Chapter 4

286 16 0
                                    

Unedited


"COME on, Ate Dominique. Let's swim na." Yaya ni Alexandra kay Dominique.

"Alex!" Sambit ni Dominique sa pangalan ng kinakapatid ng sabuyan siya nito ng tubig galing sa swimming pool.

Tumawa si Alexandra. "Let's swim na. Ang sarap ng tubig." Si Alexandra. Muli, ay sinabuyan siya nito ng tubig. Nakasimangot na tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa beach chair na nasa tabi lang ng swimming pool.

"Time is gold, Ate Dominique. Let's enjoy this day. Sa susunod na araw ay babalik na kayo ulit sa Maynila." Wika ni Alexandra, nabakasan niya sa boses nito ang lungkot.

"Oo na. Maliligo na ako." Nakangiting wika niya.

"Yes!" Ani Alexandra sabay taas ng dalawang kamay. Ngingiting iiling na lang si Dominique. Kakalasin na sana niya ang pagkakabuhol ng suot niyang roba ng mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya si Aaron na lumabas mula sa bukana ng pinto. At alam ni Dominique na patungo si Aaron sa gawi nila ni Alexandra.

And a sinister smile curves on her lips when a nice...or should she say naughty idea flashed on her minds.

Dahan-dahang tinanggal ni Dominique ang pagkakabuhol ng suot niyang roba. At ng makita ni Dominique mula sa peripheral vision niya na malapit na si Aaron sa direksiyon nila ay dahan-dahan din niyang tinanggal ang suot na roba—leaving her black two piece. Hindi na siya nahihiyang ibalandra ang katawan dahil sanay naman si Dominique. Sa klase ng trabaho niya ay sisiw na sa kanya ang magsuot ng ganoon sa harap ng maraming tao. At saka wala naman siyang dapat ikahiya. She has the body or should she say perfect body in the right curves and the right places.

"Wow!" Bulalas ni Alexandra pagkatapos siya nitong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "You look hot, Ate Dominique." Dagdag na wika ni Alexandra. Pero ang atensiyon ni Dominique ay na kay Aaron na ngayon ay huminto sa paglapit sa kanya. Kunwari ay hindi niya napansin ang presensiya ng binata.

Dominique flipped her hair. "Know right." Sabi niya sa natatawang tinig. Tumawa din si Alexandra. Mayamaya ay napatuon ang atensiyon nila Alexandra ng makarinig sila ng malakas na pagtikhim. Slow motions siyang humarap sa kanyang gilid.

"Hi there." Bati niya ng makita si Aaron.

"O, Kuya Aaron nariyan ka na pala." Halos magkasabay na silang nagsalita ni Alexandra.

Lihim na napangiti si Dominique ng mapansin na halos hindi makatingin ng deretso si Aaron sa kanya.

"Kuya wanna join?" Yaya ni Alexandra sa Kuya nito. At sa sandaling iyon ay gustong yakapin ni Dominique si Alexandra ng yayain nito si Aaron nito na mag-swimming rin.

"Oo nga." Segunda naman niya. Sa pagkakataong iyon ay sumulyap sa kanya ang binata. Nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis ng magtama ang mga mata nito. May dumaan na emosyon sa mga mata ni Aaron pero para lang iyon isang kidlat na ang bilis na nawala.

Mayamaya ay hindi niya napigilan ang matawa sa nakitang ekspresiyon ng mukha ni Aaron ng sabuyan din ito ng tubig ni Alexandra. And Dominique jaws dropped ng walang sabi-sabing tinanggal ni Aaron ang suot nitong puting sando. Pinigilan niya ang mapalunok ng makita niya ang magandang pangangatawan ni Aaron –ang six pack abs nito. Marami nang nakikita si Dominique na six pack abs sa klase ng trabaho niya, napapalibutan din siya, sila ng naggagandahang katawan. Pero walang panama ang mga iyon sa kagisigan ng lalaking kaharap niya sa sandaling iyon. Sapagkat kakaiba ang epekto ng lalaking kaharap sa sistema niya.

At sa sobrang paglalakbay ng kanyang diwa ay nagulat na lang siya ng bigla siyang umangat sa ere. Huli na para ma-realize ni Dominique na buhat na pala siya ni Aaron. Huli na ng ma-realize niyang tumalon na pala ito sa pool habang buhat-buhat siya nito. Nang umangat sila mula sa tubig ay hinampas niya ito sa balikat. Pero sa halip na mapa-aray ang binata sa ginawa niya ay tumawa lang ito ng malakas. At para naman makabawi ay sinabuyan niya ito ng tubig. Napahalakhak siya ng nalagyan ang bibig nito ng tubig. At sa pagkakataong iyon ay ang binata naman ang napahalakhak ng sabuyan din siya nito ng tubig at nalagyan din ng tubig ang bibig niya. Hindi naman nagpatalo si Dominique, bumawi din siya at bumawi din si Aaron. Malalaki ang kamay ng binata kaya dehado siya.

Runway Girls 2: Dominique ToledoWhere stories live. Discover now