SOBRANG saya at tampo ang nangibabaw sa pagkatao ko dahil ngayon ay nasa harapan ko ang pinakamamahal kong lalaki sa buong buhay ko. Ngayon pa lang ay napakaraming tanong ang nabuo sa isip ko pero agad ding natatabunan 'yon ng pakiramdam na sobrang sarap dahil sa wakas.. may kakampi na ulit ako. Pakiramdam ko ay biglang naglaho ang malas na anino ko.Hindi ko napigilan ang pagtakbo ko palapit sa kanya at agad kong iniyakap sa kanya ang mga binti at braso ko. Agad naman n'ya akong sinalo at naramdaman ko din ang pagtulo ng luha n'ya sa balikat ko.
"P-Papa.. Papa.." Umiiyak na pagtawag ko sakanya. Hindi kona inisip pa ang aming mga kasama dahil sa pananabik kong mayakap ulit s'ya.
"I missed you so much, baby.." Lalo akong napahagulgol. Simula pa noong bata ako ay s'ya ang kakampi ko. Sa t'wing pahihirapan ako ni Mama Aireen ay s'ya ang sumasalo sa mga iniuutos nito. S'ya din ang taga-awat kapag balak na akong saktan ni Mama Aireen. S'ya ang nag-iisang kakampi ko.
"Papa.." Tanging nasabi ko dahil tinatabunan ng saya ang buong pagkatao ko. Sa wakas ay magagawa kona ulit s'yang mayakap gamit ang mga braso ko. "Papa.. Kailangan kita.. P-Pagod nako.." Pagmamakaawa ko.
"Shhh. Papa is here. Don't worry.. Come on, let's eat." Ibinaba n'ya ako 'tsaka pinunasan ang mukha ko. "I know you have a loooooot of questions.. so, I'll let you ask me.."
"Why'd—"
"Later." Inalalayan n'ya ako pabalik sa upuan ko kaya napatingin s'ya kay Helicate na titig na titig sakanya. "I know what you did. So.. I can say that you really love my daughter." Nakangiting sabi ni Papa kay Helicate habang papunta ito sa upuan n'ya. "Oh. We have a visitor. Who's she?" Patungkol nito kay Carol.
"S-She's my f-fiancé." Pahina ng pahinang sagot ni Noel. Agad namang sumama ang mukha ni Carol.
"Oh, really? I heard.. Delaney is your girlfriend, right? So.. How—"
"Ex'-girlfriend, Papa." Sabat ko.
"Awe. Why'd you two broke up, then?"
"I broke up with him."
"Why did you do that? You look good together." Parang nang-aasar ang tinig nito.
"He cheated. Nasobrahan kasi ang ganda ko.. Kaya naghanap ng 'di ako matatalo sa kahit na anong laban sa mundo." Nakangising sabi ko. Agad akong nilingon ni Carol at masama ang matang tumitig sakin. Mapang-asar akong natawa bago muling sumeryoso. "Kilalanin mo ang tinitignan mo ng ganyan, baka pagsisihan mong sumalo ka samin ng hapunan."
"Bakit hindi mo sabihin sakanilang lahat ang punto mo dito? Natatakot ka bang malaman nila na kaya naghiwalay kayo kasi nahanap n'ya ako?" Bigla ay ngingisi ngising sabi n'ya. Sumandal s'ya sa upuan n'ya at pinagkrus ang mga brasong nakangisi sakin. Mas lumapad ang ngisi ko.
"Bakit nga ba hindi ko sabihin kung bakit naghiwalay kami at hinanap n'ya ang tulad mo?" Sarkastikong tanong ko. Hindi padin mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Batid kong handa silang makinig at walang magtatangkang umawat pa. Kaya hindi ako natatakot sa kung anong pwedeng sabihin ng bibig ko sa harap nila.
"What do you mean by tulad ko? Bakit hindi mo sabihin? Natatakot ka?" Sumubo s'ya ng dessert at ngumiti sakin nang malunok n'ya 'yon. Parang kinurot naman ang puso ko. "Ah. You look scared.."
