SA INIS ay tumayo ako para sana magluto ng agahan pero.. putcha nakahubad nga pala ako! Gago naman! Agad akong napatakbo sa bathroom para kumuha ng robe dahil sa hiya. Gulat na napatitig sa'kin si Noel dahil sa biglaang pagtayo ko."Punyeta.." Sa inis ay napabulong pa ako nang makarating sa kusina. Sumunod naman s'ya sa'kin at ngingisi akong tinitigan. Naiilang ako bugok! Hindi ako makatingin sakanya. Ang usapan babawi ako't aasarin ko s'ya dahil sa ginawa n'ya kagabi, 'di ba? Anyareeee?!
Nagluto nalang ako at hindi ko na s'ya pinansin. Nagluto ako ng sinangag, itlog at hotdog dahil 'yon lang naman ang madaling lutuin. Naiilang akong umupo sa katapan na upuan n'ya at ipinagsandok s'ya ng kanin. Ano bang nginingisi ngisi nito? E, kung hindi ko 'to sagutin ng magtigil 'to?!
"A-ano nga palang pangarap mo?" Bigla ay tanong ko habang kumakain.
"Ikaw—" Naibuga ko tuloy 'yong kanin sa mukha n'ya! Sinamaan ko s'ya ng tingin pagdilat n'ya.
"Sorry. Ikaw kasi eh! Seryoso nga!" Sigaw ko 'tsaka nilinis ang kanin na tumalon sa mukha n'ya. Parang tanga kasi. Tinatanong ng maayos, sasagot ng ganon? E, kung kutusan ko kaya 'to?
"Magsi-SeaMan ako. Dalawa kami ni Sin. Si Cadmus at Cuervy naman mag-iEngineer. Si Martin at Conrad naman, magpa-Pilot. Si Kreios naman, Archi. Tapos 'yong kambal parehong magdodoktor." Inisa isa pa? S'ya lang naman tinanong ko. "Eh kayo ba?"
"Ako 'tsaka si Pat magpa-flight attendand kami. Si Ashanti, Lawyer. Si Cailyn naman, Pharmacist. Si Jasvien, gusto no'n maging teacher, eh. Si Chame, Police. Si Diane at Ysa, mag-iEngineer din. Tapos si Merci, chef sa kahit saan." Seryosong sagot ko habang patuloy na kumakain. Napatango tango naman s'ya.
"E, 'di magkakahiwa-hiwalay pala tayo kapag inayos na 'no? Kapag by course na 'yong iba 'di na natin makakasama. Si Pat, Martin, ikaw, ako, si Conrad at Sin nalang ang magkakasama. Kasi pare-pareho tayong tourism, eh." Natigilan ako. Oo nga pala. Hays. Bigla ay bumagsak ang balikat ko sa katotohanang iilan nalang kaming magkakasama sa iisang course.
"Si Ash, mag-isa lang s'ya sa Law. Hays." Malungkot na sabi ko. "Malamang naman, si Cai, Kaiden at Kaivier ang magkakasama sa Medicine." Malungkot talaga ako. Kasi mag-isa si Ash sa Law. S'ya lang yata ang mag-isa sa napili n'yang kurso.
"Si Jasy din naman mag-isa sa Education. Si Kreios mag-isa sa Architecture. Si Merci din mag-isa sa culinary, 'di ba?" Pagpapalakas n'ya ng loob ko.
"Si Chame mag-isa din sa Criminology. Bakit ba kasi magkakaiba tayo ng pangarap, eh!" Inis na singhal ko.
"Kasi magkakaiba tayong tao. Iba iba ang kakayahan natin. Iba iba ang gusto nating gawin." Seryoso s'ya. Kaya wala akong nagawa kundi magpatuloy sa pagkain. Alam kong 3weeks from now mag-iiba na ang sched namin. Gano'n talaga dahil magkakaiba kami ng course. One month and one week kasing pinagsasama sama ang iba't ibang courses dahil pare-pareho pa ng tinuturo. Pero kapag nasa serious stage na kami ng college days, nag-iiba na ang lahat. Sa ngayon kasi ay puro mahahalaga pa ang itinuturo kaya halos pare-pareho. Pero uulitin ang ilan do'n para mas lalo naming maintindihan ang course na pinili namin.
Tapos na kaming kumain ng biglang may kumatok. "Pakibukas naman ng pinto, Noel." Pakiusap ko dahil naghuhugas pa ako ng pinggan. Nagbabasa lang naman s'ya sa living room kaya hindi naman siguro istorbo sakanya ang sandaling 'yon.
"H-ha? I-ikaw na." Nagulat ako sa inasta n'ya kaya napapabuntong hininga akong nagpunas ng kamay at dumiretso sa pinto. Tch! Napakaarte—
"Delivery for Miss Delaney Ruiz." Nakangiting sabi ng delivery boy at may iniabot sa'king bugkos ng bulaklak. "Pa-sign nalang po, Ma'am." Pinirmahan ko 'yon ng nakakunot ang noo dahil sa lubos na pagtataka.
"T-thank.. you." Pahina ng pahina ang boses ko 'tsaka tinignan ang card na kasama ng bulaklak.
Be happy. Be who you wanna be. If others don't like it, then let them be. Happiness is a choice. Life isn't about pleasing everybody.
-Mr. Scared of losing you."Sorry about the quote." Kamot ulong sabi ni Noel na nakatayo na pala sa tabi ko. "Ang korni."
"Buti alam mo." Malamyang sabi ko. Iniabot ko sakanya 'tsaka ako humarap para matitigan n'ya ako. Allergic ako sa bulaklak. Sa rose lang hindi.
"What the fuck is that? A-allergies?" Tumango ako. "Oh fuck! I'm sorry. Hindi ko alam." Bigla ay napabahing ako. Nanlaki ang mata n'ya. Timang! Lalagnatin na ako nito, walanjo—wa 'yong nagbabasa. Char! "Oh fuck! Should we consult the doctor? .. yes yes! We should!" Tanong n'ya, sagot n'ya. Abnormal amp!
So, dahil sa kaabnormalan n'ya ay hindi kami makakapasok. Pumunta kami sa pinakamalapit na hospital dito sa condo ko.
"What happened to the patient?" Tanong ng doktor ng makapasok kami sa kwarto nito.
"Just allergies, Doc. OA lang 'tong kasama ko." Malumanay na sabi ko. Agad naman akong inasikaso ng Doctor at kung ano anong tinurok sa'kin. Kinuhanan din ako ng dugo dahil may ilang symptoms daw na tumutugma sa isang cancer. "Ano pong balita, Doc?" Agad na tanong ko. Kinabahan ako nang sabihin n'yang may ilang symptoms ako ng hindi nila malaman na cancer.
"We have good news and the bad news." Umupo s'ya sa silya n'ya at pinagsiklop ang mga kamay.
Napahawak ako kaagad sa kamay ni Noel. "It's okay. I'm here." Bulong n'ya. "We want to know the good first." Nakangiti n'yang sabi sa Doctor.
"Actually, yung allergies mo ay hindi na gano'n kalala katulad ng dati. Dati sobrang magrashes ang katawan mo dahil sa allergies mo. But now, umookay na s'ya."
"And.. the.. bad news?" Kinakabahan ako. Ang sabi n'ya kasi ay cancer daw. What if ikamatay ko 'yon? I'm not ready. Hindi kopa naigaganti si Papa. Hindi kopa nababawi si Mama. At lalong galit pa sa'kin si Ate. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong kailangang gawin. Marami pa akong pangarap na gusto kong matupad.
"I'm sorry to say this.. but.. you have the rarest cancer—in the world." Pabitin ng pabitin? Bibigawasan ko 'to! Sabihin n'yong gawa?
"W-what is it, Doc?"
"Adenoacanthoma cancer." Kumunot ang noo ko. "Adenoacanthoma cancer is malignancy of squamous cells that have differentiated from epithelial cells. It can be present in the endothelium of uterus, mouth and large intestine. It causes—most commonly associated with endometriosis." Mahabang paliwanag n'ya pa.
"A-and the treatment?"
"Well, if the tumor is well-defined, the treatment is often includes a hysterectomy and radiation treatment. Treatment may vary according to how far the tumor has spread. And sa case mo, mabilis na kumakalat ang tumor sa katawan mo." Kinabahan ako ng sobra kaya napiga ko ang kamay ni Noel. Gusto kong maiyak.
"M-mamamatay po ba ako—"
"Hey! Don't say that." Pagpigil ni Noel sa tanong ko.
"Actually, hindi ko alam. Since this is the rarest cancer, mahirap talaga s'yang gamutin." Tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. No. Please god, no.
ENJOY READING!❤️