Prologue

502 15 0
                                    


Unedited


KANINA pa pumapatak ang luha sa mga mata ng labing limang taong gulang na si Dominique. At kanina pa din niya pinupunasan ang basang pisngi dahil sa luha na naglalandas sa kanyang mga mata. Pagkatapos niyon ay tumingala siya sa kalangitan at naghanap ng malaking bituin sa langit.

"M-mama..." sambit ni Dominique ng makita niya ang hinahanap. "N-natatakot po ako." Pagpapatuloy na wika niya. At sa pagkakataong iyon hinayaan lang niyang maglandas ang luha sa kanyang mga mata. "Natatakot po ako na baka kapag nagpakasal ulit si Papa sa ibang babae ay baka pabayaan na niya ako." Sumbong niya habang nakatingin pa rin siya sa malaking bituin na iyon. Simula no'ng mawala ang Mama ni Dominique ay gawain na niya ang kausapin ang malaking bituin sa langit sa tuwing masaya siya o kung hindi naman ay kung nalulungkot siya.

May nakapagsabi kasi sa kanya na kapag ang isang tao daw ay nawala ay nagiging bituin na ito at binabantayan ang mahal nila sa buhay na naiwan. At naniniwala siyang isa na sa mga bituin ang Mama niya at binabantayan na siya.

Dominique was seven years old when her mother died due to cardiac arrest. Umaga no'n, ng gigisingin na ng kanyang amang si Dominic ang ina ay hindi na ito magising. Isinugod pa ng ama ang ina sa ospital, nagbabasakali, umaasa na mare-revive pa ito ng doctor. Pero wala na talaga, dead on arrival na ang ina no'ng dalhin ng ama sa ospital.

Sa batang edad ay naramdaman ni Dominique iyong sakit sa pagkawala ng ina. Mabuti na lang at hindi siya pinabayaan ng ama. Nasa tabi lang niya ito palagi sa tuwing nalulungkot siya, sa tuwing nangungulila siya sa kalinga ng ina.

Ang ama din ang tumatayong ina at ama sa araw na nagdaan na wala ang ina. Pero ngayon, mukhang magbabago na ang lahat ng iyon dahil pagkalipas ng walong taon ay may ipinakilala ang ama na magiging bagong ina niya.

Mukhang mahahati na ang atensiyon ng ama sa kanya at sa bagong pamilya nito. Or worse, sa bagong pamilya na lang nito ibubuhos ang buong atensiyon nito at mabalewala na siya. Paano na lang siya? Paano na lang din kung matulad siya sa kwento ni Cinderella na kung saan minamaltrato si Cinderella ng madrasta nito at ang stepsister nito. Paano na lang kung matulad ang kwento ng buhay niya sa kwento ng buhay ni Cinderella? Paano na lang kung kaugali din ni Tita Amalia ang evil stepmother ni Cinderella? Paano na lang kung mayroon din siyang stepsister o stepbrother na kaugali din ng evil stepsister ni Cinderella?

Natatakot si Dominique na baka maltatruhin din siya ni Tita Amalia at ang anak nito kapag nagkataong magpakasal ang ama at ang babaeng iyon. Natatakot si Dominique sa posibleng mangyari.

Mayamaya ay napatingin si Dominque sa kanyang gilid ng maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Nagulat siya pero hindi niya iyon pinahalata ng makita niya si Aaron—ang pamangkin ni Tita Amalia. Ang pakakaala ni Dominique ay si Tita Amalia ang nagpalaki kay Aaron. Anak si Aaron ng nakakabatang kapatid ni Tita Amalia na pumanaw dahil sa aksidente. Magkasama ang ina at ang ama ni Aaron noong maaksidente ang sinasakyang kotse ng mga ito. At parehong hindi nakaligtas ang mga ito. At dahil bata pa lang si Aaron no'ng maulila ay ang nakakatandang kapatid ng ina ni Aaron ang tumayong guardian nito.

At sa pagkakatanda siya ay matanda si Aaron sa kanya ng tatlong taon. Aaron was eighteen years old.

Kahit huli na, ay pinunasan pa rin ni Dominique ang luha sa kanyang mga mata. "Anong...ginagawa mo rito?" tanong niya. Pero sa halip na sagutin nito ang tanong ay may inabot ito. At ng tingnan ni Dominique kung ano iyon ay nakita niya ang isang kulay gray na panyo. Tiningnan lang naman ni Dominique iyon. At ng mapansin ng binata na wala siyang balak kunin ang panyo na inaabot ay nagpakawala lang ito ng malalim na buntong-hininga. At sa buong pagkamangha ay ito na mismo ang nagpunas ng basang pisngi dahil sa luha.

"Bakit ka umiiyak?' tanong nito mayamaya.

Kinagat naman ni Dominique ang pang-ibabang labi para pigilan ang emosyon sa sandaling iyon. Iniwas na lang din niya ang tingin kay Aaron.

"Dahil ba kay Tita Amalia? Dahil ba sa'min?" napabaling muli ang tingin ni Dominique sa katabi ng magsalita ito. "So, kami nga ang dahilan kung bakit ka umiiyak?" kumpirma nito. Hindi naman siya nagsalita o sumagot, yumuko lang siya.

Narinig muli niya ang pagbuntong-hininga ni Aaron. "Sorry..." mahinang sambit nito.

"B-bakit ka nagso-sorry?" sa wakas ay natagpuan na rin ni Dominique ang sariling boses. Nag-angat muli siya ng tingin upang makita ito.

"Sorry...dahil kami ang dahilan kung bakit ka umiiyak." Sabi nito sa mapupungay na mga mata, sa klase ng tingin ni Aaron sa kanya ngayon ay parang sinisisi nito ang sarili sa pagdating nito—ang pamilya ni Tita Amalia sa buhay niya at sa buhay ng ama niya. Yumuko ito ng makita nito ang paglambot ng ekpresiyon ng mukha niya habang nakatingin siya rito.

Hindi naman napigilan ni Dominique ang makaramdam ng pagka-guilty. Bumuntong-hininga siya. "Hindi naman kayo eksakto ang dahilan kung bakit ako umiiyak, kung bakit ako malungkot." Sa sinabi niya ay muli itong nag-angat ng tingin. "Natatakot lang ako na baka mawala na ako sa eksena. Na baka mabalewala na ako ni Papa. Kasi..." muling nanubig ang mga mata ni Dominique dahil sa nagbabadyang luha. "K-kasi magkakaroon na siya ng bagong pamilya." Dugtong na wika niya sa garalgal na tinig.

Hinawakan siya ni Aaron sa kamay. Napatingin naman si Dominique sa kamay niyang hawak nito ng makaramdam siya ng kakaiba ro'n. Hindi niya maipaliwanag pero no'ng hawakan nito ang kamay niya ay naramdaman niyang parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya.

"Alam mong hindi iyon mangyayari at alam kung hindi din iyon mangyayari, Dominique." Mahinahong wika ni Aaron. "Alam mo bang bukambibig ka ng Papa mo sa'min? Hindi pa ka namin nakikilala o nakikita pero pakiramdam namin ay kilalang-kilala ka na namin dahil sa kwento ni Tito Dominic. Kwenikwento niya sa'min kung gaano siya ka-swerte ng nagkaroon siya ng anak na katulad mong mabait, maalaga, mapagmahal, matalino. Proud na proud ang Papa mo sa'yo." Pagpapatuloy na wika ni Aaron. Hindi naman niya napigilan ang napaluha sa narinig sa bibig ni Aaron. Talaga bang kwenikwento ng ama niya iyon sa mga ito? Hindi din niya napigilan ang sarili na mapangiti. Nababaliw na yata siya dahil nakangiting umiiyak siya. "Kaya alam kung hindi ka mababalewala ng Papa mo dahil ikaw ang nag-iisang prinsesa niya." Ani Aaron. "At huwag mong iisipin na mahahati ang atensiyon ng Papa mo sa'min dahil hindi iyon mangyayari. At kung magkataon man na mangyari iyon, mayroon namang papalit. Hindi lang isa, kundi tatlo na." sa pagkakataong iyon ay ngumiti ang binata. "Si Tita, si Alexandra at ako." Tukoy nito sa Tita Amalia nito at sa isang anak na babae ni Tita Amalia. "Mamahalin, po-protektahan din ka namin, tulad ng pagmamahal at pagpo-protekta sa'yo ng Papa mo."

Nangislap ang mga mata ni Dominique sa sinabi ni Aaron. Parang bolang naglaho ang lungkot na naramdaman niya sa sandaling iyon. "T-talaga?"

"Oo."


COMMENTS AND VOTES ARE WELL APPRECIATED! THANK YOU!

Runway Girls 2: Dominique ToledoWhere stories live. Discover now