Ais's POV
"Nilason siya."
"Nilason siya."
"Nilason siya."Paulit-ulit kong naririnig ang huling sinabi ni Liane, hindi na niya naipaliwanag ang buong nangyari dahil may tumawag sa kanila. Ako naman ay iniwan na muna nila rito sa garden.
Pilit kong binabalik ang nawala kong alaala pero wala talaga. Ayaw bumalik.
Gustong-gusto ko ng maalala ang lahat. Gusto ko ng maalala si Cazel, gusto ko ng maalala si Calix. Gusto ko ng maalala ang mundong ito.
Tumayo ako at naisipang maglibot-libot. Wala akong ibang nakikitang tao, si Cazel at Liane lang ba ang na andito? Pati ang isang lalaking tumawag sa kanila. Sa laki ng lugar na ito silang tatlo lang ang nakatira dito?
Teka? Ako ba sa'n nakatira? Dito rin ba?
Lumabas ako ng garden at naglakad-lakad sa parang hallway, sa magkabilang gilid ng hallway na ito ay puro pink roses. At sa dulo ng hallway ay may isang pinto, isang pinto na pinalilibutan nang mga dahon.
Naglakad ako papunta roon, tinignan ko muna ang pinto at hinawakan. Nakaramdam ako ng kuryente nang dumampi sa aking balat ang mga dahon na nakapalibot sa pintong gawa sa kahoy.
"Ate Ais, what are you doing there?!" sigaw ni Cazel, nilingon ko naman siya sabay turo sa pinto. Nakakunot noo naman itong naglakad palapit sa akin.
"Anong tinuturo mo, ate?" tanong niya na naging dahilan para kumunot ang aking noo.
Muli kong hinarap ang pinto na nasa aking likod pero agad akong na paatras nang wala akong makitang pinto, walang pinto at wala rin ang mga dahon. Ang tanging nakikita ko lang ay mahabang hallway.
"M-may pinto r-rito kanina," kinakabahang kong sambit. Humarap ako kay Cazel na tumingin-tingin sa paligid. Bigla niya na lang akong hinala palayo sa kinatatayuan namin.
"Teka Cazel, anong nangyari? Kanina may nakita akong pinto tapos nawala." Hindi ito sumagot bagkus ay tinuloy-tuloy niya lang ang paghila sa akin. Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng bahay ay binitawan na niya ako.
Hingal na hingal ito at gano'n din ako.
"Ate, whoa kakahingal. Anong nakita mo kanina?" tanong niya saka umupo sa sahig. Bigla siyang kumampas at sa isang iglap ay may hawak na siyang tubig.
Nanglaki ang aking mata dahil sa pagkamangha. Magic? Wow, totoo talaga ang magic. Sa amin magic sarap lang ang mayroon eh.
"Gusto mo rin ng tubig?" Tumango ako at kagaya ng kanina ay may tubig na rin akong hawak. Ininom ko ito at tumabi sa kaniyang kinauupuan.
"May pinto akong nakita. Nababalutan ng mga dahon, nahawakan ko iyon at sigurado akong totoo pero nang dumating ka biglang naglaho." Bumuntong hininga siya at basta na lang ako niyakap.
"Ate, ate Ais. Kailangan ng bumalik ng alaala mo dahil kung hindi baka mapahamak ka rin." Humiwalay siya ng yakap at tinignan ako.
"Dadalhin kita sa lugar kung saan maaari ng bumalik ang alaala mo." Tumayo siya kaya tumingala ako sa kaniya. Nilahad niya ang kaniyang kamay habang nakangiti, nakangiti ko rin itong tinanggap. Ilang segundo lang ay biglang lumiwanag ang paligid, naramdaman ko rin ang paglutang ng aking katawan.
"Don't tell me we're flying?" kinakabahan kong tanong.
May fear of heights ako.
Heights? May alaalang bumabalik sa aking isip.
Isang babae na tumatakbo, lingon ng lingon at parang may tinatakasan. Nasa loob siya ng gubat habang umiiyak, pagod na pagod pero tuloy ang pagtakbo. Hanggang sa hindi niya napansin ang bangin, ito'y nahulog, nahulog nang nahulog nang nahulog. Nahuhulog sa butas na walang katapusan. Sigaw ito nang sigaw, nagmamakaawang sana'y may tumulong sa kan'ya. Hanggang sa maramdam ng babae ang malakas na pag-untog niya sa matulis at malaking bato.
"Ate?" Bigla niya akong hinawakan sa braso, naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko, hindi ko na alam kung sino ako. Hindi ko alam pero sinasabi ng utak ko na ako ang babaeng nahuhulog sa bangin.
"Bakit ako nawala?" tanong ko, tumalikod lang sa akin si Cazel. Ngayon ko lang napansin na nandito kami sa isang burol kung saan kitang-kita ang buong lugar.
"Hindi ko alam ate, may nagsabing may kumuha sa'yo. May nagsabing baka napunta ka sa mundo ng mga mortal. Hindi namin alam kung ano ang paniniwalaan, hanggang sa makita namin ang malamig na katawan ni kuya Calix, doon ay akala namin wala ka na rin. Pero may isang matandang babae ang nagsabing babalik ka at muling bubuhayin ang lalaking sa'yo ay nakatadhana."
"Sinong matandang babae?" Umiling lang siya at humarap sa akin.
Bakit ba sa akin pa nangyari ito? Ito na ba ang parusa sa akin dahil sa pagiging pasaway kong anak kila mimi at papa?
"Nang sabihin iyon ng babae ay tinago na muna namin sa isang kuwarto ang katawan ni kuya. Lagi namin itong binibisita at hindi mo maamoy ang baho dahil hindi siya nabubulok, o inuood. Nang dahil doon ay naniwala kaming babalik ka. At ito ka nga ate, your back. So please ate comeback with us."
Ewan ko pero bigla akong napaluha at nasaktan ng makitang lumuluha si Cazel. Gano'n siguro talaga kapag may nakita kang umiiyak lalo na't kamag-anak mo.
"Oo, Cazel, pipilitin kong bumalik. Kaya maari bang tulungan mo ako?" Tumango siya at pinunasan ang mga luha saka siya tumatawang yumakap sa akin.
*****

BINABASA MO ANG
In another life, I would be your girl
Short Story"Sa iyong nawalang buhay, katawan mong nakahimlay. Ito'y magbabalik ng dahil sa halik." Dalawang pangungusap na maaaring maging sanhi ng pagbabago ng kaniyang buhay. •••••