko pala.

Pumikit ako at muli kong nakita ang malabong imahe ng dalawang tao, isang babae at lalaki.

"Dito rin niyo gusto laging mag-date ni kuya Calix."

"Calix? Sino iyon?" gulat kong tanong.

"Siya ang kasintahan mo." Si Liane ang sumagot ng aking tanong. Ako may kasintahan? Kung gano'n siya ang tinutukoy nitong dalawa na may kailangan sa akin?

Ano naman kayang maitutulong ko? Heler! Wala po akong kwentang nilalang! Isa lang po akong hotdog na naglalakad sa kalsada, kaya ano ang maitutulong ko sa problema nang lalaking iyon?

"May boyfriend ba talaga ako?" Hinarap ko silang dalawa, sabay silang tumango kaya napabuntong hininga ako.

Akala ko talaga wala akong boyfriend, 'yon pala ay meron. At nangangailangan pa ng aking tulong. So bye bye, NBSB!

"Kapatid ba talaga kita, Cazel?" Malungkot na tumango si Cazel. Masama bang manigurado? Baka mamaya wow mali lang pala ito! Baka naman may camera diyan sa paligid.

Kung gano'n bakit hindi manlang sa akin sinabi nila mimi at papa na hindi nila ako tunay na anak? Hmm, siguro dahil ayaw na rin nilang malayo ako sa kanila. Oww, katouch naman. Love na love ako nila mimi at papa.

Eh, ano na kayang ginagawa ng magulang ko? 'Yong mga patay gutom kong tropa, nakaka-miss din pala ang mga kupal kong kaibigan. Buong buhay ko ay sila ang takbuhan ko kapag naiinis ako kina mimi, si Zeinn ang partner in crime ko. Napangiti ako ng maalala ang ginawang kalokohan, naglagay kami ng cup noodles sa taas pinto ng classroom at kung sino ang magbukas no'n ay siya ang mabubuhusan. And who's the victim? Our teacher, yeah kami na ang masama pero cute.

Bumuntong hininga ako at yumuko. Namimiss ko na sila, gusto ko na silang makasama.

"Nga pala, asan ba si Calix?" tanong ko.

"Wala siya."

"Huh? Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Nilason siya."

*****

VOTE and COMMENT!❤

In another life, I would be your girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon