NAGISING ako nang makaramdam ako ng hiningang tumatama sa mukha ko. Nalasing kaming lahat kagabi dahil nagkatuwaan pa bago nagpasyang magpahinga. Hindi kona alam ang nangyari pagtapos no'n. Dahan dahan pa akong nagdilat dahil sobrang liwanag sa kwarto pero agad ding napapikit dahil sa naramdaman kong sakit ng ulo. Nang makadilat ay nanlaki pa ang mata ko."Dafak!" Nakahiga ako sa braso ni Noel at ga-sinulid ang layo ng mukha ko sakanya! Agad akong tumayo at naupo sa harap n'ya. Pero sa lakas ng sigaw ko ay hindi s'ya nagising! Napatingin ako sa buong kwarto nang hindi ko mamukhaan kung kaninong kwarto 'yon. Pero agad napako ang tingin ko sa side table na may tubig at gamot sa tray. May sticky note pang nakadikit sa tray kaya kahit nahihilo ay lumapit ako do'n.
Hey. Goodmorning. Alam kong mababasa mo 'to pagkagising mo, at ako tulog pa. Pero eto na ang gamot, masakit ang ulo't lalamunan mo kai-inom at kasisigaw kagabi. Makakatulong 'to para mabawasan ang pananakit ng ulo't lalamunan mo.
-Noel
"Gising kana pala." Nagulat ako at nabitawan pa ang sticky note na hawak ko. Gising na pala ang mokong na 'to. Ano bang nangyari kagabi? Bakit ba kasi wala akong matandaan? Fuck! I'm doomed!
"Bakit ba nanggugulat ka?!" Natigilan s'ya. "B-bakit magkasama t-tayo sa kwarto? 'T-tsaka bakit naka—nakayakap ka sa'kin?" Kinakabahan man ay sinikap kong 'wag mautal. Pero halata namang nabigo ako. Gulat s'yang napatitig sa'kin sabay tawa. Anong nakakatawa?!
"Ikaw ang yumakap sa'kin." Nanlaki ang mata ko. Gulat at hindi makapaniwala sa sinabi n'ya. S'ya? Yayakapin ko? No fucking way!
"Ba't ko naman gagawin 'yon?" Mataray na tanong ko, tinaasan pa s'ya ng kilay. Umayos s'ya ng upo at ngingisi ngising tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ano bang tinitingin tingin mo pa?! Sasagot ka lang eh!
"Bakit nga ba?" Bakit ang manyak mo tumingin punyeta ka! May araw ka din!
"Hindi ko gagawin 'yon. Hindi kita niyakap! Bakit ko naman gagawin 'yon? As if naman may gusto ako sa'yo—"
"Wala nga ba?" Nakangisi padin s'ya. Sa inis ay binato ko s'ya ng unan dahil wala na akong makapang isasagot. Tumawa lang s'ya. Nang-aasar. Wala nga ba? Aish! Nagmamartsa akong lumabas ng kwarto at gano'n nalang ang gulat ko ng makita ang lahat na nakikinig sa pinag-uusapan namin sa loob.
"A-anong ginagawa n'yo?" Napatitig ako sakanila. Hindi sila makatingin.
"Ah—ano—ano kasi.. Kasi.. kasi—ano.. yayayain namin kayo mag—mag—" Hindi malaman ang isasagot ni Kaiden sa'kin. Bumaling s'ya kay Kaivier at bumulong. "Anong oras na ba?" Sumenyas naman agad si Kaivier ng oras dahilan para makahinga ng maluwag si Kaiden. "Ano—ah—yayayain namin kayo mananghalian. 'Yon! Oo. 'Yon." Sinamaan n'ya ng tingin si Cadmus na pinakamalapit sa pinto. "Bat ba kasi 'di ka kumatok agad?! Bobo ka talaga eh!" Pasinghal na bulong n'ya. Napailing ako. Halata naman ang ginagawa nila, lumulusot pa.