"Oh dear, I have no fear.." Nakangiting sabi ko. "Ibinigay ko s'ya sayo, kasi nakakaawa kasi ang kabuo-an mo." Napaawang ang labi n'ya at dahan dahang tumalim ang tingin sakin. "Remember that time?" Patungkol ko sa pag-iyak n'ya sakin sa TeaShop na pag-aari ko.
"Hah.. What are you trying to say?" Tumaas ang kilay n'ya. "Alam mong kaya naghiwalay kayo, kasi nahanap n'ya sakin ang mga bagay na kukumpleto sa pagkukulang mo.."
"What I am trying to say.. Is.. Kapag pinagsawaan ko na ang laruan.." Malambing na sabi ko habang nakaturo kay Noel. "Ibibigay kona ito sa nangangailangan." Inilipat ko ang hintuturo ko kay Carol. "Imbes na itapon ko sa basurahan.." 'Tsaka ako uminom ng juice habang nakatingin sakanya. Nararamdaman ko ang galit ko dahil nanginginig ang kamay ko. Napupuyos ang kamao ko at gusto kong sapakin at kitilan ng buhay ngayon ang babaeng ito. Ngunit asal aso ang nasa isip kong 'yon. Hindi ako katulad nilang mas baboy pa sa baboy kung mag-isip. Pero agad na naglaho 'yon ng maramdaman ko ang kamay ni Helicate na humawak sa nakapuyos kong kamao. Napatingin ako sakanya at ngumiti s'ya sakin. Parang hinaplos nanaman ang puso ko.
"You compared him to a toy? You gotta be kiddin' me.. Did you even loved him?" Nagsalubong kilay n'ya.
"A toy? Hm.. Sige pwede kong ibahin." Animo'y nag-iisip na sabi ko. "Basura." Napaawang lalo ang labi n'ya. "Ang basura ay itinatapon sa basurahan, hindi itinatabi dahil hindi na ito mapapakinabangan.. Pero ang sabi nila, may ginto sa basura." Bigla ay kunwaring nalungkot ako. "Kawawang ginto.." Itinuro kong muli si Carol. "Napasama sa basura." Itinuro ko si Noel. Biglang tumayo si Noel at masama ang matang tumingin sakin. "Why? I'm just being honest. Masama na ba maging honest ngayon—"
"No! Iniinsulto mo na si Carol!" Galit na sigaw n'ya sakin. Tinapunan ko s'ya ng walang kwentang tingin dahilan para panandalian s'yang matigilan. "Hindi ko nakita ang ganyang ugali mo, Delaney. Kahit kailan, wala akong nakitang ganyan sayo. 'Yan ba ang itinuturo nitong traydor na 'to?!" Sigaw n'ya sa'kin at tinuro pa si Helicate. Ipinatong ko ang siko ko sa mesa at nakapalum-babang tumingin sakanya. Animo'y hindi nasisiyahan na nakikita. "Hindi ganyan ang nakilala kong Delaney! Hindi mo sakin natutunan 'yan!" Nagpintig ang tenga ko at naramdaman ko ang pagtalim ng tingin ko sakanya. Napakakapal ng mukha n'ya.
"Hindi mo itinuro sakin 'to.. Dahil ikaw ang dahilan kung bakit kusang lumabas ang ganitong side ng pagkatao ko." Matamis akong ngumiti sakanya. "Kung hindi mo ako niloko, hindi ako magiging ganito.. Hindi kona kasalanan kung matapos mo akong saktan ay natuto akong lumaban ng hindi kinakailangan ang tulong mo.. At mas lalong hindi ko na kasalanan kung maiinsulto s'ya sa mga sinasabi kong totoo.. Hindi ba't totoo naman? Kung hindi ka lang nauhaw sa mga pagkukulang ko, hindi ka makakahanap ng taong nagyayabang pero wala namang napatunayan.."
ENJOY READING!❤️