NANLAMIG ang buong katawan ko dahil sa nasaksihan ko. Matapos humandusay ni Noel sa sahig ay nag-umpisa ang totoong laban. Si Winter ay nakikipaglaban ng kamao kay Saturn Nikx at ganun din si Heaven kay Summer. Si Papa ay kay Hecate at ang mga tauhan ay laban sa mga tauhan. Si Mommy ay nagdadial ng cellphone n'ya animo'y may tinatawagan. Naninigas ang buong katawan ko. Si Noel ay mahina ang pulsong nakahandusay sa sahig at si Helicate naman ay sugatan."A-Aaarrgghhh!!" Biglang daing ni Helicate kaya nataranta ako. Nakahawak s'ya sa dibdib n'ya sa tapat ng puso n'ya at namimilipit sa sakit. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sinong uunahin ko. "Aaaarrrgghh!! Aaaaahhhh!!!"
Dumating ang ambulansya kasama ang mga pulis. Hinuli sina Hecate at ang mga kasama n'ya. Si Tito Ismael at ang mga kasama n'ya ay isinama sakanila. Si Eron ang Chief Police kaya madali kaming nakatawag sakanya. Kakilala namin s'ya at kasama n'ya si Kaori na pulis din pala. Samantalang kami naman ay dineretso sa hospital. Lulan kami ng ambulansya pero walang nagsalita miski isa. Nang mailipat si Helicate ay nakahawak ako sa kamay n'ya habang sabay kaming papunta sa OR.
"Helicate.. Mahal na mahal kita. Konting tiis nalang.." Mahinang sabi ko habang dinadala s'ya papunta sa OR. Pinahinto n'ya saglit ang mga taong 'yon 'tsaka ngumiti sakin.
"L-Last favor.." Mahinang sabi n'ya. "F-Forgive t-them.. P-Please.. K-Kahit p-para sakin n-nalang.. I don't want that anger ruin y-you.." Parang kinukurot ang puso ko. Ang dinig ko sa mga sinasabi n'ya ay pamamaalam pero isinawalang bahala ko 'yon dahil ang nangingibabaw sa pagkatao ko ay ang magamot na agad s'ya. "G-Get my p-phone.. and b-basahin mo lahat ng n-notes ko.. I-I l-love you s-so m-much.." Hinatak na s'ya papasok sa OR kaya naiwan ako sa pinto no'n.
Summer after high school when we first met
We make out in your mustang to radiohead
And on my eighteenth birthday, we got matching tattoos
Used to steal your parents liquor and climb to the roof
Talk about our future like we had a clue
Never planned that one day.. I'll be losing you..
Bigla ay nakaramdam ako ng kaba dahil sa kantang naririnig ko. Binuksan ko ang cellphone ni Helicate na iniabot sakin ng Nurse kanina at hinalukay ang notes na sinasabi n'ya. Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na isa lamang 'yong surpresa para sa'kin. Pinipilit kong isaksak sa utak ko ang positive thoughts na iniisip ko. Pero sadyang puso ko ang nagsasabi ng totoo. At ayaw kong paniwalaan ang katotohanang 'yon.
Day 1:
It's summer vacation and finally, I graduated in high school. I wrote this because I saw a girl.. and I was about to go to the nearest bookstore nang may mabangga akong babae. She looks poor but she's so beautiful. Natitigan ko s'ya dahilan para maalala ko ang mukha n'ya. I saw her picture inside my Daddy's office. And I think I've fallen for her already. What a love at first sight.
Nagflashback bigla sa'kin ang panahong 'yon. Hindi ko manlang natandaan ang lalaking 'to na minamahal na pala ako ng matagal na panahon. Unti unting namuo ang luha ko at sunod sunod na tumulo 'yon habang binabasa ko ang mga notes n'ya. S'ya din ang tinuturing kong first crush ko dahil sa nangyaring 'yon. Anong nangyari ngayon?
Day 67:
It's my 18th birthday and hindi kona ulit nakita pa ang babaeng 'yon. Kaya hinanap ko ang lahat ng documents ni Daddy about her and then I saw her name. Her name is Delaney Noreen Ruiz. What a beautiful name. Pinatattoo ko pa ang pangalan n'ya sa batok ko para hindi ko s'ya malimutan. Hindi ko man makita ang pangalan n'yang 'yon sa batok ko ay ramdam ko, parang s'ya lang.
Napansin ko ang tattoo n'yang 'yon pero hindi ko binigyang pansin. Parang kinukurot nanaman ang puso ko. Sobrang sakit ng pakiramdam na ito. Pakiramdam ko anumang oras ngayong araw na 'to ay mawawala sakin ang lalaking mahal ko ng todo.
Day 398:
I went to the doctor and she said I have a heart failure. She even told me that my heart is very weak. That's why I wanna see my baby right now and tell her I really love her. But how? I don't even know where she is. I wanna spend my remaining time in this world with her.
Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko. Lalong nangibabaw sa'kin ang katotohanang ito. Mahina ang puso n'ya at hindi manlang nagtagal ang panahon naming dalawa na magkasama. Hindi na sana ako nagdalawang isip pa. Sana pala ay araw araw kong ipinaramdam at sinabi sakanya kung gaano s'yang kahalaga sa puso ko. Sana pala pinaramdam ko sakanya kung gaano ko s'ya kamahal no'ng mga araw na isinasakripisyo n'ya ang sarili para lang sa kaligtasan at kasiyahan ko.
Day 1,245:
I saw her again. I wanna hug her tight. I wanna tell her I love her and court her every single day or my life.. But the sad truth is.. She's my target. I have to kill her. Should I kill her? Or should I kill myself instead?
Napahagulgol ako dahil sa katotohanang 'yon. Sinunod n'ya ang sinasabi ng puso n'ya kaya s'ya nandito ngayon. Dahil padin sakin. Lagi nalang dahil sakin.
Napatigil ako sa pag-iyak ng lumabas ang doctor sa OR. Abot abot ang kabang nararamdaman ko. Paano ko sasabihin sakanya ang gustong marinig ng tenga ko? Paano ko sasabihin sa doctor na 'to sa harapan ko ang gusto ng puso kong sabihin n'ya tungkol sa lagay ng mahal ko?
"I am really sorry.." Napaluhod ako dahil sa apat na salitang sinabi ng doctor. Apat na salitang gumuho sa mga pangarap ko. Apat na salitang dumurog sa puso ko.
In another life, I would be your girl
We keep all our promises, be us against the world
In another life, I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away
The one that got away..
ENJOY READING!😭