2

34 12 32
                                    

Ais's POV

"Bye guys," pagpapaalam ni Zeinn at Syden. Sila ang unang bumaba ng kotse. Medyo magkalapit lang kasi ang bahay ng dalawa. Bwesit 'tong nga kaibigan ko, may sari-sarili namang kotse pero ginawa akong driver. Kakapal ng mga muks.

"Bye." Sabay wave ni Alianec, nagdrive na ulit ako. At ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Alianec.

"Bye, kitakits bukas." Tumango ako at ngumiti. Nag-drive na ulit ako, binuksan ko rin ang radio dahil ang tahimik. Kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, jusko! Ang iingay, hindi mapreno-preno ang mga bunganga. Sa susunod lalagyan ko nang break ang mga bibig, tapos kayo break na.

Iilan na lang din ang sasakyang makikita sa kalsada, pasado alas dose na rin kasi. Minsan na lang kami magsama-samang magkakaibigan lalo na't pare-parehas na busy sa study, kaya ngayong nakagala ay parang nga presong pinatakas sa kulungan. Balak pa ata nilang ikutin ang buong bansa.

🎶In another life, I would be your girl
We keep all our promises, be us against the world
In another life, I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away
The one that got away~

Napapasabay ako sa tugtog ng muli kong maalala ang painting. Oras-oras kong naaalala ang painting na iyon, dahil d'on ay hindi ko masyadong na-enjoy ang gala namin.

"Sa iyong nawalang buhay, katawan mong nakahimlay. Ito'y magbabalik ng dahil sa halik."

Napapikit ako dahil biglang sumakit ang aking ulo, itinabi ko na muna ang kotse at hinilot ang sintido.

Nakapikit pa rin ako at hindi ko maintindihan, may kung anong malabong imahe ang nakikita ko.

"Ais, imulat mo ang iyong mata." Biglang kumabog ang aking dibdib, nanindig din ang balahibo sa aking batok. Ang boses na iyon, iyon ang narinig ko sa museum na bumulong din sa akin.

"Huwag kang matakot, imulat mo na ang mata mo." Umiling lang ako nang umiling, ayoko! Ano bang nangyayari? Napaparanoid lang ba ako?! Nagiimagine? Ano ba?

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang iminulat ang mata. Agad akong napaatras ng may babaeng nasa labas ng aking kotse

"M-multo!" utal-utal akong sumigaw. Hinawakan ko ang manibela ngunit hindi naman umandar, nakalimutan kong ipihit ang susi kaya dali-dali ko 'yong ginawa.

Nilingon ko pa ang babae pero wala na siya doon, napahinga naman ako ng maluwag.

Nag-iimagine lang ata ako. Inaantok na ata ako kaya kung ano-ano ang aking nakikita.

"Hi, Ais." Halos nanigas ako sa aking kinauupuan. Triple ang bilis nang kabog ng puso ko.

"Jusko, magsisimba na po ako. Mangungumpisal na po ako araw-araw. Hindi na po ako maglalasing na ang iniinom ay yakult. Hindi na po ako maninigarilyo gamit ang stick-o. Patawarin mo na po ako." Nakarinig ako ng tawa kaya mas lalo akong nanigas sa aking kinauupuan. Hininto ko na rin muna ang pagmamaneho. Bahala na kung nasa gitna ako ng kalsada.

"Huwag ka ngang OA. Hindi ako multo!" Sa isang iglap ay nasa tabi ko na siya.

"Mama! Mama ko—"

"Shut up! Ang ingay mo!"

"S-Sino k-ka ba k-kasi?" utal-utal kong tanong. Jusko, ayoko na! Ba't ako minumulto? Mabait naman akong bata, minsan may kalokohang ginagawa pero mabait pa rin ako. Part 'yon bilang teenager kaya mabait ako.

"Ako si Liane." Paki ko sa pangalan ng multong 'to, saka wala akong pinsan, tita, ninang na namatay na ang pangalan ay Liane.

"Ba't mo 'ko minumulto?" kinakabahan kong tanong.

"I'm not a multo! Hindi kita minumulto! Isa akong encantada."

"Encantada? Kasama mo ba si Amihan, Danaya, Pirena, o Alena? O baka tatay mo si Imaw." Kumunot ang noo nito at umiling.

"Sino ba 'yong mga tinutukoy mo?" Napanguso naman ako. Akala ko makikita ko na sila.

Teka nga! Niloloko ba ako nitong babaeng ito.

"Ako ba'y niloloko mo? 18 years na ako sa mundong ito at nagising na ako sa katotohanang hindi totoo ang fantasy! Kaya huwag mo 'kong pagtripan. Sana noong mga bata pa lang ako nagpakita ka na sa 'kin, baka noon paniwalaan pa kita pero heler matanda na ako para sa ganiyan-ganiyan mo!"

"Madaldal ka pa rin." Bigla akong napalingon sa harapan ng kotse. May liwanag sa harap.

Patay na ako? Kukuhanin mo na ako, Lord? Hindi pa po ako handa. Ayoko pa po. Bigyan niyo pa po ako ng 1000 years para mabuhay.

"Tara na, dadalhin kita sa liwanag."

"Wahhh! Patay na ako? Patay na talaga ako?! Ayoko pang pumunta nang liwanag!" sigaw ako nang sigaw. Hindi mapakali at hindi maintindihan ang nangyayari

"The f*ck! Pwede magtiwala ka lang sa akin."

"Magtitiwala? Bakit? Hindi nga kita kilala! Ba't kita pagtitiwalaan?!" Biglang pumitik ang babaeng katabi ko at sa isang iglap ay nawalan na ako ng malay.

"Ang ingay." Huling salita na aking narinig.

*****

VOTE and COMMENT!❤

Hindi ko mapigilang huwag tumawa nang tumawa habang tinitipa ang chapter na ito. Hahaha ang lt ng ating bida. :>

In another life, I would be your girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon