35

10 2 0
                                    





HINDI umalis si Helicate sa tabi ko. Pinagluto, inalagaan at cinomfort n'ya ako. Pero sadyang hindi ako makaramdam ng saya sa t'wing makikita ko s'yang ngingiti sa harap ko. Si Noel lang ang nakagagawa no'n.


"B-Bakit mo ginagawa 'to?" Biglang tanong ko. Natigilan s'ya sa pagsisilbi sa'kin at agad akong binigyan ng pekeng ngiti.


"Dahil gusto kita—"


"Bukod pa do'n." Prangkang pagpigil ko.


"Gusto kita. Yun lang ang tanging dahilan. At dahil gusto kita, ayaw kong masaktan ka. Ayaw kong saktan ka ng sinoman sa miyembro ng aking pamilya." Umupo s'ya sa tabi ko at marahang hinawakan ang kamay ko. "Oo.. Nagalit ako sainyo noon kasi kung hindi dahil sa ginawa ng Daddy mo, hindi sana namatay ang Mommy ko.. Kasama kasi si Mommy no'ng hinarang ng Daddy mo ang kargamentong galing pa sa Japan. P-Pero hindi alam ni Mommy ang lahat ng transactions ni Daddy. Walang alam si Mommy sa gano'n, ayaw ni Mommy no'n. Pero dahil gusto ni Daddy na maibigay lahat ng gusto ni Mommy, ginawa n'ya 'yon. Ayaw n'yang maghirap si Mommy kaya kumapit na s'ya sa patalim." Naiintindihan ko s'ya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang sa'kin s'ya nakapanig ngayon, imbes na sa Daddy n'ya. Patibong ba 'to? O' totoo ang sinasabi mo? Kung gano'n, pagsikapan mo ang tiwala ko.


"Hindi no'n nasasagot ang tanong ko." Mahinahong sabi ko.


"A-Ayaw ko din nung ginagawa ni Daddy. P-Pumayag lang akong mautusan dahil a-ang sabi n'ya ay ikaw ang nakatalagang trabaho sa'kin." Sinserong sabi n'ya.



"Eh, bakit mo kami pinaglaruan ng mga kaibigan ko?" Walang emosyong tanong ko. Nagsalubong ang kilay n'ya habang nakatitig sa mga mata ko. "Nung concert ng boy group na ina-idolize namin, pinauna mo silang umuwi. Bakit mo ginawa 'yon?! Alam mo bang halos mabaliw ako sa pag-aalala—"


"Wait, what? Wala akong ginawang ganon! Tsh." Bigla ay ibinato n'ya ang kamay ko. Napaawang ang labi ko.


"Aba't—makahagis ka ng kamay ko ha!" Binatukan ko s'ya at nakanguso s'yang tumingin sakin habang kumakamot pa sa ulo n'ya. Natawa naman ako ng bahagya sa itsura n'yang 'yon. Cute.


"E-Eh bakit kasi ako agad ang sinisisi mo?!" Nakanguso pading angil n'ya.


"Dahil alam kong ikaw ang dinidescribe ni Ashanti no'ng araw na 'yon! And you sent me a message! Ang sabi mo do'n hawak mo ang isang lawyer at isang doctor!"


"Wala akong ginagawang ganon! Tsh. Oo! After ng concert nagpunta ako sa condo mo pero wala akong ginawang gano'n. Inimbestigahan ko silang lahat pero courses lang nila ang kinuha ko. And nakipagclose ako sa Mom mo—yes. Pero wala ng iba do'n! Wala akong sinaktan at wala-akong-pinaglaruan-maski-isa-sainyo!" Nakangusong aniya at nagcrossed arms pa.



"Eh sino 'yon? Ang sabi sakin ni Ashanti, matangkad at kapansin pansin ang nunal sa mukha. Eh ikaw lang naman nakilala kong maraming nunal sa mukha!" Umamba pa ako ng kutos pero agad din s'yang umilag.


Kung hindi si Helicate 'yon.. Sino? Ibig sabihin may iba pang naglalaro sa'kin ng hindi ko alam? Hindi pa sila nagpapakilala pero nag-uumpisa na sila? Nice.


