Ais's POV
"Hmm," ungol ko saka nagtalukbong ng kumot, napasinghap pa ako ng malamang iba ang amoy nito. Ilang beses ko ba dapat sabihing ang gusto ko lang na gamitin nila ay Downy! Bakit naging surf ito?
Oo, ako na ang maarte. Paki mo ba?
"Yaya!" sigaw ko habang nakapikit. Pero ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa ring dumadating na kasambahay.
"Yaya Rites!" muli kong sigaw saka pabagsak na umupo sa kama. Biglang namilog ang aking mata ng makitang wala ako sa sariling kuwarto.
"What the hell? Asan ako? Kaninong kuwarto ito?!" tanong ko sa sarili saka muling tinignan ang kwarto.
Anong nangyari?! Ibang kuwarto ito. This is not my precious room! Nalasing ba ako kagabi? May kasama ba akong lalaki na umuwi? Teka...
Agad akong napatili nang maalala ang nangyari kagabi.
Biglang bumukas ang pinto kaya nilingon ko iyon. Isang babae ang pumasok.
"Hi ate Ais, mabuti naman at gising ka na," magiliw na sabi nito saka umupo sa edge ng kama. Napaatras naman ako.
"And who are you? Ba't mo ako kilala?" Gulong-gulo na ako! Ano bang nangyari? Ano bang nangyari kagabi? Ba't nasa ibang kwarto ako?
"Hays, nakalulungkot naman. Nakalimutan mo na ako," malungkot nitong ani, nakanguso ito habang nakatingin sa akin.
"Anong nakalimutan? Hey girl, I think you're crazy. I didn't know who the hell are you."
Muling bumukas ang pinto kaya sabay kaming lumingon. May isa ulit na babae ang pumasok.
Nanlaki ang aking mata ng maalala ang babae.
"M-Multo!" sigaw ko at nagtalukbong ng kumot.
Dinala niya ba ako sa lungga kung saan maraming multo? Baliw ka ba, Ais? Sa tingin mo may ganoong lugar?
Narinig ko ang tawanan ng dalawang babae. Jusko! Ano bang balak nila? Bwesit, tawang-tawa sila.
"Ate Ais, hindi multo si ate Liane." Dahan-dahan kong inalis ang kumot. Nakaupo na sila sa edge ng kama.
"Ano bang kailangan niyo?" inis kong tanong.
"Hindi kami ang may kailangan sa 'yo, kundi ang lalaking mahal mo." Mahihimigan sa boses nito ang lungkot. Pero, taena? Lalaking mahal ko? Like what the hell, wala akong boyfriend. NBSB ako!
"What are you talking about! No boyfriend since birth ako!" sigaw ko sa kanila. Lumapit naman sa akin ang isang babae, 'yong unang pumasok dito sa k'warto.
"Ate Ais, ba't mo kami kinalimutan?" malungkot nitong tanong, bumabasa na rin ang gilid ng mga mata nito nagpapahiwatig na handa ng tumulo ang mga luha.
"Sino ba kayo? Ano bang sinasabi niyo? Sorry huh, pero hindi ko kayo kilala!" Umiling lang ang babaeng nasa harap ko, lumingon ito sa isa pang babae. Hmm, Liane ata ang pangalan.
Bumuntong hininga sila.
"Ako si Cazel, ang bunso mong kapatid."
*****
VOTE and COMMENT!❤

BINABASA MO ANG
In another life, I would be your girl
Historia Corta"Sa iyong nawalang buhay, katawan mong nakahimlay. Ito'y magbabalik ng dahil sa halik." Dalawang pangungusap na maaaring maging sanhi ng pagbabago ng kaniyang buhay. •••••