Unedited
NARAMDAMAN ni Dominique ang pagpisil ng lalaking kasayaw sa baywang niya. Pero isinawalang kibo na lang iyon ni Dominique at ipinagpatuloy ang pagsayaw. Nasa Serenade Bar siya, kasama ang mga kaibigan at kapwa niya modelo sa BMF. Pagkatapos i-shoot ang pictorial nila at ang follow-up interview ng isang writer para sa isang Magazine na kung saan silang binansagang Runway Girls ang ipi-features ay niyaya niya ang mga kaibigan na mag hang-out. Niyaya niya ang mga ito para naman kahit paano ay mabawasan iyong sakit na nararamdaman ng puso niya.
Hanggang sa naramdaman ni Dominique na gumagapang ang kamay ng lalaking kasayaw patungo sa pang-upo niya. Pero hindi pa tuluyan nakakadapo ang kamay nito roon ng may humila sa kanya mula sa pagkakapulupot ng kamay niya sa leeg ng kasayaw.
"Who the hell give you permission to touch her!" Mariing wika ng isang pamilyar na tinig. At ng mag-angat ng tingin si Dominique ay nakita niya ang nagtatagis na mukha ni Aaron habang nakatingin ito sa lalakin kaharap. Naramdaman din niya ang paghigpit ng pagkakahawak ni Aaron sa pulsuhan niya.
"Aaron..." sambit ni Dominique sa pangalan ng binata. Inalis naman ng binata ang tingin sa lalaking kasayaw at tumingin sa kanya. Salubong pa rin ang mga kilay ng binata ng sumulyap ito sa kanya.
"And you, Dominique. What are you doing here?" tanong ni Aaron kay Dominique. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha nito.
"Ikaw...ikaw ano ang ginagawa mo rito?" balik tanong niya sa halip na sagutin din ang tanong nito. "Sino kasama mo?" lumingon-lingon si Dominique sa paligid na tila may hinahanap. "Kasama mo ba ang g-girlfriend mo?" at ng banggitin ni Dominique ang salitang girlfriend ay parang may espadang tumusok-tusok sa puso niya sa kirot na naramdaman.
At sa halip na sagutin siya ni Aaron sa tanong niya ay hinila siya nito paalis ng dance floor at palabas ng nasabing bar.
Pagkalabas ay agad siya nitong isinandal sa pader. Napapikit naman si Dominique dahil bigla na naman siyang nakaramdam ng bahagyang hilo. Kanina pa niya nakakaramdaman ng hilo, lalo lang niyang naramdaman ang pagkahilo sa pagkakahila ni Aaron sa kanya. Halos kalakadkarin nga siya nito sa paraan ng pagkakahila nito.
"What's wrong with you, Dominique?" narinig niyang tanong ni Aaron. Nagbilang mo na siya hanggang sampu bago niya iminulat ang mga mata. Pagmulat ay agad na napadako ang tingin niya sa walang emosyon na mga mata ni Aaron. "Hindi ka naman dati ganyan ah." Dagdag pa na wika ni Aaron. Hindi naman siya nagsalita, nanatili lang siyang nakatitig sa mukha ni Aaron.
Mayamaya ay nagsalubong ang mga kilay ni Aaron habang nakatitig ito sa kanya. "Nagkakaganyan ka dahil na naman ba ito sa lalaking mahal mo pero hindi ka niya mahal?" salubong ang mga kilay na tanong ni Aaron sa kanya. Hindi na naman nagsalita si Dominique.
Mayamaya ay tumingala si Aaron saka nito hinagaod ang batok nito gamit ang kamay nito. At ng muli itong tumingin sa kanyang mukha ay blanko na naman ang ekspresiyion ng mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito sa sandaling iyon.
"Bakit mo ba pinipilit ang sarili mo sa lalaking ayaw sa'yo? Oh, god! Dominique, maganda at matalino ka, huwag ka naming magpakatanga sa lalaking iyon. Move on." Frustrated na wika ni Aaron. Kinagat naman ni Dominique ang pang-ibabang labi para pigilan ang emosyon. "Hindi ka mahal no'ng lalaki kaya huwag kang magpatanga." Dagdag na wika ng binata. At sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan ang emosyon. Parang dam na nagsidaluyan ang mga luha sa kanyang mga mata. Kulang na lang kasi na isampal sa kanya ni Aaron ang katotohanang hindi siya nito kayang mahalin. Pinunasan niya ang luhang namalibis sa kanyang mga mata. Ito na rin siguro ang tamang pagkakataon upang aminin rito ang totoo.