Unedited
ISINUOT ni Dominique ang rayban shades sa kanyang mga mata ng malapit na sila sa arriving area ng Ninoy Aquino National Airport. Galing sila Dominique sa Singapore, kasama niya ang mga kaibigan at kapwa niya modelo sa Ballesca Modelling Firm o BMF na sina Emmanuelle, Maggie, Yvonne at Valeen. Silang lima din ang bumubuo sa Runway Girls ng BMF. Naimbitahan kasi silang miyembro ng Runway Girls ng isang foreign designer sa Singapore na i-modelo ang latest collection nito. Tatlong araw din silang namalagi sa nasabing bansa.
Nang nasa arriving area na sila ng Airport ay inilibot ni Dominique ang tingin upang hanapin ang susundo sa kanya sa umagang iyon. Mayamaya ay napataas ang isang kilay ni Dominique ng mamataan niya ang nakakatandang kapatid ni Maggie na si Kirk Justin na naglalakad patungo sa direksiyon nila. Hindi napigilan ni Dominique ang mapangisi ng makita at mabasa niya ang hawak-hawak na kamay nitong Illustration board. Sa isang illustration board kasi ay nakasulat ang pangalan ni Yvonne. May heart shape pang nakaguhit sa illustration board.
Hindi naman kaila kay Dominique na nililigawan ng binata si Yvonne. Pero take note, iba ang style ng binata sa panliligaw. Hindi ito katulad ng ibang lalaking nanliligaw sa isang babae na halos gawin ang lahat ng lalaki ma-i-please lang ang babaeng nililigawan ng mga ito. Si Kirk Justin kasi, sa halip na i-please si Yvonne ay iniinis at inaasar nito ang dalaga. Iyon tuloy, naiinis at naasar tuloy si Yvonne sa binata. Inakala din ni Yvonne na hindi seryoso si Kirk Justin sa panliligaw nito. Inakala nitong naglalaro lang ang binata. Pero alam niya, napapansin niya na seryoso ang binata kay Yvonne. Oo, maloko ang binata kapag kaharap nito si Yvonne. Lagi nitong iniinis at inaasar ang dalaga. Pero alam ni Dominique na sa kabila ng pang-aasar at pang-iinis ni Kirk Justin kay Yvonne ay alam niyang may kaakibat iyon. Because...with those playful words, with those playful smile...there is love written on it. Maaaring hindi iyon nakikita at napapansin ni Yvonne. Pero siya, dahil isa din siya sa taong nagmamahal ay kitang-kita at napapansin niya iyon sa mukha ng binata kapag tinitingnan niya ito at ang huli naman ay nakatingin sa dalaga. Kitang-kita kasi niya ang kislap sa mga mata ni Kirk Justin sa tuwing nakatingin ito kay Yvonne kapag hindi nito iyon nakikita. Hindi lang iyon ang nakikita niya, nakikita din niya ang pagmamahal sa mga mata nito. Parang nakikita din ni Dominique ang sarili sa binata. Ganoon din kasi siya. Sa tuwing tinitingnan niya ang lalaking mahal ay kumikislap din ang mga mata niya. Kahit hindi niya nakikita ang sarili ay alam niyang mababakas ang pagmamahal na nakalarawan sa mata niya sa tuwing tinitingnan niya ang lalaking minamahal.
At nakikita din ni Dominique kay Yvonne ang lalaking minamahal. Masyado kasing manhid ang mga ito. Ipinaparamdam na nga nila sa taong mahal ang nararamdaman nila ay hindi pa rin iyon maramdaman ng mga ito.
Lihim na lang na napangiti si Dominique ng asarin na naman ni Kirk Justin si Yvonne ng tuluyan na itong nakalapit sa dalaga. Iiling na lang siyang bumaling sa ibang direksiyon at sa pagbaling niya ay nakita niya si Benedict ang boyfriend ni Maggie na naglalakad palapit sa kanila. Nakangiti ang binata habang may hawak itong isang bugkus ng bulaklak.
"Hi Babe." Bati ni Benedict ng tuluyan itong nakalapit kay Maggie. Nakita din niya ang paghalik ng binata sa pisngi ni Maggie at ang pag-abot nito ng hawak nitong bulaklak.
Mayamaya ay napatingin siya kay Emmanuelle ng tapikin siya nito sa balikat. "Bakit?"
"Mauna na ako sa inyo. Pupuntahan ko pa kasi si Lawrence." Ani Emmanuelle dahilan para kumunot ang noo niya.
"Hindi ka ba magpapahinga mo na?" Tanong niya. "Tulad ko alam kung pagod ka din." Dagdag pa na wika niya. Sa sandaling iyon kasi ay gusto na niyang makauwi agad at matulog sa malambot na kama.
Umiling ito. "Bukas na lang ako magpapahinga. Saka kapag nakita ko naman si Lawrence ay alam kung mawawala din itong pagod ko. You know, he is my stress reliever." Sabi nito sabay kindat sa kanya. Nangingiting umiiling naman si Dominique.