Chapter 9

355 13 0
                                    


Unedited


NAKATULONG kay Dominique ang pagiging abala sa mga commitment bilang isang modelo para kalimutan niya iyong sakit na nararamdaman niya nitong nakalipas na araw. Dalawang linggo na rin ang lumipas simula no'ng huli silang nag-usap na dalawa ni Aaron. No'ng sabihin ng binata sa kanya na kalimutan niya ang nararamdaman niya rito dahil masasaktan lang siya. Well, tulad ng gusto ni Aaron ay sinunod niya ang sinabi nito. She tried to forget him. Hindi naman madali para kay Dominique iyon, pero sinusubukan niya.

At nagpapasalamat siya sa mga kaibigan dahil kahit na may kanya-kanyang problema ang mga ito ay hindi pa rin siya iniwan ng mga ito. Tinutulungan pa siya ng mga ito na magmove-on. At alam ni Dominique na kunting panahon na lang at makakalimutan na niya ng tuluyan si Aaron. Hindi na kasi gaanong kasakit kapag naaalala niya ang binata, kapag naririnig niya ang pangalan nito.

Mayamaya ay tumunog ang cellphone ni Dominique. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng makita at mabasa niya sa screen ng cellphone niya kung sino ang tumatawag sa kanya. Mabilis niyang kinuha ang cellphone saka niya sinagot ang tawag nito.

"Hi Dom!" Masiglang bati ng kabilang linya ng sagutin niya ang tawag.

Napangiti siya. "Oh, Hello Jeric." Bati din ni Dominique sa kanyang caller.

"Ui..." napaigtad si Dominique ng sundutin siya ni Yvonne sa kanyang tagiliran. Tinakpan naman niya ang mouthpiece ang hawak na cellphone niya saka niya sinulyapan ang katabi na ngingisi-ngisi.

"Magkaka-lovelife ka na." Tukso nito saka sinundot-sundot ang tagiliran niya. Lumayo siya bahagya kay Yvonne dahil nakikiliti siya sa ginagawa nito.

"Anong magkaka-lovelife. We're just friends 'no?"

"Sus! Pa-showbiz ka pa." Ani Yvonne. Iiling na lang si Dominique ng mag-umpisa na ang mga ito sa kakatukso sa kanya.

Napagpasyahan na lang ni Dominique na lumayo sa mga ito dahil sigurado siyang hindi siya titigilan ng mga kaibigan na tuksuhin siya kay Jeric.

"I'm sorry for that, Jeric." Hingi niya ng paunmanhin sa binata. "Hindi nanaman nakainom ng gamot ang mga kasama ko." Biro niya rito.

Jeric chuckled over the phone. "Tinutudyo ka na naman nila sa'kin." Ani Jeric sa natatawang tinig.

"Sinabi mo pa."

Jeric chuckled once again. "Pakisabi sa mga kaibigan mo na itudyo ka lang nila sa'kin. Malay mo ma-develop ka sa'kin."

"Heh!" Angil niya rito.

Tumawa na naman ito pero mayamaya ay sumeryoso na ang tinig ng binata. "By the way, ipapaalala ko lang iyong dinner date natin mamaya. Baka makalimutan mo."

Inilipat ni Dominique ang hawak na cellphone sa kabilang tainga niya saka siya namaywang kahit na hindi naman siya nakikita ng kausap. "Kailan pa ako nakalimot sa usapan natin, Jeric?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"See?" Palatak ng binata sa kabilang linya. "Nakalimutan mo na kung kailan. Makakalimutin ka talaga." Biro nito.

Hindi napigilan ni Dominique ang matawa sa sinabi ni Jeric. Maliban sa mga kaibigan niya, isa din si Jeric sa dahilan kung bakit hindi na niya masyadong naiisip si Aaron, kung bakit hindi na niya masyadong nararamdaman iyong sakit sa puso niya. Isa din kasi si Jeric na tumulong at dumamay sa kanya. Hindi naman inaasahan ni Dominique iyon, noong kasing nasa bar sila, no'ng umalis siya sa harap ni Aaron upang bumalik sa loob ng naturang bar kung saan nasaan ang mga kaibigan niya. Pagpasok niya sa loob ay biglang humarang sa harap niya si Jeric, hindi niya inaasahan na makikita niya ang binata roon. At ng magtama ang mga mata nilang dalawa at ng makita ni Dominique ang pag-alala sa mukha nito ay hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ang binata. Dito niya ibinuhos iyong sakit na nararamdaman ni Dominique. Sa panahon na iyon ay sinabi niya sa binata ang lahat-lahat. Kung bakit siya umiiyak, kung bakit siya nasasaktan. Hindi na nabigla si Jeric ng sabihin niyanģ mahal niya si Aaron simula pa lang. Hindi na ito nabigla dahil noong sabihin niya rito noon na itigil na nito ang panliligaw sa kanya dahil may iba na siyang mahal ay may ideya na daw ito kung sino ang lalaking iyon. Alam na nitong si Aaron ang lalaking iyon. Wala naman daw kasing ibang lalaking malapit sa kanya, maliban kay Aaron. Ang binata lang naman daw ang lagi niyang kasa-kasama. Kaya alam nitong si Aaron ang tinutukoy niya.

Runway Girls 2: Dominique ToledoWhere stories live. Discover now