Unedited!
SUNOD-sunod ang paglagok ni Aaron sa laman ng basong hawak. Nang hindi siya makontento ay kinuha niya mismo ang bote ng alak na nakalapag sa center table at iyon ang tinungga niya. Inisang lagok lang niya iyon. Nang maubos ang laman ng bote ay isinandal niya ang ulo sa likod ng sofa at saka niya ipinikit ang mga mata. At sa pagpikit ng mga mata at nakita niya ang imahe ng mukha ni Dominique. Naramdaman niya ang paninikip ng dibdb niya ng maalala iyong sakit na bumalatay sa maamong mata nito ng sabihin niyang kalimutan na siya, kalimutan na nito ang nararamdamang pagmamahal sa kanya dahil hindi niya kayang suklian iyon. Pero lalong nanikip ang dibdib ni Aaron ng maalala niya iyong ngiting nakapaskil sa labi nito habang magkasama at magkausap ito ni Jeric.
"Hi...Kuya Aaron." Naalala pa ni Aaron ng tawagin siya ni Dominique na Kuya ng lapitan siya nito kasama si Jeric upang batiin ng minsang nagkita sila sa isang restaurant. Ayaw na ayaw ni Aaron na tinatawag siyang Kuya, lalong-lalo na kung si Dominique ang tumatawag sa kanya. Pakiramdam kasi niya sa tuwing tatawagin siya nito ng ganoon ay pakiramdam niya ay talagang magkapatid sila, na hindi talaga sila pwede because they really related.
Lalong nanikip ang dibdib ni Aaron ng masaksihan niya na halos nagkakamabutihan muli si Dominique at si Jeric. Kitang-kita din ni Aaron iyong kislap sa mga mata ni Dominique kapag kausap nito si Jeric. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha nito. Mukhang nakalimutan na nito iyong nararamdaman nito sa kanya. Mukhang naka-move on na ang dalaga sa kanya.
Dapat masaya na si Aaron do'n. Iyon naman ang gusto niya eh. Siya din ang nagsabi rito na kalimutan siya nito. Pero taliwas iyon sa nararamdaman niya. Hindi niya magawang magsaya dahil tutol naman sa kalooban niya ng sabihin niya rito na kalimutan siya nito. Hindi naman niya iyon ginusto eh. Sinunod lang naman niya ang pakiusap ng Tita Amalia niya. Malaki kasi ang utang na loob niya sa rito kaya hindi siya makatanggi.
So, hahayaan mo na lang na mawala sa'yo ng tuluyan si Dominique? Tanong ng bahagi ng isipan. Kakayanin mo bang makita na may iba na ang babaeng mahal mo? Makakaya mo bang makita ang babaeng mahal mo na nasa harap ng altar kasama ang isang lalaki habang nagpapalitan sila ng wedding vows? Dagdag pa na tanong ng isipan.
Hindi! Mabilis na sagot ng isip at puso niya. Hindi niya kayang mawala ng tuluyan si Dominique. Hindi din niya kakayanin na makita si Dominique na ikinakasal sa ibang lalaki. Gusto niyang makasal si Dominique, pero dapat siya lang ang lalaking iyon. Siya lang ang lalaking dapat na maikasal rito.
Sa pagkakataong iyon ay nagmulat ng mga mata si Aaron. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at dumiretso sa kanyang kwarto upang magtungo sa loob ng banyo upang maligo. Aaron comes out with the decision—right decision to be exact.
Ipaglalaban na niya ang pag-ibig na nararamdaman niya para kay Dominique. Aaminin na niya rito ang totoong nararamdaman. At bago iyon kailangan mo na niyang kausapin ang Tito Dominic at si Tita Amalia. Kung kinakailangan niyang lumuhod o magmakaawa sa harap ng mga ito payagan lang siyang mahalin ng malaya si Dominique ay gagawin niya. Lahat gagawin niya para kay Dominique. Ganoon niya ito kamahal. Tama na iyong pagiging duwag niya. Tama na iyong pagiging tanga niya. Tama na iyong pagiging sunod-sunuran niya. Ngayon, uunahin muna niya kung ano ang totoong gusto niya. At ang gusto ni Aaron ay sabihin kay Dominique kung gaano niya ito kamahal.
NAGULAT si Dominique ng pagbukas niya ng pinto ng condo niya ay bumungad sa mata niya ang namumungay na mata ni Aaron.
"Dominique..." banggit nito sa pangalan niya. May kakaiba sa tono ng boses nito. Hindi lang niya mapin-point kung ano ang kakaiba roon dahil masyado natuon ang atensiyon niya sa namumungay na mga mata ng binata.