8

15 7 0
                                    

Ais's POV

"Baby?"
"Yes?"
"Sorry."
"Sorry for what?"
"Dahil sa akin napapahamak ka."
"Nah. Baby, it's not your fault."
"But—"
"No buts! Kalimutan na muna natin sila, magpakasaya na muna tayo."

Nag-iba ang scene, ngayon ay naandito na ako sa isang gubat.

Tumatakbo at hingal na hingal. Lingon nang lingon sa likod natatakot na baka mahuli ng humahabol.

Bumalik sa garden ang scene.

"B-Baby, run. P-Please, save y-yourself."
"N-No, I don't want—"
"B-Baby, b-baby. T-Tumakbo ka n-na."
"A-Ayoko! Ayokong i-iwan ka!"
"M-Mas ayos ng iwan mo ako keysa m-mapahamak ka."
"Aalis ako kapag kasama ka!"
"Hindi pwede, hindi ko na kaya."

"Calix!"

"Ais."
"Sino ka?"
"Sino ako? Ako ang tunay niyang mahal at hindi ikaw!"
"Anong sinasabi mo?!"
"Mang-aagaw!"

Nag-iba ulit ang scene, andito na ako sa loob ng bahay kasama si Cazel at Liane.

Hanggang sa umikot ako nang umikot, paiba-iba ang scene.

"Calix!"
"Baby, no, no huwag kang pipikit!"
"Baby! Calix!"
"HAHAHA takbo Ais! Takbo!"
"Tigilan mo na kami!"
"Ate Ais! Where are you?"
"Siya'y babalik upang itama ang mali!"
"Akin lang siya!"
"Go, run!"

Iba't-ibang tinig ang aking naririnig.

"Ahhhh!" sigaw ko saka biglang napamulat. Pawis na pawis, sobra rin ang bilis ng kabog ng aking puso.

Bigla na lang akong napaluha.

"Ate?" Pumasok siya sa loob ng kwarto at umupo sa aking tabi.

"Zelzel?" Bigla na lang siyang napaluha at agad akong niyakap.

"Ate Ais, naaalala mo na kami?" Humiwalay ako ng yakap at tumango.

"Alam ko na. Naaalala ko na." Muli niya akong niyakap kaya gano'n din ang aking ginawa.

"I'm so glad kasi naalala mo na ang lahat." Tumango ako ng tumango.

Naalala ko na ang lahat, naalala ko na kung gaano kasakit ang aking pinagdadaanan. Naalala ko na kung paano nawalan siya ng buhay sa aking braso, wala akong nagawa kundi ang umiyak! Hindi ko siya nailigtas, stupid! Ang masakit pa ay iniwan ko lang basta ang kaniyang katawan dahil natatakot ako! Natakot ako na baka kung anong mangyari sa akin.

At ngayon! Handa na akong pagbayarin ang gumawa nun kay Calix!

"Iwan mo muna ako," sambit ko. Agad naman itong tumango at lumabas ng kwarto.

Tumayo ako at may kinuhang box sa ilalim ng kama. Kilala ko ang matandang nagsabi kila Cazel na babalik ako.

Binuksan ko ang box at andun ang kaniyang larawan. Siya ang aking ina-inahan. Siya ang takbuhan ko kapag naiinis ako sa mga kasamahan ko.

"Salamat," bulong ko saka hinalikan ang larawan. Isa siya sa makapangyarihang encantada, ngunit sa isang iglap ay nawalan siya ng buhay dahil sa akin.

Oo! Nang dahil sa akin. Pinagtanggol niya ako sa babaeng gustong pumatay sa akin.

Tinignan ko ang likod ng larawan, may nakasulat.

"Sa iyong nawalang buhay, katawan mong nakahimlay, ito'y magbabalik ng dahil sa halik."

Napangiti ako at namasa rin ng bahagya ang aking mga mata. Kahit wala na siya ay binabantayan pa rin niya ako.

Naalala ko ang painting sa museum, isang larawan ng babae at siya iyon. Siya ang nasa painting at siya ang nagsulat ng pangungusap na ito.

Gustong-gusto niya akong matulungan.

Pero hindi ko pa rin maintindihan ang pinapahiwatig ng pangungusap.

*****

VOTE and COMMENT!❤

In another life, I would be your girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon