Chapter 10

32 9 0
                                    

Wilson

"Mayor, they are back to get revenge." Iyon ang bagong report ng imbestigador sa akin.

Sa kauna-unahang pagkakataon nakaramdam ako ng takot. Takot na baka muling maulit ang pangyayaring iyon. Takot na baka pagmangyari pa ang katalud noon hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin.

Ang dugong bumalot sa aking kamay ng mga oras na iyon ay naka-ukit na sa aking isipan at kahit kailan hindi na iyon maalis. Hindi ko nga naligtas ang aking asawa muntikan na rin akong mawalan ng isang anak. Hindi ko na kakayanin na may mangyari pangganun.

"Tatapusin na natin ito!." Alam kong sa kanila ay tapang ng isang namumunong tao ang boses na iyon ngunit sa loob ko ay iyon na ang pinakatapang na salita sa akin sa mga oras na ito.

Matapos kong bitawan ang katagang iyon. Natahimik ang buong silid . Makalipas ang ilang minuto tumunog ang aking cellphone. Nagtaka ako ng makita ang caller. Unregistered number.

"Hello?" Nakakunot ang aking nuo Habang hinihintay ang sagot sa kabilang call.

"Kumusta, kaibigan?" Nanlamig ang aking buong katawan ng mabosesan ang caller. Lahat ng mga kasamahan ko sa room alam kong naghihintay sila at gusto nilang malaman kung sino. "It's been awhile, Wilson. Kakamustahin lang naman kita and of course your beautiful young lady.?" Umigting ang aking panga sa galit.

"Wag na wag mong gagalawin ang aking anak, Mr. Brown." Tumawa siya ng nakakapanindig balahibo.

"Alam mo nung isang araw tinawagan ko ang iyong unica hija, kaso hindi niya naman ako sinagot. Hayyst... Nalungkot nga ako ehh, kaya naman nakipagkita nalang ako sa kaniya." kung may ilalamig pa ng aking katawan hindi ko na alam. Galit at takot ang bumubuhay sa akin ng mga sandaling ito.

" Don't you ever lay a finger to my daughter, Mr. Brown or else you will regret coming back from this City! " Galit kong usal pero ang aking isipan ay marami ng pangyayari ang tumatakbo at mas lalo lamang akong natakot ng ma-alala kung nasaan ngayon si Wilsen.

" Don't you worry, Mr. Mayor. Hindi ko gagawin ang ginawa ko sa mahal mong asawa. I'll just going to hi to her if she still remember me." Labas na ang aking mga ugat sa kamay sa galit na nararamdaman ng sandaling iyon ngunit ang aking mga paa ay walang lakas." Have a nice day, Mr. Mayor. Andito na ang iyong anak." Malakas siyang tumawa bago pinatay ang tawag.

Hindi ko magawang tumayo dahil wala akong lakas maging ang hawakang mabuti ang cellphone ay hindi ko na magawa hanggang sa mahulog ito.

"Mayor." Pagtawag nila sa akin ngunit ang aking isipan ay naging blangko. Nawala ako sa tamang pag-iisip hanggang namalayan ko na lang na tinatawagan ko na si Arby. Ngunit hindi ko pa man nasabi ang ang aking sasabihin nawala ito at may unregistered number na naman ang tumatawag.

Familiar sa akin ang number dahil ito ang number na ginamit ni Mr. Brown.

"You're daughter does not remember me? What happened?" Bungad niya sa akin ng sagutin ko ang tawag. Nagpapaggap na animoy nagulat na hindi siya kilala ng aking anak. "What did you do to your daughter, Mr. Mayor?" Nanlamig ako ng bumalik sa aking isipan ang ala-alang iyon.

"Hindi mo iyon gagawin kay Wilsen, Wilson.." Galit na anas ni Yaya Melda sa akin pagpasok niya sa loob ng opisina. Alam ko agad kung ano ang tinutukoy niya.

"Ya, kung hindi ko iyon gagawin." Napasabunot ako sa sariling buhok ng hindi ko na alam kung ano ang dapat kung gawin. Nag-angat ako ng tingin kay Yaya at hindi ko mapigilan ang aking emosyon. Agad nanubig ang aking mga mata. "Hindi ko kayang makikita siyang ganun araw-araw"

Mayor's Daughter Series 1: UNTOLD LOVE [Under Revision]-Completed Where stories live. Discover now