"BABALIK na ba kayo sa Maynila agad, Dominique?" Mula sa pag-inom ng frappe ni Dominique ay nag-angat siya ng tingin ng marinig niya ang tanong na iyon ni Jeric. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop. Pagkatapos nilang mag-jogging kanina ay nagyaya si Alexandra na pumunta sa isang coffee shop na nasa subdivision nila. Niyaya na rin nila si Jeric dahil nakisabay na rin ito sa kanila sa pagjo-jogging.
"Oo eh. Dalawang araw lang iyong bakasyon ko rito. At ganoon din si Aaron. Bukas ay babalik na rin kami sa Maynila." Sagot niya sa tanong ni Jeric.
"Sayang naman kung ganoon." Ani Jeric.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Yayayain sana kitang lumabas." Sagot ni Jeric sabay himas ng batok nito.
"Bakit Kuya Jeric? May balak ka ba ulit na ligawan si Ate Dom?" Singit ni Alexandra sa usapan nila. Sa pagkakataon iyon ay inalis ni Dominique ang tingin kau Jeric at napatingin siya sa katabing si Alexandra. Nakataas ang isang kilay ng kinakapatid habang nakatingin ito kay Jeric. "Ano?"
Tumikhim si Jeric bago sumagot. "Kung bibigyan ako ni Dominique na karapatan na ligawan muli siya. Why not?" Walang pasakalyeng sagot ni Jeric.
Mayamaya ay nabaling ang tingin ni Dominique kay Aaron ng magsalita ito. "Wala ka bang girlfriend?" Tanong nito kay Jeric. Habang nakatingin siya kay Aaron ay wala siyang nababakas na anumang emosyon sa mukha nito habang nakatingin ito kay Jeric.
"I don't have girlfriend." Sagot ni Jeric kay Aaron.
"When?" Aaron asked once again. Ngayon ay mababakas sa mukha nito ang kaseryosohan. Hindi lang sa mukha, kundi pati sa boses nito. Hindi naman niya maintindihan kung bakit kailangan pang itanong ni Aaron kay Jeric kung kailan ito huling nagka-girlfriend.
"Dude, you don't have to worry. When it comes to Dominique. I'm really serious with her." Sa halip na wika ni Jeric kay Aaron. Mababakas din sa boses ni Jeric na nagsasabi ito ng totoo. "I'm really serious about courting you, Dom." Dagdag na wika ni Jeric sabay tingin sa kanya. Nahagip naman ng tingin ni Dominique ang pagsasalubong ng mga kilay ni Aaron. "Kung hindi mo lang ako tinapat no'ng nililigawan kita ay hindi pa rin ako titigil sa panliligaw sa'yo, Dominique."
"Hindi ba, kahit na ilang beses sabihin ng isang babae na ayaw niyang magpaligaw, kapag seryoso at kung talagang gusto mo siya ay ipu-pursue mo pa rin siya?" Si Aaron.
"Dude, ayaw mo ba sa'kin para kay Dominique?" Natatawang wika ni Jeric kay Aaron. Pero, si Aaron nanatiling seryoso ang ekspresiyon ng mukha kaya agad ding nagseryoso si Jeric. "Hindi ko na ipinursue ang panliligaw ko kay Dominique no'n kasi tinapat niya akong may mahal na siyang iba." Pagde-defend ni Jeric sa sarili. "Ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko sa kanya kung may mahal na siyang iba."
"Sino ang lalaking iyon, Ate Dom?" Singit na tanong na nananahimik na si Alexandra. "Do we know that guy?"
"Ha?"
"Kilala ba namin ang lalaking iyon?" Ulit na tanong ni Alexandra. Napansin tuloy ni Dominique na sa kanya ang atensiyon ng lahat na tila ba hinihintay ang kasagutan niya.
Akmang magsasalita si Dominique ng mapahinto siya ng magsalita si Aaron. "Siguraduhin mo lang Jeric na seryoso ka kay Dominique." Ani Aaron. Mababakas sa boses nito ang pagbabanta.
"Seryoso naman ako sa kanya eh. At huwag kang mag-alala kapag pinalad ako sa panliligaw kay Dominique, hindi ako magloloko. Aalagaan, po-protektahan at mamahalin ko ang kapatid mo."
Napasimangot naman si Dominique ng marinig niya ang huling sinabi ni Jeric. Allergic kasi siya sa salitang 'kapatid' when it comes to Aaron. Kasi kapag naririnig niya ang salitang iyon, ibig sabihin ay parang wala siyang pag-asang mahalin siya ni Aaron dahil tinging kapatid lang ang turing nito sa kanya.