4

25 11 11
                                    

Ais's POV

"Ako si Cazel, ang bunso mong kapatid." Halos tumigil ang ikot ng aking mundo. Wala akong marinig kundi ang sinabi ng babaeng ito.

"Bunso mong kapatid."
"Bunso mong kapatid."
"Bunso mong kapatid."

"Ano. Bang. Sinasabi. Mo?" putol-putol kong tanong. Hindi makapaniwala.

"You guys are crazy," sabi ko. Umiling lang ang babaeng may pangalang Cazel.

"Hindi ako nagsisinungaling. Ako ang bunso mong kapatid." Tumayo ako at lumayo sa dalawang babae.

Lumapit ako sa pinto at ng malamang hindi ito naka-lock ay agad akong lumabas at tumakbo palayo sa kwartong iyon. Those girls are f*cking crazy!

Agad akong napahinto sa pagtakbo nang makita ang lugar, anong klaseng lugar ito?

Dahan-dahan akong bumaba nang hagdan. Sa bawat paghakbang ko ay may kung anong lumulutang. May iba't-ibang kulay ng maliit na alikabok? Ay ewan, basta.

Nang tuluyan na akong makababa sa hagdan ay nilingon ko naman ang mga kagamitan. May ilang gamit na lumulutang.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdam, bumibilis ang tibok ng aking puso. Napapikit ako ng muling maramdaman ang sakit ng ulo, ito rin ang naramdaman ko kagabi.

Encantada!

Ano iyon? May malabong imahe akong nakikita, isang babae at isang lalaki. Masaya sila habang nakaupo sa damuhan pero sa isang iglap ay nawalan ng buhay ang lalaki.

Bigla akong napamulat at napaupo sa sahig. Nanginginig ang mga tuhod.

"Ate Ais, ayos ka lang?" Tinulungan nila akong tumayo.

"Anong lugar ito?" tanong ko. Ang kaba ay hindi pa rin nawawala, pati ang pangangatog ng tuhod ay akin pa ring nadadama.

"Andito ka sa mundo ng mga diwata. Mundo kung saan ka nararapat manirahan," sagot ni Liane. Diwata?

"Pwede ibalik niyo na ako sa mga magulang ko, I'm sure nag-aalala na sila sa akin." Umiling lang ang mga ito.

"Hindi ka dapat sa mundong iyon, ito ang mundo natin, ito ang tunay mong mundo!"

"Ewan ko sa inyo! Paanong dito? Hindi ko nga alam ang mundong ito. Hindi ko rin kayo kilala!"

"Ate Ais," bulong ni Cazel. Nilingon ko siya.

"What?!" irita kong tanong.

"Maniwala ka sa amin. Please, tutulungan ka naming maalala ang lahat."

"Ayoko, wala naman akong kailangang alalahanin," sabi ko. Napatingin ako sa isang malaking pinto. Ano kaya ang nasa labas ng pintong iyan?

"Gusto mong tignan ang labas?" tanong ni Liane, bumuntong hininga ako at tumango.

Naglakad sila palapit sa pinto habang ako ay nakasunod sa kanila. Totoo ba ang sinasabi nila? Kailangan ko bang maniwala?

Pero sa mga panahong ito, it's hard to trust anyone!

*****

VOTE and COMMENT!❤

In another life, I would be your girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon