Chapter 6

285 12 0
                                    


Unedited


"Please try your call later..."

Nagsalubong ang mga kilay ni Dominique habang nakatitig siya sa kanyang cellphone. She was calling Aaron, kanina ay ring lang ng ring iyon pero sa pangalawang subok na tawag niya ay un-attended na ang numero nito. Hindi niya alam kung na-lowbatt ang cellphone nito o hindi kaya sadya nitong pinatay iyon para hindi niya ito matawagan. Pero bakit naman nito papatayin? Okay naman silang dalawa ni Aaron no'ng nasa Pampangga silang dalawa. Although, noong pauwi na silang ng Maynila ay may napansin siyang kakaiba sa binata. Tahimik lang ito buong biyahe. Magsasalita lang ito kapag kinakausap niya ito. Pero tipid lang ito kung magsalita.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Hindi din tuloy niya napigilan makaramdam ng lungkot and at the same time ay kinakabahan din siya. Hindi niya maipaliwanag iyong kabang nararamdaman niya sa sandaling iyon.

"Hey...Dominique, are you okay?" Mayamaya ay narinig ni Dominique na tanong ni Yvonne sa kanya. Inalis niya ang tingin sa hawak na cellohone at inilipat niya iyon kay Yvonne na ngayon ay nakatingin na sa kanya.

"I'm okay." Sagot niya. At mukhang hindi naniwala si Yvonne sa sagot niya dahil itinaas nito ang isang kilay. Bumuntong-hininga siya. "Nag-aalala lang ako para kay Aaron." Pag-aamin niya sa nararamdaman.

"Bakit?" Usisa ni Yvonne.

"He's not answering my phone call. Tapos no'ng pangalawang beses ko siyang tinatawagam ay un-attended na ang phone niya." Sumbong ni Dominique sa kaibigan. At sa pangatlong pagkakataon ay muling sinubukan ni Dominique na tawagan ang numero ng binata. Pero gaya ng dati ay unattended pa rin iyon. "See? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matawagan ang numero niya."

"Baka masyado lang siyang busy at sa sobrang busy niya ay nakalimutan niyang i-charge ang cellphone niya." Pampapalakas ni Yvonne ng loob niya. "Alam mo namang hindi isang biro ang mamahala ng isang kompanya."

Sa pangatlong pagkakataon ay bumuntong-hininga si Dominique. Siguro, tama si Yvonne. Masyadong busy lang siguro si Aaron sa pagpapatakbo ng negosyo nito kaya hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Itinago na lang ni Dominique ang cellphone at itinuon na ang pansin sa mga kasama.

"So, tuloy pa rin ba iyong plano nating magpatayo ng business?" mayamaya ay tanong ni Emmanuelle sa kanila.

"Yes."

"Oo." Halos magkasabay na sagot nila Valeen, Maggie at Yvonne sa tanong na iyon ng kaibigang si Emmanuelle. Napag-usapan kasi nilang lima na magpatayo ng isang negosyo na pagso-syosohan nilang lima. Hindi naman kasi habang buhay na magiging modelo silang lima. Balang araw ay magre-retiro na rin sila sa pagmomodelo at pagtutuunan ang mga bagay na mas importante. Tulad na lang kung makita o makilala nila ang mga lalaking makakasama nila sa habang buhay. At alam ni Dominique na hindi na iyon magtatagal. Dahil si Emmanuelle, may Lawrence na kahit na hindi pa tuluyan nagkakabalikan ang mga ito. Pero alam naman niyang malapit-lapit na ang araw na magbabalikan ang dating magkasintahan. Si Yvonne naman, alam niyang hindi magtatagal ay sasagutin din nito ang manliligaw nitong si Kirk Justin. At si Maggie, mayroon na itong boyfriend na si Benedict. At siya kung magtatagumpayan niya ang plano ay magkakaroon na rin siya ng lovelife. Si Valeen na lang ang natitira, pero alam ni Dominique, na sa kabila ng pagiging bitter ni Valeen sa salitang love, kahit na sinasabi nito sa kanila na masasaktan lang sila kapag nagmahal sila ay alam niya na sa kaibuturan ng puso ni Valeen ay may pagmamahal pa rin ito sa lalaking sinasabi nitong nanakit rito.

"Hey, Emman are you okay?" napatingin agad si Dominique sa gawi ni Emmanuelle ng marinig niya ang tanong na iyon ni Valeen. Nangunot ang noo niya ng makita ang pamumutla ng mukha nito.

Runway Girls 2: Dominique ToledoWhere stories live. Discover now