Unedited
MAHIGIT isang linggo ng hindi nakikita ni Dominique si Aaron. At missed na missed na ito ni Dominique. Huli niya yatang nakita ang binata no'ng panahong nagkasakit ito. No'ng panahong inalagaan niya si Aaron. Pagkatapos niyon kasi ay madalang na silang magkita at magkausap na dalawa. These past few days kasi abala siya sa commitment niya sa modeling. Samantalang abala din si Aaron sa pagpapatakbo ng negosyo nito. At nalaman niya mula sa sektetarya ng huli na nasa ibang bansa si Aaron dahil um-attend ito ng conference ro'n. Tinanong niya ang sekretarya ng huli kung kailan ang balik nito pero hindi siya nito binigyan ng malinaw na sagot. Hindi na rin siya nag-usisa pa. Hihintayin na lang niya ang pagbalik nito kung kailan man iyon. At kapag dumating na ito ay ipagpapatuloy na niya ang kanyang planong paibigin ito. Alam naman ni Dominique na unti-unti na siyang nagtatagumpay sa plano niya. Nararamdaman niya na unti-unti na ring nahuhulog si Aaron sa kanya. Sa paraan kasi ng pagtitig ng binata sa kanya, sa paraan ng pag-alala nito ay alam ni Dominique na may kakaiba do'n. Alam niyang may kaakibat iyon ng pagmamahal, hindi pagmamahal bilang isang kapatid, kundi bilang isang babaeng pwedeng makasama habang buhay. At kung pagmamahal bilang isang kapatid iyong nararamdaman ni Aaron para sa kanya? Hahalikan ba siya nito? At sa labi? At hindi lang isang simpleng halik, kundi torrid?
"Nagugutom na ako." Napatingin si Dominique kay Yvonne ng marinig niyang magsalita ito. Nakita niya ang paghimas sa flat na tiyan nito. "Tara, kain tayo." Yaya nito.
"Sige. Sa Ross Restaurant tayo." Suhestiyon niya. Sa nasabing restaurant kasi sila madalas kumain na magkakaibigan. Maganda kasi do'n at masasarap ang mga pagkaing sini-serve nila sa nasabing restaurant.
"Sige." Pagsang-ayon nina Yvonne, Maggie at Valeen sa suhestiyon niya.
"Uhm, guys...." tawag ni Emmanuelle sa atensiyon nilang lima."Hindi na ako makikisabay sa inyo. May date kasi kami ni Lawrence eh." Sabi ni Emmanuelle sabay kindat sa kanila.
"Tsk!" Si Maggie. "Simula no'ng magbalikan kayo, hindi na kayo mapaghiwalay na dalawa ah." Dagdag na wika ni Maggie.
Napangiti si Dominique. Masaya siya para sa kaibigan dahil sa wakas ay nagkabalikan na rin ang magkasintahan.
Ngumiti naman ng pagkatamis-tamis si Emmanuelle. "Eh, sinusulit namin iyong isang taon na hindi kami nagkita." Ani ni Emmanuelle.
"Iba na talaga ang nagagawa ng may lovelife 'no?" Si Yvonne.
"Sagutin mo na kasi si Kuya Justin. Para magkaroon ka na rin ng lovelife." Tudyo ni Maggie kay Yvonne.
"O, please! Huwag niyo akong tudyuin kay Kirk Justin the jerk." Sabi ni Yvonne dahilan para matawa sila. "Hindi kami bagay na dalawa." Dagdag pa na wika nito. "And by the way, Maggie. Tell to your brother to stop pestering me."
"Tulak ng bibig kabig ng dibdib." Pang-aasar ni Maggie kay Yvonne.
"Tsk." Tanging nasabi lang ni Yvonne.
Emmanuelle chuckled. "Mauna na nga ako sa inyo. Hinihintay na ako ni Lawrence."
"Sabay-sabay na lang tayo na umalis."
"Okay."
Nagsimula na silang lumabas sa kwartong kinaroonan nilang lima. At ng nasa parking lot na sila ng BMF ay nagpaalam na si Emmanuelle. Lumapit ito sa kanila at pinaghahalikan sila nito sa pisngi bago ito sumakay sa sarili nitong kotse.
Nang makaalis ang kaibigan ay napagdesisyonan nilang apat na iisang kotse na lang ang gagamitin nila papunta sa Ross Restaurant. Napagpasyahan nila na ang Audi na lang ni Valeen ang gagamitin nilang sasakyan.