"Hala bakit ako?!" Pasinghal ding bulong ni Cadmus.
"Next time, kabisaduhin n'yo muna palusot n'yo bago kayo gumawa ng lulusutan n'yo." Iiling iling na sabi ko. Agad nabaling ang paningin nila nang lumabas si Noel sa pinto ng kwartong tinulugan namin na nakatopless at towel lang ang pambaba! And worse, basang basa!
"Good Mor—Afternoon." Nakangiti pa ang loko. Napatingin ako sa mga kaibigan namin na nagpapalitan ang tingin sa'min ngayon. Do'n ko lang napansin na suot ko pala ang polong suot ni Noel kagabi! At hindi pa maayos ang pagkakabutones no'n! Punyeta!
Walang namutawing salita hanggang sa makauwi kami. Walang naglakas ng loob mang-asar at walang naglakas ng loob tumikhim manlang. Kumain kaming walang nagsalita. Hanggang sa paghatid nila sa'min ay tahimik silang lahat.
Tumutuloy ako ngayon sa condo unit na binili ni Tito Ismael para sa'kin. Since nakuha kona ang 1% ng mana. Maayos na ang condo unit nang makapasok ako. Maayos na ang living room, kumpleto ang gamit. Mula sa sofa, table, tv, carpeth, at human size mirror sa tabi nito. Kumpleto nadin ang gamit sa kitchen at dining area. Mula sa ref na punong puno ng ingredients, prutas at chocolate ay naroon na din ang stove at mga gamit pang luto. Lahat ay naroon na.
Pumasok ako sa unang kwarto at namangha sa ganda no'n. Gym ang unang kwarto at may ilang gamit na din ang naroon. Mula tredmill at marami pang iba. Sa bedroom ay kumpleto na din. Simula sa bed, blanket, unan, cabinet, at mayroon pang make-up table sa kanang side ng kama. Nando'n na din ang maleta ko. Pumasok sa sa isa pang kwarto sa tabi ng bedroom at namangha sa laki ng guest room. May tatlong kama at may de-hatak pang mahihigaan sa ilalim no'n. Hindi ko alam kung anong tawag do'n. Kakasya ang siyam na tao sa tatlong kamang 'yon at may extra pang kutson na pwedeng ilatag nalang kapag kinulang sa higaan.
Bumalik ako sa bedroom at lumabas sa balcony. May foldable sampayan do'n at ilang halaman. Sinipat ko na din ang napakalaking bathroom at patuloy na namangha.
Pagtapos kong libutin ang buong unit ay natulog na'ko dahil lunes nanaman bukas.
KINABUKASAN ay maaga akong gumising para bumili ng motor sa Yamaha upang magamit ko t'wing papasok at kung may pupuntahan man ako. Nakabili ako ng black na motor at agad na inuwi 'yon. Balak ko ding sunduin si Mama't si Ate pagtapos ng klase.
Pagpasok sa room ay gulat akong napatingin sa sunod sunod na espasyo sa tabi ng mga kaibigan ko.
"Na-kick out 'yong magtotropa dito dahil nahulihan ng marijuanna. Papalitan daw ng tranferees." Pabulong na sabi sa'kin ni Merci dahil s'ya ang nasa harap ko ngayon.
Sabay sabay kaming napatingin kay Sir nang pumasok s'ya nang may malapad na ngiti.
"Kapalit no'ng mga nawala. Pasok na kayo." Napanganga ako nang makita kung sino ang mga 'yon.
Si Martin Eleanor ang naunang pumasok. Sumunod sina Kaiden & Kaivier Tucceso, Cuervy Traver, Conrad Sentimo, Kreios Skindred, Cadmus Kelv at Sin Knicollas Fabian.
"Sorry, I'm late." Si Noel. Agad na tumakbo't tumabi sa'kin.
"Anong nangyayari?" Bulong ko.
"Well. I think they're inlove."
ENJOY READING!❤️