"Sa mundo, hindi lang ako ang maraming nunal sa mukha! Tsh." Siniringan n'ya pa ako. Para s'yang bakla kung kumilos ngayon sa harap ko. Malayo sa Helicate na unang nakilala ko. Malayong malayo sa sarkastiko at walang kinatatakutang Helicate.


"Eh, sino 'yon? Ibig sabihin—"


"May iba pang tumatrabaho sa'yo bukod sakin—bukod sa grupo ni Dad." Bigla ay seryosong aniya. "But don't worry, my dear baby.. I'll protect you. Itataya ko ang buhay ko para sa kaligtasan mo." Bigla naman syang lumambing. Loh? Bipolar?


"Ang korni mo." Nanindig ang balahibo ko dahil sa sinabi n'ya pero walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang asarin nalang s'ya. Napanguso s'ya at bahagyang sumandal sa kinauupuan n'ya. Animo'y nagtatampo.


"Di ka manlang ba kikiligin sa sinabi ko? Ang normal na babae.. kinikilig sa gano'n! Ang gwapo gwapo ko tapos 'di ka kikiligin? Ha.. Abnormal ka?" Parang nanlulumong sabi n'ya. Pilit kong pinigilang matawa.


"Baka kasi kagagaling ko lang sa heart break, 'no? Baka kasi puro heart ache ang binigay n'yo sa'kin ngayong araw, 'di ba? Nakita mo kung anong nangyari between me and my M-Mom.." Natigilan s'ya dahil sa sinabi ko. Napatitig s'ya sa mukha ko at wala sa sariling napailag ako nang akma n'yang hahawakan ang mukha ko.


"Kung kulang pa.. Umiyak ka pa. 'Wag mong pigilan.. Nandito ako, hindi kita iiwan." Dahil sa sinabi n'ya ay biglang gumaan ang loob ko. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko sa binti ko. Lumuluha na pala ako kanina pa. Biglang sumikip ang lalamunan ko at biglang nanlabo ang paningin ko habang nakatitig sakanya. Dahan dahan s'yang lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Do'n ko lang hindi napigilan ang hikbi at atungal na mahirap talagang pigilan. Bumuhos ng bumuhos ang luha ko dahil sa yakap n'ya. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng sandalan. Pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi. "Hindi kita sasaktan, palagi kitang dadamayan. Kahit pa masaktan ako dahil sayo, patuloy kitang poprotektahan." Bulong n'ya.


"H-Helicate?"


"Mm?"


"Pwede bang 'wag nalang ako ang mahalin mo?" Mahinahong pakiusap ko dahilan para matigilan s'ya. Saglit pa s'yang napatitig sakin bago malakas na bumuntong hininga.


"Bakit?" Bigla ay tanong n'ya.


"K-Kasi hindi ko alam k-kung masusuklian ko 'yang pagmamahal na binibigay mo.."


"Kung gano'n.. Pwede bang hayaan mo nalang ako?" Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko tsaka ako tinitigan ng diretso. "Hindi ko hihilingin sa'yo na mahalin mo ako. H-Hinding hindi ko gagawin 'yon. Palagi kong maiintindihan lahat ng dahilan mo.. lahat ng sasabihin mo.. Pero, 'wag ang isang 'to.." Biglang nangilid ang luha n'ya dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Kahit pa wala akong nararamdaman sakanya, hindi ko kayang makakita ng lalaking umiiyak dahil nasasaktan 'to. At ang hindi ko kayang makita ay nakakasakit ako ng tao. Itong taong 'to na nasa harap ko.. "Hilingin mona ang lahat.. 'wag lang ang pigilan ang nararamdaman ko sayo.. Hayaan mo nalang ako? Hayaan mo nalang akong mahalin ka hanggang sa mapagod ako. Hayaan mo nalang akong mahalin ka sa abot ng makakaya ko. Hindi ako magiging pabigat sayo. Just please.. don't ask me as if it's easy for me to love you.. This isn't my choice. And I didn't choose you, my heart did."


ENJOY READING!❤️

FORGIVE AND FORGET Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon